Chap. 14

807 70 3
                                    

AN : Imagine na lang tayo ng kunti nito..

Ilang araw na naging abala si Aldrin sa kanyang hacienda; sako sakong bigas ang itinutulak nila sa bayan, mga prutas na ibinabyahe sa iba't ibang lugar, maging ang ilang mamalaking bodega sa hacienda nito ay puno din ng mga produkto. Abala din ang mga tauhan.

Pagod na pagod si Aldrin tuwing umuwi ito sa bahay. Minsan inaabutan na lang ni Aldrin na tulog na si Yuna.

At sa umaga naman, paggising ni Yuna wala na sa kanyang tabi si Aldrin.

Isang gabi habang magkayap sina Aldrin at Yuna na natutulog..biglang nagkaroon ng ingay sa labas..

"Sir Aldrin! Sir Aldrin!!!"

Agad nagising si Aldrin at Yuna. Nakarinig sila ng sigaw sa labas ng bahay..

Agad bumaba si Aldrin at Yuna..

"Sir! Ang bodega po ng bigas nasusunog! Napakalaki po ng apoy!!" Sigaw ng isang tauhan..

Agad nagbihis si Aldrin at tinungo ang nasabing bodega..

Nang marating ni Aldrin halos hindi makayang sugpuin ang apoy na bumabalot sa buong bodega.. pati ang mga tauhan ay tinulungan ang mga bombero.

Hindi natiis ni Aldrin na hindi tulungan ang mga tauhan..pati s'ya ay tumulong na mailabas ang mga sako ng bigas..

Mabuti nalang at marami ang naisalba na mga sako sakong bigas..at kaunti lamang ang nasunog.

Agad pinaimbestigahan ni Aldrin ang sanhi ng sunog..

Nang umuwi si Aldrin ay tila naubos ang kanyang lakas. Awang awa si Yuna sa nobyo. Niyakap n'ya ito.

"Aldrin, h'wag kang mag-alala mababawi mo rin ang nawala sa 'yo.." Bulong ni Yuna.

Ngumiti ng bahagya si Aldrin.. at niyakap si Yuna..

________________________________________________________________

Pagkalipas ng 2 araw, handa na ang 3 malalaking delivery truck ng mga prutas. Itutulak na ito sa para sa isang naghihintay na buyer sa Cagayan de Oro City.

Maagang umalis ang mga sasakyan..Habang nasa biyahe biglang ..

BANG! BANG!

May narinig ang mga driver na putok ng mga baril.

Inulan ng bala ang mga truck. Sumabog ang isang truck. Mabuti at nakalabas ang driver nito.

Mula sa kung saan nagsilabasan ang mga armadong kalalakihan.

Samantala, sumalpok sa isang malaking bato ang pangalawang truck. Lubhang nasugatan ang driver.

Pilit lumaban ang driver ng unang truck ngunit tinamaan agad ito sa paa.

Agad naman iniwan ng mga armadong lalaki ang mga driver. Humingi ng tulong ang isa sa mga driver..mabuti na lang at malapit sa isang baranggay ang pinangyarihan..

Agad naman nakarating ang balita kay Aldrin..Hindi na maunawaan ni Aldrin ang mga nangyayari..

Samantala, lihim na nag-uusap sina Kokak at Yuna..

"Yuna, hindi ko na gusto ang nangyayari dito ngayon. Simula nang pinaalam ni Aldrin na naging kayo..bakit nangyari na ang lahat ng ito?"

Kokak

"Ano ka ba naman, nagkataon lang." - Yuna

"Yuna, mabuti pa umuwi ka na lang muna sa Korea. Delikado ka dito. Malay natin may mga kalaban si Sir Aldrin sa labas ng hacienda."

NE SARANGOnde as histórias ganham vida. Descobre agora