Chapter 11

29 1 2
                                    

~~Diana's POV~~

"Diana?!" Sigaw nung babae mula sa likod namin. Lahat kami ay napatingin sa kanya.

B-bakit siya nandito? A-anong ibig sabihin nito?

"C-cole?" Nauutal kong sabi. Bakit siya nasa bahay ni Sanghun? Bakit sila magkasama sa iisang bubong? Bakit?!?!

"Magkakilala kayo?" Tanong nung mama ni Sanghun.

"Yes! Its me! What the hell are you doing here?!" Anlakas ng trip mag english.

"Pinapunta ako ni Sanghun dito. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?!" Gulat kong tanong.

"Well, Sanghun," tumingin siya kay Sanghun at ngumiti dito. Tinignan ko naman si Sanghun, at siya ay galit na galit.

"...is my brother" pagtuloy niya sa kanyang mga sinasabi. Ano? Magkapatid sila? Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan!

"A-ano?" Tumingin ako kay Sanghun "H-hindi ko maintindihan" sabi ko at tumulo ang aking mga luha.

"Diana, siya ang aking adopted sister." Sabi ni Sanghun at pinunasan niya ang kanyang luha.

"Ma, Dad! Wag kayong maniwala sa kanya! She's a lier and she only wanted to ruin kuya's life just to get back on me!" Anong sinasabi niya? Wala akong plano na gumanti sa kanya.

"A-ano? Ni hindi ko nga alam na kapatid mo si Sanghun eh!" Pagtanggol ko sa sarili ko. Pare-pareho kaming nagugulhan sa nangyayari.

"Don't play too innocent Diana! Mama, daddy! Siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Marcus noon!"

"Stop!" Sigaw ni Sanghun kaya lahat ay tumahimik at tumingin sa kanya.

"Pati ba naman sa pagmamahal ko, SISIRAIN MO RIN?!" Sigaw ni Sanghun. Mas malakas pa sa malakas! Ngayon ko lang siya nakitang ganito, at hindi ko na hihilingin na maulit ito.

"Sisirain? Hah, kuya, pinoprotektahan nga kita eh!" Gusto kong sumagot pero hindi ako makapagsalita sa hindi ko rin alam na dahilan.

"Protekta? Alam kong sinungaling ka! Alam kong hindi gagawin ni Diana yon!"

"Yun ang akala mo!" sigaw niya kay Sanghun at lumapit siya sakin para itulak ako, dahilan ng pagkaupo ko sa sofa.

"Ano ba!" Pag angal ko sa kabastusan ng Cole na yon.

"Wag mo na akong baliktarin, Cole." Kalmado kong sabi at tumayo. "We all know na liniligawan ako ni Marcus noon, pero isang araw, gala daw ng 'tropa', nakita niyo ako diba? Lahat yun, nasaksihan ko, date niyo, pero anong ginawa ko? Hindi ako umangal diba? Pinalaya ko si Marcus para sa iyo." Tumulo nanaman ang luha ko for no reason. Haha.

"You know what? This is bullshit! Ako ang binabaliktad mo! You are just a fling!" Tinulak niya ako ulit. Edi wow haha pakyu.

"Ano?!" Sigaw ni Sanghun. "Tama na ang pagpaplastic, Cole. Ikaw yon! Ikaw ang sabit!" Sigaw niya sa 'kapatid' niya na dahilan na masampal siya ng kanyang mama. Lahat ay ikinagulat yon.

"You don't have any rights to say those things to your sister! Ang tagal tagal niyo nang magkasama, magkakagulo lang kayo dahil sa kanya?" At tinuro ako nung mama niya. Ako ang nalabas na may kasalanan. Ang galing talaga ni Cole kahit kailan.

"Eomma! Mabait si Diana, hindi niya kayang gawin yon! Ma, please, kahit ngayon lang. Maniwala ka sakin." Pagmamakaawa ni Sanghun sa mama niya. Lumuhod siya.

"You need to know this girl first." Tinignan ako nang masama nung mama niya.

"I know her, Ma!"

He Got Me With That Snap (ON HOLD)Where stories live. Discover now