BONUS

35 0 0
                                    


BONUS: Vanessa

Abala ako sa pagpapatas-patas ng hindi mabilang na dokumento ng hospital ng marinig kong tumunog ang aking cellphone. Sinagot ko iyon.

"Hello? This is Vanessa of-" hindi pa man ako tapos magsalita ay pinutol na ako ng nasa kabilang linya.

"Vanessa!"

Nangunot ang noo ko. Pamilyar ang boses niya sa akin.

"Diana? Ikaw ba 'to?" pangungumpirma ko.

"Oo! Vanessa! May importante kang kailangang malaman! Si Man-"

"Teka! Teka nga! Kumalma ka lang! Bagong number mo ba 'to, ha? Tsaka bakit ba parang hindi ka mapakali diyan? Alam mo bang nasa trabaho ako-" pero agad din akong napatigil nang marinig ang sunod niyang sinabi.

"Si Manang Ganid! Patay na!"

Hindi ko na namalayan at dumulas ma ang aking cellphone sa kamay. Gumawa ito ng ingay nang bumagsak sa sahig. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin na nasa aking lamesa at hindi ko maipapagkaila ang pamumutla doon.

Si Manang Ganid, patay na? Pero teka, hindi naman siguro iyon ang dahilan diba?

Sa magulong pag-iisip ay nanginginig ang mga kamay ko na kinuha ang cellphone sa sahig na buhay pa rin naman. Muli kong itinapat iyon sa aking tainga.

Agad kong narinig ang paulit-ulit na pagtawag sa akin ni Diana sa kabilang linya.

"Diana."

Natahimik siya.

"Diana. A-Ano namang kinalaman natin kung namatay siya diba? Hindi naman natin iyon ka-close." Pilit pa akong natawa pero tahimik pa rin si Diana.

"Diana? Hello?" pagtawag ko pa.

"Vanessa, hindi ba sinabi mo kahapon na sana masabugan siya dahil sa galit mo nung hindi ka niya pinainom ng tubig?"

"Oh? Ano namang pinapalabas mo? As if namang may sumabog nga diba?" tanong ko pero dumaan ang ilang segundong katahimikan bago ito muling umimik.

"Vanessa, ang sabi, dilim pa lang nang pumunta na sa karinderya niya si Manang Ganid ng mag-isa para maagang masimulan ang pagluluto. Nag-paiwan daw ang anak nitong nakakatulong niya sa bahay dahil may dadaanan pa raw ito bago pumuntang karinderya. Ang nangyari, sumabog yung gasul nang hindi inaasahan at iyon ang dahilan ng pagkamatay niya."

Tila nanigas ako sa aking kinauupuan sa narinig. Umabot ng minuto bago ko na-proseso ang lahat at pilit na nagpakawala ng isang tawa.

"A-Ano ka ba, Diana? Wala naman akong kasalanan doon diba? Siya pa rin ang may kagagawan noon dahil hindi siya nag-iingat. Sinabi ko lang kung anong nasa isipan ko kahapon. Marahil ay oras na niya mismo."

Pilit ko lang tinatakpan ang nagsusumidhing takot sa akin.

Hindi ko naman kasalanan 'yon diba? Siguro kabayaran iyon sa hindi niya pagpapainom sa akin kahapon. Nagmadamot kasi ito ganoong ang layo ng nilakad namin noon ni Diana dahil galing kami sa isang herbal vendor dahil kailangan daw ng kaniyang ina. Saktong nauhaw ako pero dahil wala naman akong dalang pera, lumapit na lang kami sa isang karinderya pero ang nangyari, hindi man lang nagpa-inom dahil hindi naman daw ako kumain doon.

Nagkataon lang din na ang ikinamatay niya ay kung anong nasabi ko. Oo, nagkataon lang ang lahat.

Nagkataon lang iyon.

"Sabagay. Sige, Vanessa. Sinabihan lang kita. Pasensiya na kung naka-istorbo ako. Ibababa ko na ang tawag. Bye," huling sabi nito bago pinutol ang linya.

Thriller Dump (Compilation)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें