Entry 1.3

26 0 0
                                    


ENTRY 1.3: President

"Can I talk to the President?" tanong ko sa babaeng nakatutok ang tingin sa kompyuter nito, ang sekretarya ng Presidente. Madaling araw na rin pero nandoon pa rin siya.

"D-Doktora Valencia?"

Tila hindi pa siya makapaniwala na nasa harapan niya nga ako. Napakunot ang noo ko.

"May problema ba?"

Saglit itong natahimik bago tumikhim.

"Wala naman po Doktora. Hinahanap niyo po ba ang Presidente?"

Iniwasan kong mapairap.

"Yes." madiing sagot ko.

"Uhm... Actually, kaaalis lang po ng Presidente."

Mas nangunot ang noo ko. "What do you mean? Sa'n siya pumunta?"

"Wala po akong alam sa mga business ni President sa labas ng hospital, Doktora."

Napabuntong hininga ako. Nakaalis na agad siya? Parang kanina lang kausap pa siya ni Kaizer sa telepono.

"Just check my number on the records. Tawagan mo ako kapag bumalik na siya, okay?" walang atubili naman itong tumango kaya nagpaalam na ako.

Napili ng Presidente na ilagay ang kaniyang opisina sa unang palapag ng hospital pero sa separadong hallway ang kaniya kaya naman walang makikitang taong pakalat-kalat malapit sa opisina.

Pagkalabas ko sa hallway na iyon ay naabutan ko ang pauli-uling mga nurse at ilang pasyenteng naka-wheel chair.

Nagawi ang tingin ng ilang nurse sa akin, marahil nagtataka kung bakit hindi ako on-duty pero wala namang nag-atubiling lumapit at magtanong. Ikinapag-pasalamat ko na rin.

Diretso lang akong naglakad palabas ng hospital para makauwi sa aking apartment para mapagtuunan ko ng pansin ang mga footages na naipasa sa akin. Pero namataan ko ang pigura ng isang lalaking papalabas din ng ospital at may dala-dalang itim na garbage bag.

Katulad na katulad ito ng pigura ng lalaking nasa CCTV. Iyong pinag-abutan ni Myrna ng basura doon at agad din namang umalis.

Hindi ako sigurado kung siya nga iyon pero para tuluyang makasigurado ay mabilis kong tinakbo ang pagitan namin.

"Manong." tawag ko dito.

Labis ko atang nagulat dahil nagawa nitong mabitawan ang hawak na plastic na ngayon ay nasa sementadong sahig.

"D-Doktora?" tanong niya pagkaharap sakin.

Ngumiti ako dito bilang tugon. "Pwede po ba akong magtanong?"

Tila natigilan ito doon sa kaniyang pwesto at napansin kong naglikot pa ang panginin nito.

"S-Sige po."

Ngumiti akong muli dito pero agad na napawi iyon nang magawi ang tingin ko sa plastic na dala nito na ngayo'y nasa sahig.

What the actual fuck?

Napansin siguro nito kung saan dumiretso ang tingin ko. Agad nanlaki ang mga mata niya doon na tila may napagtanto. Hindi nakalampas sa akin ang paglunok nito ng ilang beses at nagmamadaling kinuha ang garbage bag na nasa sahig.

"U-Uhm... K-Kailangan ko na pong u-umalis, D-Doktora."

Walang pag-aatubili itong umalis sa harapan ko habang ako'y pilit na pinoproseso ang nakita. Totoo ba yon?

Bago pa makalayo ang lalaki ay mabilis ko siyang hinabol. May katandaan na ito kaya naman agad ko itong naabutan at hinawakan ang braso nito para tuluyang mapaharap sa akin.

Thriller Dump (Compilation)Where stories live. Discover now