Chap. 4

1K 79 8
                                    

Sinamahan ni Kokak si Yuna na pumunta sa silid nito.

"Koky, alam mo..wala akong tiwala sa amo mo. Ano nga uli ang pangalan ng lalaking 'yon?"- Yuna

"Aldrin..Aldrin Vera." - Kokak

"Aldrin Vera. Alam mo napapansin ko lang, ang sama ng dating ng mukha ko kanya. Kasi nung una, pinagkamalan n'ya akong magnanakaw. Sa ganda kong ito..magnanakaw ako? Tapos kahapon, kung makahatak sa kamay ko, parang humihila ng hose. Ganun ba talaga ang mga lalaki dito?" - Yuna

"Hoy, hindi ah. Sa katunayan gentleman ang mga lalaki dito. Tsaka kung ma-in-love WAGAS!" Sabay halakhak ni Kokak.

"Kaya ba ayaw mo kay Shi Woo? Alam mo Kokak, may gusto sa 'yo si Shi Woo..Takot lang s'ya sa 'yo. Ang mga lalaking Koreano, hindi sila marunong magpakita na nararamdaman nila..malihim sila." - Yuna

"Ganun. Mmmmmmmm...inuokray mo naman ako. Teka, h'wag mong sabihin nilalakad mo si Shi Woo sa akin?" Tumaas ang kilay ni Kokak.

Inakbayan agad ni Yuna ang kaibigan.

"Kokak, sa totoo lang..gusto kitang maging kapamilya. Gusto mo bang bumalik ng Korea ?" - Yuna

"Oo naman.. pero hindi na pwede may record na ako na naging TNT..kaya maghahanap ako ng ibang mapupuntahan." - Kokak

"Kokak, isipin mo pagbumalik ka ng Korea..wala ka nang iisipin pa na adjustment sa kultura at uri ng pamumuhay namin. Marunong ka nang magsalita ng Korean..alam mo na kung saan ka lalapit at pupunta.." Pangungumbinsi ni Yuna.

"Yuna, ano ba talaga ang gusto mong ipaalam sa akin?" - Kokak

"Gusto kang pakasalan ni Shi Woo. Pumayag ka lang ilalakad n'ya ng lahat." - Yuna

"Kasal? Akala mo ba madali lang ang pag-aasawa..commitment 'yon..for life!" - Kokak

"Kokak, si Shi Woo handa kang pakasalan..gusto ka n'yang maging asawa..Matagal mo na s'yang kilala. Alam mo ba kung bakit ayaw mag-asawa ni Shi Woo..kasi umaasa s'ya na balang araw MAGUGUSTUHAN MO DIN S'YA." - Yuna

"Wow, nilagnat yata ako! Hindi ko akalain ganun ang pagtingin ni Shi Woo sa akin..Yuna, ayaw kong kumuha ng bato at ipukpok sa ulo ko." - Kokak

"Koky, hindi kita mamadaliin...pag-isipan mo muna. Kailangan makapagdesisyon ka bago ako makabalik ng Korea. Dahil kung papayag ka, PAGAGAWAAN KA NI SHI WOO NG INVITATION LETTER agad agad; para mapadali ang pagpasok mo sa bansa namin."

- Yuna

Napaisip si Kokak.

-----------------------------------------------------------

Nang paalis na si Kokak, nagsimulang kabahan si Yuna..

"Kokak, dito ka nalang matulog..natatakot ako sa amo mo." Agad pinigilan ni Yuna ang kamay ng kaibigan.

"H'wag kang matakot sa kanya..di ba't black belter ka ng TAEKWONDO..yakang yaka mo 'yan. Idagdag mo pa ang KUMDO mo..tignan natin kung hindi aatras si Sir Aldrin sa 'yo." Patawa tawa si Kokak na sinabi kay Yuna.

"Eh, kasi baka...hindi ko madepensahan ang sarili ko sa kanya..." Biglang nasabi ni Yuna..

"Hello, tama ba ang narinig ko..O baka naman nagkainstant crush ka kay Sir?" - Kokak

"Anong crush? Hoy, ang ibig kong sabihin hindi ko madepensahan ang sarili ko dahil nasa teritoryo n'ya ako..at isa pa nasa PILIPINAS ako..anong laban ko dito?" - Yuna

"Yuna, walang masamang gagawin sa 'yo si Sir. Tsaka mahihiya 'yon sa 'yo." - Kokak

"Hiya? Ang tanong uso kaya sa kanya ang salitang HIYA?"..Napailing si Yuna.

NE SARANGWhere stories live. Discover now