Chap. 21

738 70 4
                                    

Chap. 21

“Laura, anong gagawin natin?” Tanong ng kasama ni Laura.

“Shhhh..h’wag kang maingay. Baka marinig tayo. Mabuti pa umakto tayo na walang alam. Nauunawaan mo ba? Mahirap si Magnolia kalabanin..pwede silang pumatay ng tao.” - Laura.

“Natatakot ako.” - Katulong

“Kailangan makarating ito kay Sir. Dapat ring mag-ingat tayo.” - Laura.

Nang makaalis si Marco, agad hinanap ni Magnolia si Laura.

“Laura! Laura!” Sigaw ni Magnolia

“Ano pong ipag-uutos n’yo?” - Laura

“Timplahan mo nga ako ng maiinum.” utos nito sa katulong. Tumalima naman si Laura.

Samantala hindi mapakali ang kasama ni Laura. Nang biglang..

“Hoy, anong ginagawa mo d’yan? Pumasok ka sa loob at maghanda ka ng makakain mamaya ni Aldrin.” Muling utos ni Magnolia.

Agad ding umalis ang katulong.

“Dios ko po may sanib na naman si Maam..” Bulong ng katulong.

“Anong binubulong bulong mo d’yan?!” Singhal ni Magnolia.

“Wala po...” Napakamot na lang ng ulo ang babae.

Tanghali ng dumating si Aldrin..

“Aldrin, kakain ka na ba? Sabay na tayong kumain.” - Magnolia

“Busog ako Maggy. If you want to eat, go ahead.” - Aldrin

“Aldrin, parang ayaw mo rin yatang makasalo ang anak mo. Alam mo bang pagkumakain ang ina..kumakain din ang bata sa sinapupunan.”

Agad sumimangot ang mukha ni Magnolia.

“Okay, fine.” - Aldrin

Napilitan si Aldrin na makisabay kumain.

NE SARANGWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu