Chapter 19

171 8 0
                                    

MEETING A TSUNDERE GIRL
CHAPTER 19
                  DEVOX POV
Pagkatapos ng kadramahan ko ay joke time na naman. Nyahaha. Pumunta na ako sa Classroom at naabutan ko si Pusa na may kaaway. Grabe ang babaeng to. Napakapikonin talaga kaya laging talo.

"Gusto mo ipansak ko sa bibig mo yang sinasabi mong hubby Devox mo?! Nyeta. Magsama kayo!. Huwag niyo akong pariringgan kung nandito lang ako, dapat sabihin niyo ng diretsahan sa akin. Mga bwesit!"inis niyang sabi.

"Ang kapal ng fess mo bitch! Nagpapansin ka lang naman eh!!"sabi ni Joy isang patak bisang katutak. Tama ba iyon? Ay bahala na.

'Okay. That Joy call her a Bitch. Mukhang wala kaming pasok ngayon at makikiramay kami sa lamay ni Joy. Haays.'

"Mas mukha kang bitch. Mukha kang babaeng galang asong kalye. Lakas ng loob mo pumatol sa hybrid. Tsk tsk"pailing-iling na sabi ni Pusa. Di ko muna siya papansin. Baka ako na naman ang bugwakan ng apoy ngayon.

Buti na lang at dumating ang guro namin at nagsimula na ang klase. Mga kaibigan ko ang iingay sa likod samantalang ako ang tahimik ko, sobra. Sigurado ako na di ako mapapatayo nito. Mwahaha.
Nilingon ko si Pusa at seryoso siyang nakikinig sa harapan.
-----

Tapos na ang first subject sa umaga at kay T. Paul na. Ang heartthrob kuno na guro sa Clifford University.

"Stand up, everyone. Proceed to the lab."sabi niya kaya isa-isa kaming tumayo papunta sa Sci-laboratory. Biology namin ngayon.

Nasa Sci-lab na kami at nakatayo si T. Paul sa harapan namin at nasa likod niya ang white board.

"Now! Who can recall about our topic last week?"tanong niya at nagpataas ako ng kamay.

"Yes. Mr.Montecar"

"Division of Cells and it's Parts"sagot ko sabay titig kay Pusa. Ang seryoso niya at ang tahimik niya ngayon. May nagawa ba ako sa kanya.? Gusto ko siyang asarin. I don't care kung magagalit siya sa akin. I want her attention. I'm not an attention seeker, dahil kahit wala akong ginagawa napapansin na nila ako. Mapababae o lalaki man. Pero pagdating sa kanya para lang akong hangin at para lang kaming hangin sa isat-isa. Ni di ko nga siya napansin noon. Siguro dahil magaling siyang tago. Haha.

"Bro? Grupo tayo ha?"sabi ni Jaime tumango lang ako bilang sagot.

Kasalukuyan nang nagaganap ang activities namin. Busy ako sa pag-titig sa Microscope at napamangha ako sa nakikita ko na simula ng naghihiwalay ang cell. They divided into two then later on four.

Sinagot ko na ang guide questions na nakasulat sa whiteboard. Sinagot ko na ito mag-isa dahil ang apat na mokong parang namamasyal lang sa loob ng lab habang binabantayan at tinatawanan ang ginagawa ng iba.

Inipit ko muna sa notebook ko ang papel dahil may urgent meeting sila T.Paul. Paano ko naman ito ipapasa kung waka siya dito diba.

"Tapos na kayo Devox?"tanong ni Kiara at tumango lang ako. Bigla naman siyang hinimatay sa ginawa ko. Ganon lang naman ang pakikitungo ko sa kanila, papansinin nila ako, tatangu-an ko lang sila ay nahihimatay na. What more kung kakausapin ko pa sila. Siguro maghubad na sa harapan ko. Tss.

"Jaime? Ihalo mo iyang pulang likido"rinig kong sabi ni Bert at lumapit ako sa kanila.

"Tigilan niyo iyan"sabi ni Lemark. Si Karl, nanonod lang din sa dalawa.

"Waahh! Dre, naging green. What a magic!"sayang sabi ni Jaime.

"HAHAHA. See? Ang galing diba. Akin na ang test tube, painitin natin to"sabi ni Bert. Nag-aalang Scientist. Nakasuot pa ng lab coat.

Inilagay ni Bert ang test tube na may lamang green likido at pinainitan ito. Ilang segundo lang ay kumulo na ang ito, umuusok pa nga eh.

"Teka. Isali niyo tong Chupachups ko"sabi ni Karl

Meeting A Tsundere GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon