FINAL

1K 72 7
                                    

FINAL

Ligid sa kaalaman ni Kokak, lihim s’yang pinamanmanan ni Aldrin sa kanyang kinikilos.

Dumating ang isang pagkakataon...

Habang nag-iisa lamang si Kokak sa loob ng bahay, at nagpapahinga.

May isang lalaking pumasok sa loob ng bahay. Walang kamalay malay si Kokak..nang biglang..

“HMMMP!” Biglang nawalan ng malay si Kokak.

“Bilisan ninyo, kunin ninyo ang cell phone n’ya! Kunin ninyo ang lahat ng phone number..nakasulat man sa Korean o hindi..kailangan makakuha tayo ng impormasyon d’yan.” Utos ni Aldrin.

Sa di inaasahan biglang may tumawag sa cell phone..

Nabigla si Aldrin sa tumatawag..ang telephone number ng Sekretarya ni Aldrin sa kabilang hacienda.

Tinanggap ni Aldrin..

“Ms. Gwon, naipadala na po namin sa Korea ang order ninyo. Wala na pong problema....”

Tahimik lamang nakikinig si Aldrin. At ngumiti.

Ginamit ni Aldrin ang kanyang cell phone at muli s’yang tumawag sa kanyang sekretarya.

“Tinawagan mo ba buyer natin sa Korea? Ano ang buong pangalan n’ya? Ibigay mo sa akin ang kanyang address..”

Nagmamadaling umalis agad si Aldrin..

---------------------------------------------------------------------

Samantala sa Korea,

Ilang araw na ang nakaraan ngunit balisang balisa parin si Yuna.Hindi parin maalis sa kanyang isipan ang pagtatagpo nila ni Aldrin.

Umaasa s’yang hindi sana malaman ni Aldrin ang katotohanan tungkol sa kanilang anak.

“Yuna, anak ilang araw ka na mukhang balisa. Bakit para bang hindi ka mapakali. Tsaka ayaw n’yong lumabas? Ano bang nangyayari sa ‘yo?”

NE SARANGWhere stories live. Discover now