Ayan nanaman ang mga salitang yan. lagi nalang nya iyan naririnig bago sya magising dahil sa panaginip na iyon. Panaginip nga lang ba?, Hindi din nya alam kung sino ang lalaking iyon . alam nyang lalaki iyon dahil sa lalim ng boses nito. At ang mas lalong pinagtataka nya ay bakit nya napapanaginipan ang eksenang iyon?. Dahil doon. May nakikita syang isang babae . Isang babae na sinabihan ng lalaki ng mga salitang iyan. At hindi nya alam kung sino iyon, Kung bakit nya ito napapanaginipan. At bakit nya nararamdaman na sya itong sinasabihan ng lalaking iyon. 

Michy's P.O.V 

Dahil sa sobra ng daming tanong sa utak ko naisip ko nalang na bumangon na sa kama. Tinignan ko ang orasan sa dingding ng kwarto ko. Its 5 am. Ang aga-aga pa! Bakit ba kasi lagi ng gantong oras kung magising ako dahil sa panaginip na iyon??? . Panaginip... 

Naguguluhan na ako sa sarili ko. Bakit ko ba napapanaginipan ang mga ganong klaseng panaginip? Hindi ko rin masabi na panaginip dahil panay mga boses lang ang naririnig ko. Pero may isang tao sa panaginip ko ang nakikita ko.

Sya lang. Babae, isang babae, Hindi ko sya kilala. Hindi ko rin alam kung bakit ko sya nakikita sa panaginip ko, at kung bakit sya nasa panaginip ko. And to think na pati yung lalaking nagsasabi sakanya ng 'I love you, Even if it takes my life'  ay nakikita ko rin. Pero hindi naman literal na nakikita ko sya. Yung katawan nya lang nakikita ko kasi madilim sa kinatatayuan nya at hindi ko rin makita ang muka nya. Tanging yung babae lang ang kitang-kita ko ng buo. 

Nakakabaliw man sabihin pero ang lakas ng tibok ng puso ko kapag dumadating sa part na sasabihin ng lalaki yung mga salitang iyon sa babae. Well lagi ko naman iyon napapanaginipan na halos paulit-ulit lang naman pero everytime i saw it and heard it , it always make my heart beat fast. At don pagkatapos ko marinig ulit ang mga salitang iyon dun na ako nagigising sa reyalidad.

Hindi ko alam kung anong ibigsabihin non. Kung natatakot lang ba ako o kung kinakabahan o .. O

ang dami ko ng naiisip at hindi ko man lang napansin na kanina pa pala ako nakatayo lang dito sa harap ng CR . 

Dahil sa kanina pa ako nangangalay sa kakatayo naisipan ko na lang na pumasok na ng banyo. 

~~~~~

Habang nagshoshower ako kung anu-anong tanong nalang ang bumabagabag sa aking isip.

Ng maalala ko bigla ang pinag-usapan namin ni Jadden nung nakaraang linggo, na hanggang ngayon hindi  maalis-alis sa utak ko ang mga huling salitang binitiwan nya.

minsan din gustung-gusto kong itanong sa kanila. kung sino ba yung momo na tinutukoy nila. Sobra ang pagkadesperada kong malaman kung sino sya. Siguro'y masyado lang akong naku-curious dahil sa mga ekspresyon at mga salitang sinasabi nila sa tuwing yung babaeng iyon ang pinag-uusapan.

Hindi rin ba kayo nacucurious? diba nakakacurious din naman? Normal lang naman yun sa tao kapag ikaw na kaibigan nila diba? Pero kung its their choice na wag sabihin ay ok lang. ok lang. DuhFudge! paulit-ulit ko nalang sinasabi na ok lang kahit na gustung-gusto ko talagang malaman ang katotohanan! DX ang hirap talaga ang maging OP :3

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon