Chapter 10

40 3 12
                                    

~~Mae's POV~~

"Ok. Class dismissed"

ganito pala masaktan? Haha

"Mae? Tama na yan. Tara na."

Antagal na pala akong ginawang tanga.

"Mae ano ba?"

Shet. Minahal ko naman siya ah? Bakit kailangan niya pa maghanap ng iba?

"Mae!"

Hahaha ang saya talaga ng buhay ko.

"MAE!!!" Sigaw ng tropa. Kanina pa ba sila sa tabi ko?

"Ano ba? Kanina ka pa tulalang tulala dyan." Sabi ni Brandon.

"Pasensya na. Sige mauna na kayo. Kaya ko na sarili ko." Para akong tanga....ay hindi pala, tanga pala talaga, bigla na lang may tutulong luha mula sa aking mga mata.

"Mae, please. Tumahan ka na. Nasasaktan rin kami para sayo." Sabi ni Diana. Ewan ko ba. Bakit ba ako ganito?

"Hindi ko alam!" Hinampas ko ang aking desk at yumuko. Sobrang sakit! Ganito ba talaga magmahal?!

"Please. Tama na. Kumalma ka muna." Sabi ni Judea. Hinihimas niya ang aking likod. Pinipilit ko maging kalmado pero hindi ko kaya. Hindi ko mapilit maging masaya katulad noon.

"Pumunta muna tayo sa campus garden, baka gumaan ang pakiramdam mo doon kahit papaano." Suhestiyon ni Diana. Tumayo na lang ako at pumunta doon. Sinundan naman nila ako.

Pagkakita ko ng campus garden, bigla nanaman ako napaiyak. Mas lumala ang aking nararamdaman. Bakit? Dito ko kasi sinagot si Gab. Ngayon, nandito na lang ako, mag-isa, siya? Iba na yata ang kasama.

"Bakit ka umiiyak? Tara lipat tayo ng lugar." Sabi ni Sanghun. Hihilahin na sana ako ni Diana papalayo sa garden pero hindi ako nagpahila.

"Gusto ko dito. Dito ko siya kakalimutan, kung saan kami nagsimula." Papalitan ko ang alaala na iyon. Kakalimutan ko nakilala ko siya!

Pumunta ako dun sa bench na paikot sa gitnang puno sa campus garden. Hinimas ko yung puno, kung saan namin inukit ang initials namin.

"Ganito ba talaga magmahal?" Tanong ko sa tropa, habang nakatingin sa nakaukit na initials namin.

"Pagsubok lang yan Mae." Sabi ni Judea na mas napaluha ako.

"Oo nga. Malalagpasan niyo yan." Dagdag ni Diana. Sana nga malagpasan namin. Malagpasan, ko.

"Sana nga." Bigla na lamang ako napahagulgol sa sobrang sakit. Parang dinudurog pa ang durog kong puso.

"Wag ka nang umiyak Mae." Sabi ni Diana na mangiyak ngiyak na rin.

"Bakit ba ganito? Lahat naman ibinibigay ko ah?!" Sigaw ko.

"Mae, tama na" pagpigil Clarence sa aking pag iyak ng sobra. Naririndi na siguro sila sakin.

"Sayang! Sayang yung four years. Four years! Hindi niya ba iniisip iyon?!" Sabi ko habang ngumingisi at umiling.

"Kahit nung una, nagalit pa nga si papa sakin eh, pero pinaglaban ko siya! Tas ako ngayon sa huli, hindi niya kayang ipaglaban ako? Hindi patas!" Tumawa na lang ako. Baka sakaling maitago ko pa ang sakit na nadarama ko.

"Wag mong pilitin tumawa. Mas masasaktan ka dyan. Iiyak mo lang hanggang sa mawala ang sakit." Sabi ni Jen. Parang baliw na nga ako dito, tatawa tas iiyak?

He Got Me With That Snap (ON HOLD)Where stories live. Discover now