Entry 1.2

21 0 0
                                    


ENTRY 1.2: Kaizer

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?"

Hindi ko alam kung nakailang beses nang itinanong ng pulis na umatenda sa amin kanina iyon.

Sa halip na dumiretso sa hospital ay nagpatianod na lang ako papunta sa presinto. Kailangan ko lang makapagpalipas ng ilang sandali para makapag-isip ako ng mabuti.

Kanina pa din namang walang imik ang lalaking nakabanggaan ko ng sasakyan at ikinapa-pagpasalamat ko iyon.

"So, ano pong gusto niyong mangyari dito? Payag po ba kayo Ma'am na-" hindi pa man tapos magsalita ang pulis ay inunahan ko na ito. Nilabas ko ang aking calling card at iniabot sa lalaki.

"Babayaran ko ang lahat. Tawagan mo lang ako kung kailan. Wala lang akong oras ngayon."

Tumayo na ako at akmang paalis na nang magsalita ito.

"Hindi mo na kailangang mag-abala. Ako nang bahala sa kotse ko."

Nilingon ko ang lalaki pero diretso lang ang tingin niya sa pader habang nakaupo doon.

"I thought-" pero napatigil ako nang lumingon siya, diretsong tumingin sa mga mata ko.

"I'm sorry for your loss."

Umawang ang mga labi ko pero agad akong nakabawi. Of course, he knew. He was listening. Plus, I broke down. Kahit sa malayo, malalamang namatayan ako.

Pilit nalang akong ngumiti bago na tumalikod sa kanila... dahil ano bang tamang sagot doon?

Hindi ko alam kung paano ko pa nakayang makarating sa hospital ng ligtas. Ilang minuto na rin akong nandito sa loob ng sasakyan ko at hindi bumababa. Ilang kotse na ang namataan kong umalis at pumasok sa parking lot pero nandito pa rin ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko akalain na ganoon na lang reresolbahin ng Presidente ang sitwasyon.

Really? Para lang lagi sa kapakanan ng kaniyang hospital! Para sa kapakanan niya!

Hindi ko lang ma-imagine kung anong sakit ang idudulot nito para sa pamilya ni Myrna. Kina Tita. Myrna is not just a friend to me. She's also a sister. Intern pa lang kami nang magkakilala. Since then, we're inseparable.

Mabilis kaming magkasundo sa maraming bagay. We help each other kapag may hindi alam ang isa kung paano iyon gawin. We support each other at all times. I can't believe I lost her just like that. In one snap.

Kinuha ko na ang mga gamit ko nang napagpasiyahan nang bumaba ng aking sasakyan.

Dumiretso ako patungo sa elevator. Pagkapasok ay balak ko na sanang pindutin ang B para sa basement pero may nakadikit doong papel at may nakamarkang 'X'.

Really, President?

Napabuntong hininga ako, pinindot nalang ang number 1 doon dahil balak kong dumaan sa unang palapag. Pagkabukas noon ay namataan ko ang ilang nurse na nagpauli-uli sa hallway at ilang pasyente. Punong-puno maging hallway ng hospital at halos hindi na malaman ng mga nurse kung sino ang aasistahan. Niyuko ko ang aking ulo para hindi ako mapansin ng kahit sino dahil wala pa akong balak na magtrabaho.

Dumiretso ako sa hagdan pababa sa basement nang makasalubong ko ang pataas na isang tauhan ng hospital, base na rin sa buong kasuotan niya. Hindi ito nakasuot ng pang-nurse or maging ng taga-linis pero sigurado ako na uniporme ito ng hospital dahil dati ko na itong nakikita dito.

May katangkaran ito at maganda ang postura. Sa tantiya ko ay ka-edaran ko lang din siya.

"Ah, Ma'am. Personnel lang ng hospital ang pwedeng bumaba dito. Kung naliligaw kayo, alam ko po ang pasikot-sikot dito sa hospital. Pwede ko kayong tulungan." wika nito.

Thriller Dump (Compilation)Where stories live. Discover now