Chapter 7

24 2 19
                                    

Gumising ako na maaga dahil sa sobrang excitement. Umuwi na rin ako kagabi sa bahay dahil hindi ako sanay matulog ng weekends na hindi kasama ang family <3

Tinignan ko ang aking alarm clock ko at...

5:00 A.M

Hehe SOBRANG aga pa pala. 10 AM ang bukas ng amusement at aalis kami ni Sanghun ng 9, since medyo ma traffic papunta eh haha. Triny ko talagang matulog pa kaso hindi ko magawa. Kaloka.

Aayusin ko na nga lang sarili ko.

7:00 A.M

Eh? Ang aga pa talaga. Nakaligo na ako pero nakapambahay at wala pang ayos pero, nakakain na. Hihihi syempre food is lyf nga diba? Pero Sanghun is lyfer hehe CHAROT! Gutom lang ulit ako.

Nakita ako ni mama na hindi mapakali dun sa salas ng bahay. Palad lakad ako na para bang may iniisip na may nakakalimutan na ewan. Haha.

"Oh anak, ready ka na? Anong oras darating manliligaw mo?" Sabi ni mama. Oo, alam ni mama na may manliligaw ako, syempre hindi naman kasi ako nagtatago sa pamilya ko.

"Ah hehe ma, alis pa namin mamayang 9 eh" ngumiti na lang ako kay mama. Hehe sarreh, excited lola niyo eh.

"Ano?! Jusmeyo! Ang aga pa ah! Excited na excited ka yata."

"Opo ma eh. Amusement park po kasi ang destination"

"Ah aba. Alam ang kahinaan ng anak ko. Mag enjoy lang ha." Lumapit sakin si mama at yinakap ako. "Dalaga na ang panganay ko" nagsalita si mama at humiwalay na. Tila naluluha luha siya. Ay ayoko 'tong moments na 'to, masyadong nakakaiyak.

"M-ma naman eh." Wala na nagdrama na rin lola niyo hahaha. Pinupunasan ko ang aking mga mata. Kaloka naman eh haha.

"Kilalanin mo muna yang si Sanghun ha? Mamaya tulad siya nung Marcus na yon" putspa. Naalala ko nanaman yung virus sa earth na yon. Pwe, malas sa buhay.

"Ma! Malas yun! Kalimutan mo na yung surot na yon!" At kunwaring nagpapadyak padyak ako. Natawa na lang sakin si mama at yinakap ulit ako. Kaloka drama talaga ni mama kahit kailan.

"Ahahaha, sige nak, mag ayos ka na para presentable sa first date niya." Para bang pinagpagan niya ang balikat ko. Nginitian ko na lang siya.

"Ay! Atsaka nak..." habol niya.

"Yes ma?"

"Koreano si Sanghun diba?" Sabay ngumiti ng malawak si mama. Hmm, nanay ko nga ito hahahah.

"Yes ma. Hehehe" ngiting taehyung rin ako (ngiting malawak haha)

"Dream come trueeee!" Sabay naming sabi ni mama at naghawak kamay at nagtatatalon. Parang tropa lang.

"Uy kayong mag ina dyan, ang ingay ninyo." Naputol ang pagdiriwang namin ni mama nang magsalita si papa.

"Basta nak, nandito lang kami ng mama mo para sa iyo." Nginitian at ipinatong ni papa ang kanyang kamay sa aking ulo.

"Opo pa. Kayo naman..." yinakap ko sila pareho ni mama. "Wala naman pong magbabago pag nagkalablyp na po ako eh" tinignan ko silang dalawa at ngumiti.

"Sana nga anak." Sabi ni papa at nginitian na lang nila ako. Ginulo ni mama ang ang akinb buhok at umalis na sila ni papa. Nakakatouch 'tong mga momentum tulad nito.

Hays. Napangiti na lang ako at pumunta sa kwarto ko at nagsimula nang mag ayos.

Hmm, make up here, unat ng buhok there, paganda everywhere! Kaloka! Hindi naman ako professional sa mga ganto pero try ko ang best ko para naman magmukha akong tao. Pumipili pa ako ng outfit. Jusme, wala akong ka alam alam ditoooo.

He Got Me With That Snap (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon