Iba pa rin talaga kapag nakangiti siya. Nag-iwas ako ng tingin.

"Gusto kong matuto..." Mahinang sabi ko.

Ilang sandali pa bago ako nakarinig nang pagsinghap.

"Sige, ulitin natin," sabi nito bago kinuha ang kanyang pamingwit at muling ipinakita sa akin kung papaano ikakawil ang uod dito.

Dumaan ang ilang minuto at nasanay rin ako sa pagkakawil at pag-iitsa ng tali. Apat na ang nahuli kong isda. Anim naman ang nahuli ni Reign.

"Uy! May nahuli na naman ako!" Masigla kong ibinalita bago hinila iyong tali para makuha iyong naglulumpasay na isda.

"Magaling ka na."

Ngumisi pa ako sa katabi sa papuring natanggap.

Kumuha uli ako ng isang uod at walang kahirap-hirap itong ikinawil bago muling inihagis ang tali sa tubig.

"May tanong ako," bigla nitong sabi.

Nilingon ko siya. Nakatanaw lang ito sa tali ng kanyang pamingwit.

"May sinabi ka?" I asked to make sure.

Bahagya niya akong sinilip bago ibinalik ang paningin sa harap.

"Kayo na ba ni Cel?"

"Ha?" I was caught off guard by his question. Ano raw?!

Muli niya akong sinilip.

"Tinatanong ko kung may relasyon ba kayo ni Cecilia mo?" Mariin nitong tanong.

Cecilia ko? I scoffed.

"Ano namang klaseng tanong iyan?"

Bigla nitong ibinaba ang hawak na pamingwit at hinarap ako.

"Bakit hindi mo na lang sagutin? Kayo ba?"

Kumunot ang noo ko sa tanong nito. Kung kanina ay natatawa ako sa mga sinabi nito, ngayon naman ay nayayamot.

"Anong kami ba?"

Ginulo-gulo nito ang dati ng magulong buhok.

"Boyfriend ka na ba niya?!"

Namumula na ang mukha nito. Magkasalubong ang mga kilay. At nakakuyom ang panga. The three usual things I see in his face whenever I frustrate him so much. Kahit alam kung dapat hindi ako natutuwa kapag ganito, hindi ko pa rin mapigilang matuwa.

"H-hindi! Magkaibigan lang kami!" Agap ko bago ibinalik ang paningin sa harapan at sinubukang mag-concentrate sa pamimingwit ng isda.

"Magkaibigan lang? Sigurado ka?"

Nairita ako nang mahimigan ang pagdududa sa tono nito. Pagalit ko siyang tiningnan.

"Magkaibigan lang talaga kami. Bakit naman ako magsisinungaling?"

Sandali niya pa akong tinitigan, tila tinitimbang ang aking mga salita. Maya't maya pa ay napapikit ito bago humugot ng isang malalim na hininga. Nang muli itong nagmulat, wala na ang kaninang tamlay nito.

"Good."

Iyon lang ang kanyang sinabi, isang simpleng salita, pero pakiramdam ko ay mayroong nagdiwang sa loob ko. Pinilit kong mag-focus sa ginagawa habang pinupulot ng kasama ang kanyang pamingwit para magpatuloy.

"B-bakit mo naman natanong?" Hindi ko napigilang iusisa.

Muli pa itong nagpakawala nang isang mabigat na hininga.

"Huwag mo ng isipin iyon. Sapat na sa akin ang sinabi mong hindi talaga kayo."

May kung anong mainit na humaplos sa puso ko nang sabihin niya iyon. I have always known that his trust could mean so much to me. Hindi ko napigilang ngumiti.

Paper Stars (Self-Published)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن