"Pauwiin mo na ko Timothy. At ayokong mag-usap tayong dalawa." Hindi pa rin na-aalis ang tingin sa malaking bahay dahil ayaw niyang tignan ito.

"Mag-uusap tayo, and I don't think makakauwi ka pa."

Doon lang niya tinanggal ang paningin at napatingin kay Timothy.

"Why here? Pwede naman sa restaurant, bakit dito sa bahay mo pa?"

"Gusto ko lang." At kumibit-balikat.

Lumabas ito at may lalaking sumulpot dito at binigay ni Timothy ang susi sa bodyguard nito.

Napatingin naman siya sa likod nakita niya na may sasakyan palang nakasunod sa kanila. Nanlaki ang mata niya, sasakyan niya ang dala ng lalaki.

Lumabas siya sa sasakyan. Kaya napatingin sa kanya si Timothy at inabot ang susi ng sasakyan niya.

Hinawakan siya sa kamay nito, dinala siya nito sa bahay nito. Pumasok sila sa loob.

Namangha siya sa nakikita. Maganda ang mga design ng bahay. Maaliwalas, hindi magarbo at minimalist lang mga designs at display ng bahay.

Maganda rin naman ang bahay nila pero mas gusto niya ang ganito. Masarap sa pakiramdam, maluwag at walang kung ano ano dekorasyon. Familiar lahat...

...parang dream house lang niya.

Dream house niya?

Tumigil siya sa paglakad at binawi ang kamay kaya napatigil ito at tumingin sa kanya.

"What's your problem, Taki?"

"N-nothing?"

Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Timothy at humalakhak kaya namula ang pisngi niya kaya pinalobo niya ang pisngi at ngumuso.

Kaya napatigil ito sa pagtawa. "If you're going to say na familiar ang lahat ng ito. Yes wife, hindi ka nagkakamali ng iniisip, this is your dream house. Pinagawa ko ito. Dahil nga nag-kwento ka sa kung ano ang gusto mong bahay, kaya nang nagkapera na ako ng sarili, nagpagawa ako ng bahay, para sayo."

Napatingin siya dito parang may mainit na humaplos sa kanyang puso. At parang may humahalukay sa kanyang tyan. Kinikilig siya. Gusto niyang tumili pero napatungo siya at ngumiti.

Naalala nito lahat ng mga kinukwento niya. Akala niya wala lang para rito ang lahat ng kinukwento niya rito, pero nagkakamali siya. Kasi ito yung patunay na, nakikinig pala siya.

Hinawakan siya nito sa kamay. Tumingin siya rito nakita niya na nakangiti ito at nakatingin sa kanya. Umiwas siya ng tingin rito. Nakita siya nitong kinikilig.

Nakakahiya pero wala nakakakilig kasi ito.

Pagkapunta nila sa kwarto nito nilibot niya ang kwarto nito. Alam niyang master's bedroom ito.

May painting at bedside table. May tv at personal ref at may book shelves pa. Meron ring sala dito. Hinawi niya ang kurtina at napamangha siya sa nakita.

Kita dito ang garden at ang swimming pool.

Manghang-mangha siya sa nagulantang siya ng yumakap ito galing sa likod niya. Pinatong nito ang baba nito sa balikat niya. Tinignan niya ito. Nag-init ang mukha niya ng malapit ang kanilang mga mukha sa isa't isa.

"Get of me, Timothy."

Umalis ito sa pagkakayakap at umupo sa sofa kaya sinunod niya ito at umupo sa kaharap nito. Ngunit napansin niya ang hawak nitong envelope.

May nilapag itong ballpen sa tapat niya. At binigay sa kanya ang envelope kaya taka niya itong tinignan.

Tumango ito. "Open and read it."

Tinignan niya muna ito at binuksan ang envelope. At binasa ang nasa loob nito.

Nag-alangan niya itong binasa ngunit kumunot ang noo niya sa nabasa at tumingin kay Timothy na nakangiti lang na nakaupo habang tinitigan siya.

"Ano tong marriage certificate na to?" gulat niyang tanong rito at tumingin sa mga mata nito.

"Pirma mo na lang ang kulang."

"Hindi ko yan pipirmahan. Ayokong magpakasal sa 'yo." umiling siya sa sinabi nito.

Tumingin ito ng matagal sa kanya at napabuntong hininga. "Okay it's your choice, I will continue what I started to planned to Yvette." Kibit balikat nitong sabi.

Sinamaan niya ng tingin ito.

"Nanadya ka ba?!"

Nagkibit balikat ito at saka siya tinignan. "Kung yun ang gusto mo, ganon na nga."

"Pirma mo o patuloy kong gagawin ang plano ko kay Yvette. Pumili ka Tamaki Yvonne."

Sinamaan niya ito ng tingin ngunit hindi ito natinag at nginitian pa siya nito.

Marahas siyang bumuntong hininga at kinuha ang ballpen.

Bahala na!

Game Of Fire Where stories live. Discover now