Chapter 11

202 5 0
                                    

MEETING A TSUNDERE GIRL
CHAPTER 11
                    STEFFIE POV
Nagising ako ng alas singko, bumangon na ako at naligo. Pagkababa ko ay nakita ko ang mga pinsan ko na nakahilata sa sala.

"Anak ng! Hoy! Mga ungas.! Gising"sabi ko sabay sipa sa mga paa nila. Kinurot ko ang tenga ni Kuya Joe na nakaupo habang natutulog.

"A-aaaraay!"reklamo ni Kuya Joe at bigla naman napabangon ang iba.

"Tss! Diba sinabi ko na magluto kayo"sabi ko.

"Oo nga. Tapos na no"sabi ni Kuya Joe at tumayo na sila, sumunod naman sila sa akin sa kusina.

Pagpasok ko sa kusina ay bumungad sa akin ang sunog-sunog na pagkain. Bigla naman uminit ang ulo ko at dahan dahan silang nilingon at sinamaan ng tingin, nakita ko naman na napalunok sila ng ilang beses.

"Sa tingin niyo, makakain ito!"inis kong sabi sa kanila.

"Ha eh. Pi-pinsan naman. Di-di kami marunong magluto eh"utal na sabi ni Kuya Joe.

"Nakakainis naman o. Ang aga aga pa pinaiinit niyo na ulo ko. Kainin niyo yan. Sayang yang pagkain!"inis kong sabi

"What?"tanong ni Kuya Winter

"Bingi kayo? Kainin niyo yan bago kayo pumasok sa skwela"sabi ko. Napakamot naman sila sa batok nila at kinain nila ang luto nilang, sunny side up egg na sunog, hotdog na sunog, tocino na na sunog at sunog na kanin. Haays. Grabe! Chill lang Steffie ang aga pa. Nagluto naman ako na para sa akin at nakaupo kaharap sila.

"Pinsan. Penge naman o"sabi ni Tymon.

"Tss. Tigilan niyo na iyan. Ito na kainin niyo"sabi ko sabay bigay sa kanila ng sandwich at sunny side up egg, tocino at fried rice.

"Waahh. Salamat pinsan. " sayang sabi ni Tymon.

"Haays. Salamat. Parang uling na tong ngipin ko o. Ang itim na."sabi ni Kuya Kendrie sabay pakita sa ngipin niya na nangingitim na. Tumawa nalang kami dahil ang itim na nga ng ngipin niya. Ayan tuloy lumabas ang gatas sa ilong ko.

"Wahahahahaha"tawa nila at tinutukan ko lang sila ng kutsilyo at umaakting na zinizipper nila bibig nila.

"Tss."sabi ko at nagpigil nalang sila ng tawa. Bwesit naman o. Ayaw ko talaga na tinatawanan ako.

---

Nasa School na ako. Habang naglalakad ako ay may lalaki na huminto sa harapan ko. Inangat ko ang paningin ko at may dala itong bouquet ng roses.

"Steffie. Will you accept this flower? Crush k-kasi kita. Gu-gusto ko lang na bigyan ka ng bu-bulaklak na kasing g-ganda mo"utal na sabi ng lalaki. Kinuha ko naman yung rosas at nagpasalamat.

"Salamat"simple kong sabi kaya napangiti naman ito. Hindi ko kasi ugali na saktan ang taong nagkagusto sa akin dahil alam ko ang feeling non. Ang masaktan at mareject. Kaya kahit wala silang pag-asa sa akin at di ko maibibigay ang gusto nila,sa ganitong bagay lang ay mapapasaya ko sila at di ko masaktan ang loob nila.

Pumasok na ako sa main gate at naglalakad sa corridor na ito ng nagbulong-bulongan ang mga babaeng makakapal ang harina sa mukha.

"Tss. Nakakainis talaga ang babaeng yan"

"Oo nga. Nilalandi niya si Devox"

"Pati na mga kaibigan niya."

"Nakakapikon na. Halata naman na na top siya para mapansin ng isang Devox Ferrer Montecar. "

"At nakipag tie pa talaga! Tss. Sino ba naman ang di mapansin niyan"

'May ginawa ba akong masama! Nakakainis talaga ang mga makikitid na utak na mga babaeng to. Ang kapal naman ng Devox na iyon na mukhang Octopus para pantayan ko siya para lang mapansin lang ng so called heartthrob and hottest kuno.! Like duhh. Yan ba ang pinagmamalaki nila eh Octopus naman yon. Ang aga pa naman pangalan niya na ang naririnig at kahit pangalan niya lang ay naiinis na ako ng sobra!'

Meeting A Tsundere GirlKde žijí příběhy. Začni objevovat