Chapter 16

174 4 0
                                    

MEETING A TSUNDERE GIRL
CHAPTER 16

                      JOE POV
Nagising ako dahil sa nakakarinding ingay na nagpamulat sa aming mga mata.

"Tangina naman oh! Sino ba ya--"putol kong reklamo ng nakita ko si Princess na may hawak na takip ng dalawang kaldero at pinagbangga ito sa isat isa dahilan para makalikha ng ingay.

"May problema ka?!"inis na tanong niya. Nakablack pajamas pato at white t-shirt, suot rin niya ang tsinelas niyang pangbahay na may design na bungo. Kingina!.

"Gumising na kayo!"sabi niya.

"What?! Ang aga pa. Look.! it's 3:10am"sabi ni Kendrie.

"Maaga akong nawalan ng antok eh kaya dapat rin kayo. Mga Shonimal!! Tayo na!"utos niya

"Mga bro? Paluin natin ng baseball bat. Meron dito sa ilalim ng kama. Para makatulog siya ulit"bulong ni Kendrie sa amin ngunit bigla lang hinila ni Princess ang tenga niya.

"Aaaarraaay!!"reklamo niya sabay hila sa tenga niya palabas. Grabe ang sakit non.

"Ikaw winter mag- short ka!!"sigaw niya mula sa labas habang si Kendrie ay nagsisigaw parin, hinihila parin siguro.

"Bro mag-short ka na! Tumigas o?! Kadirdir ka."sabi ni Tymon

"Tss. Nilamigan yan"sabi niya kay Tymon at lumabas na kami.

Nakita namin sila sa labas. May hawak na host si Kendrei, yung pandilig ng mga halaman.

"Kendrie! Diligan mo ang mga halaman. Tymon, kunin mo yung mga lantang dahon. Winter, yung mga bato ilagay mo sa isang pwesto hindi yung pakalat-kalat. Ikaw Bryan, yung mga paso hugasan mo, yung di na ginagamit at i-arrange mo ng mabuti at ikaw Kuya Joe... mangulekta ka ng uod!!"inis niyang sabi sa amin. Napabuntong-hininga nalang kami at padabog na sumunod.

"Di kayo makakakain ng almusal kung di maayos ang ginawa niyo"sabi niya.

Sinasabi ko na nga ba mahirap ang parusa ko. Maghahanap ako ng uod dito. Magpapakita kaya sila sa tulad kong gwapo? Mailap kaya sila pagdating sa akin, di talaga nag-iisip tong pinsan ko.

Nasa garden kami. Seryoso ang mga kapatid ko sa ginagawa nila. Syempre, almusal ang puhunan. Pag-di maayos ang pinagagawa sa amin, walang kain. Mangangayat na tong abs ko pag-ganon.

"Huwag mo nga agawin yang alcohol!" Sabi ni Tymon.

"Tss! Inagaw ko ba?! Para kaunti lang eh"sabi ni Winter. Nag-aaway ang dalawa dahil sa alcohol. Bawat dahon na nakukuha ni Tymon-- lagay ng alcohol sa kamay. Sa bawat bato na nahahawakan ni Winter, lagay ng alcohol.

"Kita mo na ngang kaunti na iyan"sabi ni Tymon.

"Ang damot mo ah! Ipainom ko iyan sayo"inis na sabi ni Winter.

"Tigilan niyo yan"utos ko sa dalawa habang hinihiwa ang uod.

"Shut up the both of you"sabi ni Kendrie habang shina-showeran ang sarili niya.

Tumigil naman ang dalawa at bumalik na kami sa kanya-kanyang gawain. Dali-dali kaming napatakbo lima sa harap ng bahay ng may nag-door bell sa labas.

"Sino iyan?"tanong ko mula sa loob sabay bukas sa gate. May babae na ubod ng sexy na bumungad sa aming umaga. Kanina Hell ngayon Heaven.

"Hi boys? Hi Kendrie"sabi niya sabay kindat kay Kendrie. Tumingin naman ako sa wrist watch ko-- 6:07am na pala.

"Hi Candice"pa-cute na sabi ni Kendrie.

"Hindi ako si Candice! Ako si Marice. Kainis ka babe ah! Iniwan mo ko nong nakaraang linggo  nong gabing yun sa kama. Kaya dali-dali akong pumunta sa address na nandito sa pitaka mo"sabi ni Marice sabay bigay sa pitaka ni Kendrie.

Meeting A Tsundere GirlWhere stories live. Discover now