Chapter 6

26 3 32
                                    

Asan ako?

Gagu. Lakas maka telenovela ah? Wala kang amnesia, Diana. Wala.
(Punch line idea, credits sa all time favorite kong storeh, DnP <3)

Pero...

Ano nga ba ulit ang nangyari? Bigla na lamang nagdilim ang paningin ko.

Pagdilat ko ay agad bumunga sakin si Sanghun. Hawak niya yung dslr camera niya na para bang pinipicturan ako.

"Oi!" Tinatakpan ko ang lens ng camera niya para hindi niya ako ma picturan. Lumalayo siya sa akin para hindi ko maabot yung camera.

"Hahaha got it." Masaya niyang ibinaba ang camera mula sa tapat ng kanyang mata at tignan ang screen nito.

"Oi! Patingin! Putspa ang pangit ko dyaaan! Delete mo!" Utos ko sa kanya habang hinihila ko siya palapit sakin nung umupo ako mula sa maliit na single bed.

"Teka relax ka lang." Pinipindot niya yung mga buttons sa camera niya para makita pa yung mga ibang shots.

"Kaloka burahin mooo!" Inaagaw ko ang kanyang camera.

"Ayoko. Wag kang ano wala namang makakakita nito kundi ako." At kinindatan niya ako. Binitawan ko rin ang kanyang braso. Napatingin ako sa paligid. Nasan nga ba ako?

"Uy ano nangyari? Kanina nasa Cypher lang tayo ah?"

"Nandito pa rin tayo sa Cypher. Sa office clinic nga lang hahaha" sinabi niya yon at lumapit sakin. Hinawi hawi niya ang aking buhok. "Okay ka lang ba?" Inilagay niya ang buhok na nakaharang sa aking mukha sa likod ng aking tainga.

"O-oo naman. Bakit ako nasa clinic?

"Hahaha. Nahimatay ka kanina. Na shock ka ng todo nung tinanong kita" biglang bumukas ang pinto at umepal ang buong tropa. HAHAHA.

"Nahimatay ka nung tinanong ka niya kung puwede ka ba daw ligawan." Sabi ni Mae. Ah oo. Kaloka.

"Masyadong na shock paano first time HAHAHA" Minsan talaga ang sarap bigwasan ni Brandon.

"HAHAHAH!" Tawa ng malakas ni Gab. Saya niya noh? Wag tularan.

"Oh Diana!" Sabi ni Judea at pinatong ang kanyang inumin dun sa table. "Ano nga ba sagot mo sa tanong ni Sanghun?"

"Ya! Diana! Again, may I court you?" Lumuhod nanaman siya sa harap ko.

Hindi ko alam kung ano nangyari sakin at bigla na lang tumulo ang aking luha. Pinunasan ko na lang ito at umiling.

"Ahahaha. Oo naman! Yes! Ne!" Sinabi ko ito habang tumatawang umiiyak(?) HAHAHA gets niyo? Basta tears of joy ganun. Hinihila ko siya patayo.

"Woah! Jinjja?" Tumalon siya na para bang bata na nanalo sa taya tayaan. "Woah. Gomowo! Saranghaeyo!" Jusko ginamit niya na lenguwahe niya. Buti na lang naiintindihan ko ng slight, thanks to kpop and kdrama <3.

"Cheonma! Hihihi" pabebe kong sabi. Pag bigyan niyo na ako. Minsan lang mawala ang pagkabitter eh, support niyo na.

"Ginagamit na nila ang lenguwahe mula sa bayan ni Sanghun"
"Teka walang subtitle hindi ko maintindihan."

Rinig kong bulungan ng mga magjojowa sa likod namin ni Sanghun.

Nagmomoment kami dito eh. Mga epal talaga.

Napailing na lang si Sanghun sa kanila at tumawa. Yinakap niya ako.

'Sana ikaw na nga ang lalaking karapat dapat mahalin'

He Got Me With That Snap (ON HOLD)Where stories live. Discover now