Chapter 2

375 6 2
                                    

Chapter 2

                      STEFFIE POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa cafeteria. Mainit parin ang ulo ko kaya yung mga babae na nadadaanan ko ay tumatabi agad, baka makatikim sila ng nag-iinit na sampal, kasing init ng ulo ko.

Pumila na ako ng may bumangga sa akin. Okay lang sana eh kaso siningitan ako, grabe sobrang gutom na ako, at hindi pa ako nakakain kaninang umaga kasi tanghali na akong nagising.

"Pumipila ako" mahinahon kong sabi ngunit inirapan lang ako.

"Gusto mo lugitin ko yang mata mo? Parang may problema kasi sa akin. Libre lang, bet mo?"ngiti kong tanong, yung nakakaasar. Yung tipo mapipikon ka talaga. At ako, hindi ako pikunin. HINDI TALAGA.

"What's your problem ba.?"taray niyang tanong. Ang conyo pa nito. Di lang mata problema nito, pati dila rin.

'Aba't tinanong pa talaga ako. Dinadagdagan mo lang init ng ulo ko. Nyeta naman o'

"Ikaw ang problema ko, di ba halata.? Grabe. Siningitan mo kaya ako" inis kong sabi.

"Ikaw na rin naman ang sunod ah! Ang arte naman nito. Like duh!"taray niyang sabi sa akin.

Hinablot ko yung kamay niya at pinapunta sa likod ko.

"Aray! Nakakainis ka ah! Ang sama mo!"inis niyang sabi sa akin

"My dear, my attitudes depend on how you treat me. Sadyang ganyan ang ipinakita mo sa akin so yun rin ang ipakikita ko sayo"sabi ko sabay nakangiti ng naka-aasar. Sasampalin niya sana ako ngunit naunahan ko siya.

*pak*

"Gosh! Tigas ng mukha mo. Napalakas ata. Yung malambot kong kamay pumula. Haays. Kaya naman pala ang kapal ng harina sa mukha."sabi ko at umalis nalang ito. Narinig kong napasinghap yung ibang baabe at nagbubulungan.

"Make sure kung magbulungan kayo di ko naririnig. Para kayong nakalunok ng mic ah"sabi ko at umorder na ng pagkain.

Pinili ko yung pwesto na malapit sa bintana,yung makikita mo ang field ng University. Tahimik silang lahat at gusto ko naman iyon kaso nga lang biglang nag-ingay ang lahat ng pumasok ang lalaking pinapatay ko na sa utak ko at may sumusunod na mga babae sa kanya. Halos tumulo at lumuwa yung mata nila kakatitig sa kanya, halos bumaliktad na esophagus nila kakasigaw, at kanya-kanyang ayos sa mukha. Tss.

Tumayo na ako at umalis na para di ko makita ang pagmumukha niya na di makain ng aso, animalism talaga.!! Ugh!

Bigla niyang hinarangan ang dinadaanan ko. Tinignan ko siya ng taas noo at seryoso, na para bang nakakabagot ang mukha niya. Kumunot naman ang noo nito.

"Steffie Oryx Smith-a transferee student. You been here in this school for just two months" sabi niya at iniirapan naman ako ng mga babae na nasa likod niya. Mga kulang sa tela naman yung mga damit nila,e-re-report ko ang university nato dahil kulang sila sa tela para sa paggawa ng uniform. Haays.

"Ano naman ngayon?!"suplada kong tanong saka siya inirapan. Sarap sipain ng tuhod nito para magsisitalon to sa harapan ko na parang ewan. Kaso wag nalang. Tinatamad ako.

"Hahaha. Wala lang. Nakakatawa kasi dahil pumantay ka talaga sa akin-for what? para mapansin kita? Haha. Well, you did a great job!"tawang sabi niya at nag-smirk sa huli. Puta! Ang pangit!! Ugh! Oo na, gwa-gwapo si-siya. Pero hinding-hindi ko aaminin sa kaniya iyan. Baka mas lumaki pa lalo ang ulo niyan.

"Hmp! Asa ka pa. Mas nanaisin ko pa na mukhang hangin sa iyo kaysa mapansin mo. I don't want to be notice with a guy like you! " sabi ko sa kanya at nag-smirk rin sa kaniya.

'Siya lang ba marunog? Ako rin no! I will not let myself be defeated by you!'

"Hmm. Whatever."sabi niya at binangga niya ako kaya natapig niya braso ko. Susunod sana yung mga babae ngunit binantaan ko sila.

"Subukan niyong banggain ako, ako na mismo bibili ng kabaong niyo. Make me!"sabi ko kaya dali-dali silang sumunod sa lalaking yun. Anak ng tokwa naman talaga oh! Aaahh! Nakakainis naa.!

"Kapal ng mukha mo.!Gusto mo suntukin ko yang ilong mo ulit?! Haa!"sigaw ko at tumahimik naman silang lahat, lumingon siya sa akin habang ang kamay niya nasa bulsa niya. He smirked before he speak.

"Then do it. Don't regret it after you've done it. " seryoso niyang sabi at nakita ko na naka-bandage yung ilong niya. Dumugo ata yun.

Napamura nalang ako sa isip ko. Sa tingin niya natatakot ako sa kanya, wala akong kinakatakuan.

"Hindi ko pinagsisihan ang mga bagay na ginagawa ko lalo pa't mukha mo ang matatamaan ng kamao ko."seryoso kong sabi

"Oh? We're the same. But not that really. " sabi niya.

"Hindi tayo magkapareha, sabihin mo galit ka lang dahil napantayan kita sa exams, at baka malay mo ang lahat kaya mong gawin ay magagawa ko rin."yabang kong sabi. Eh totoo naman eh. Name it and i'll do it.

"I'm not mad. Besides, i'm happy cause finally there's someone out there in the world na may pumantay sa akin. Its was a first time, at di na ako makapaghintay sa mga bagay na magagawa mo at mapapantayan ako."sabi niya sa akin at tinalikoran na ako. Naglakad na rin ako pabalik ng classroom na min. Sa Section 2-B.

Pumasok na ang guro namin sa Stat at bago siya mag-discuss ay napunta ang tingin niya sa akin.

"Oh Ms.Smith? Bakit nandito ka sa klase ko?"tanong ng guro at kumunot naman ang noo ko. Ang mga tangina kong classmate ay tumawa na para bang wala ng bukas, siguro alam nila na last na nila ngayong tawa kasi papatayin ko sila tas ipakain sa aso ko.

"What the heck are you talking? Kung ayaw mo sa akin, mas lalo na ako"inis kong sabi. Ang dali talaga uminit ng ulo ko,at ang dali ko mapikon.

"Ms. Smith, ililipat ka sa Section 1-A. You are a top 1 student. Dapat doon ka. " sabi ng guro at tumigil naman sila sa pagtatawa at nagbubulungan na ngayon na di mo matatawag na bulong dahil nyeta naririnig ko!

"Waah! Besty diba nandon si Devox at ang mga kaibigan niya na ubod ng gwapo katulad niya."

"Oo, matatalino at magaganda ang nandoon. Bakit doon si Steffie?Di porket nasa top lang siya,ilipat siya don"

"Bago pa lang siya, makalipat na siya. Tayo kaya? kailan kaya tayo ma-top para doon rin tayo"

"Para kasama natin sila. 30 lang sila don at kaunti lang mga babae, mga lima ata tas siya."

"Huhuhu Mama! Gusto ko rin don. My Devox"

"May cutter pala ako sa bag. Gusto niyo putulin ko dila niyo? Walang bayad. Tss. Ang ingay niyo"sabi ko sa kanila.

Tumayo na ako at lumabas. Naisipan ko na di nalang papasok. Ayaw kong pumunta don sa taas kung saan ang room nila, ayaw ko siyang makita don. Sa tuwing nakikita ko siya kumukulo ang dugo ko. Sa library nalang ako tatambay.

~~~~

Yan na ang update
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
What cha say readers?
Kindly vote and comment.
-author(genhyun09)

Meeting A Tsundere GirlWhere stories live. Discover now