Chap. 16

796 78 3
                                    

Chap. 16

Gustong lapitan ni Aldrin si Yuna, ngunit pinigilan ni Kokak ang binata..

"Yuna..hintayin mo ako..susunduin kita doon..ipapaalam kita sa magulang mo.." Pilit na hinahawakan ni Aldrin si Yuna habang papasok si Yuna sa sasakyan. Hindi s'ya nililingon ni Yuna.. Hanggang sa lumayo ang sasakyan.

"Aldrin, Tama na. H'wag mo nang dagdagan ang sama ng loob ni Yuna." Hinila ni Kokak si Aldrin.

"Kokak sabihin mo sa akin saan s'ya nakatira sa Korea..pupuntahan ko s'ya." Garagal na boses ni Aldrin.

"Tama na Aldrin! H'wag mo munang guluhin si Yuna. Harapin mo muna ang problema mo. Alam mo, nagsisisi ako na pinatira ko pa si Yuna sa pamamahay mo eh. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pinauwi ko na lang s'ya agad bago nahulog ang loob n'ya sa 'yo!"

-Kokak

Hindi na sumagot si Aldrin. Nauunawaan n'ya ang nararamdaman ni Kokak sa mga sandaling 'yon.

Agad umuwi si Aldrin sa kanyang villa. Pilit n'yang tinatawagan si Yuna ngunit hindi sinasagot ang tawag nito. Magulong magulo ang isipan ni Aldrin.

Samantala, agad ding bumili ng ticket si Kokak para ilakad ang kanyang papeles sa Embassy. Kailangan n'yang masundan agad si Yuna. Alam n'yang kailangan s'ya ng kaibigan nito. Maraming bagay ang bumabagabag kay Kokak. May isang bagay na bumabagabag sa kanya na hindi n'ya maunawaan.

"Nay..Tay..bukas ng hapon aalis ako papuntang Manila. H'wag ninyong sasabihin kung saan ako. Ayaw kong malaman ni Aldrin ang pag-alis ko. Mahirap na at baka masundan n'ya pa ako. Natatakot ako sa kalagayan ni Yuna. Alam naman nating nagsama sila ng panandalian ni Aldrin."

Kokak

"Paano kung magtatanong si Aldrin sa amin?" - Mang Berting.

"Sabihin ninyong may inaasikaso akong papeles." - Kokak.

-------------------------------------------------------------------

Sa Ninoy Aquino International Airport ilang oras na lang at sasakay na si Yuna sa eroplanong hahatid sa kanya sa Korea. Nagsimula ng tumulo ang mga luha n'ya.

Nabaling ang tingin n'ya sa isang poster na nakasulat IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES.

"Tama, It's more fun in the Philippines..Meron akong dahilan na babalik at babalik ako dito..kahit masakit ang natamo ko.."- Yuna

Naisipan ni Yuna na pumunta ng Lady's Room..paglabas n'ya ng Lady's room nasalubong n'ya ang dalawang mag-asawa..Napahinto si Yuna..sa di malamang dahilan napako ang tingin n'ya sa dalawa..

"Aldrin..." Bulong n'ya..

Bakit ba sa lahat ng taong pwede n'yang maalala ay parating si Aldrin ang agad na rumirehistro sa isip nya.

Napahinto ang dalawang mag-asawa. Pinagmasdan s'ya ng mabuti..

"Miss are you okay? You look pale." Sabi ng Mestisahing babae na maamo ang mukha.

Nakatuon ang mga mata ni Yuna sa lalaking kasama nito. Tulala si Yuna.

"Honey, maybe she's sick." Bulong ng lalaki sa asawa.

"Joaquin, maybe she needs help." Hinawakan agad ni Selene ang kamay ni Yuna. Nang biglang hinimatay si Yuna.

"Oh my God!" - Selene.

"Hoy, anong nangyayari?" Biglang dumating ang mag-asawang Drake at Iris. Agad lumapit si Iris sa kanyang kakambal na si Selene. Habang buhat buhat naman ng asawa nito ang kanilang anak na lalaki.

NE SARANGWhere stories live. Discover now