Nasa kalagitnaan pa kami nang pagliligpit nang muli kong naramdaman iyong kirot sa tiyan ko. Ulcer na yata ito. Kailangan kong ipatingin agad sa Doktor at baka lumala pa. Mag-aalala na naman si Gene. I don't want to burden him further.

"Okay ka lang, Yan?"

Napapitlag ako sa biglang tanong ng kasama. Mahina akong tumango kahit na ramdam kong mas tumindi ang sakit ngayon.

"Namumutla ka, Yan. May masakit ba?" The worry in his voice pained me more.

Mabilis akong umiling.

"Okay lang ako. Medyo sumakit lang iyong tiyan ko," pagtatapat ko.

"Tss. Bakit hindi mo sinabi kaagad?"

Agad nitong kinuha ang hawak kong sanga at saka inihulog sa lupa. He also took the pail where I've put the fishes I caught before crouching in front of me. I was confused on what he was trying to do when he glanced over to me.

"Sumakay ka sa likod ko."

"Ha?" I asked as I dumbfoundedly stared at his hard back.

Muli niya pa akong nilingon nang hindi ako gumalaw.

"Sumasakit ang tiyan mo, di ba?"

Hindi ko alam kung gagawin ko ba ang gusto niyang mangyari. Takot akong baka malaman niya ang katotohanan kapag may maramdaman siyang kakaiba sa dibdib ko. They've grown bigger now! Kinailangan ko pa ng binder para lang maitago sila.

"Ano pa bang hinihintay mo?" Inis nitong tanong nang wala pa rin akong ginagawa.

Asar itong tumayo at saka kinuha ang aking palapulsuhan.

"Tss. Kahit kailan ang bagal mo talaga," sabi pa nito, his eyes were clearly irritated at something.

Tumalikod din ito at bahagyang lumuhod para maikawit ang aking kamay sa kanyang leeg.

"Kumapit ka."

Hindi pa ako nakakapag-isip ay bigla na lang nitong hinawakan ang magkabila kong hita at saka binuhat. Agad akong napakapit sa kanyang mga balikat sa bilis nito, making sure that the things in my chest won't touch with the hard planes of his back.

"Sabi nga kasing kumapit... ang daming arte," narinig kong tugon nito, may tuwa sa kanyang tono.

Bahagya niya pang inayos ang aking posisyon bago dahan-dahang tumulak.

"Ang bigat mo na, Yan!" Usal pa nito na alam kong biro lang dahil natawa ito sa huli.

Sasagot na sana ako nang may biglang naalala.

"Bakit hindi mo na lang aminin kina Ren iyong totoo? Hindi naman iyon magagalit kapag naintindihan niya kung bakit mo kinailangang gawin iyon. Maaaring magtampo iyon sa umpisa, katulad nang nangyari sa akin. Pero mas malawak ang pang-unawa ni Ren sa aming lahat kaya sigurado akong hindi kasing bangis ng reaksyon ko ang magiging reaksyon niya," ang sabi ni Cecilia sa akin nang minsan naming napag-usapan ang dahilan ng pagkukunwari ko,"Mas masasaktan mo lang sila kung ipagpapatuloy mo ito. Sa huli, masasaktan ka rin."

Napabuntong ako ng hininga.

Siguro nga ay tama si Cecilia. Kailangan ko nang sabihin sa kanila ang totoo.

I stared at his back for a while, memorizing the movements his shoulder blades made in order to keep me in place, as I gathered my courage. He trusts me. It's only right that he should know the truth.

"Ren," I called, nervous of what I was about to say.

"Hmm?"

Lumala ang kaba ko. Umaatras na naman ang tapang ko.

Paper Stars (Self-Published)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora