Chap. 6

1K 81 1
                                    

Matyagang hinintay ni Aldrin na lumabas si Yuna galing sa dining room. Umupo si Aldrin sa isang  piano. Nagsimula s’ya nagtipa..matagal n’ya nang hindi ginagawa ang maglaro ng piano..

Tinugtog ni Aldrin ang awit na TUWING UMUULAN. Dahil doon lumabas si Yuna. Pinagmasdan n’ya ang binata. Dahan dahan s’yang lumapit sa piano. Ngumiti si Aldrin sa kanya. Tumayo naman si Yuna sa gilid ng piano.

“Alam mo ba kung anong tinugtog ko?” Tanong ni Aldrin.

“Oo, madalas inaawit ni Kokak ang awit na ‘yan.” - Yuna

Umupo si Yuna sa tabi ni Aldrin..at nagsimulang tumugtog..

tinutog nito ang FOX RAIN ( Pakingan nyo ang Video)

Nanatiling nakatitig si Aldrin sa kanya..lumabas naman ang mga katulong..

Napansin ni Aldrin na pinagtitinginan sila ng mga katulong. Agad tumayo si Aldrin at sinabing..

“Magpahinga na kayo..”

Iniwan ni Aldrin si Yuna. Sinundan ng tingin ni Yuna ang binata.

YUNA‘s POV

Hindi n’ya kaya nagustuhan ang tinugtog ko? Ba’t kaya bigla s’yang tumayo?

“Anong problema ng amo n’yo?” Tanong ko kay Laura.

“H’wag n’yong pansinin Maam. Nadala lang ‘yon sa tinugtog n’yo. Alam n’yo na LOVELESS si Sir.” Sabi ni Laura.

“Nakakasawa na kaya ang ganung mga emote ni Sir. Ride na lang kami ng ride..go with flow ang drama dito sa bahay. Masasanay rin kayo.” Sabi ng isang katulong.

Pinagkibit balikat ko na lang ang mga sinabi nila. Nakadama ako ng antok at pagod dahil sa mga ginawa ko kanina na pagtractor. Umakyat na ako para makapagpahinga.

Hindi ko inaasahan na nakatayo si Aldrin sa tapat ng kanyang silid..

“Yuna..sandali...” - Si Aldrin

“Bakit?” - Ako

“Gusto mo bang mamasyal..sa tabing ilog..hindi ka pa napagawi doon hindi ba?” Tanong n’ya sa akin. Parang nabuhayan ako ng loob. Hindi ko alam kung bakit.

“Oo.” Agad kong sagot. Ayaw kong mag-isip ng kahit ano. Basta’t ang alam ko natutuwa ako sa sinabi ni Aldrin.

Nagulat nalang ako muli n’yang hinawakan ang mga kamay ko at muli kaming bumaba ng hagdanan. Sumenyas sa akin si Aldrin na h’wag maingay..hindi ko alam kung bakit? Tumango na lang ako.

Hindi kaya ayaw n’ya kaming makita ng mga katulong?

Nang makarating kami sa gate..merong kabayong naghihintay.

“Aldrin, hindi ako marunong sumakay ng kabayo. Natatakot ako.” - Ako

“Eh, di maglakad tayo. Tutal maliwanag naman ang buwan at kahit papano may mga ilaw naman ang mga poste..” -Aldrin

“Hindi ba nakakatakot ang maglakad sa dilim?” -Ako

“Ba’t ka matatakot? Kasama mo ako. Halika hawakan mo ang kamay ko. May dala rin akong flashlight.” Sabi n’ya.

Hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit nagtitiwala ako sa lalaking ito? Kung bakit sa bawat sinasabi n’ya ay napapasunod ako? ayaw ko mang isipin pero ilang araw na akong ganito..NAHUHULOG AGAD ANG LOOB KO SA LALAKING ITO..NI HINDI KO KILALA ANG TUNAY N’YANG PAGKATAO. BAKIT NAPAKABILIS NG PANGYAYARI..ILANG ARAW PALANG KAMING MAGKASAMA SA LOOB NG KANYANG PAMAMAHAY..PARANG PAKIRAMDAM KO PAG-AARI N’YA AKO.

NE SARANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon