Chapter 2

57 4 10
                                    

"Sir, please introduce yourself" waaaah! Sasabog na yata ulo at utak ko sa hindi ko maintindihan na dahilan. Tuloooooooong weee wooo weee wooo.

Sumimpleng sumilip ako sakanya habang magsasalita siya.

"Uhm hahaha." Tas ngumiti siya. Nawala nanaman yung mga mata niya. "I'm Lee Sang-hun. Nice to meet you guys." Oh my God.

"Oh my Goooood" bulong ko sa sarili ko

"Oy Diana para ka dyang hindi mapakali na ewan." Sabi ni Brandon. Ganon ba kahalata ang nerbyos ko?

"Boi. Yang exchange student na yan." Sabay turo kay Sanghun ba yun? Basta.

"Yan yung nakabangga ko sa airport!" Sigaw na pabulong ko. Gets niyo? Oo gets niyo.

"Yung sinabihan mo na sa maging hubby m-- aaaahh!" Napa aray siya ng mahina nang kinurot ko siya sa braso.

"Oo! Wag mo nang paalala litse" gigil na gigil kong sinabe.

"Yiiieee--- aaaah!" Kinurot ko ulit siya.

"Wag ka ngang ano. Nakalimutan ka na nyan." Sabi ni Brandon. Oo nga naman. Baka nakalimutan niya na yon.

Diana, hinga ng malalim at kalma lang.

"Ok Mr. Lee, you may choose kung saan mo gusto umupo. Ay! Do you understand tagalog?"

"Ah yes ma'am! Nakakaintindi po ako"

"Ah ok. Sige class may kukunin muna ako sa faculty."

Nagheads down na lang ako kungyari puyat. Oo puyat!

Hindi ko na alam kung ano nangyayari sa paligid ko. Basta biglang tumahimik. Ano na ba nangyayari?

Nararamdaman ko na may unti unting yapak na papalapit sakin. Don't tell me dito siya uupo. Katabi ko si Brandon. KATABI KO SI BRANDON.

"Boi, lilipat ako upuan ah." Bulong sakin ni Brandon habang naka yuko ako

"Oy putspa wag mo ako iiwan dito!" Inangat ko ang ulo ko para tignan siya.

"Sorry boi. Hehe labyu."

"Pakyu" bulong ko sa kanya. Lumingon ako sa harap ko...

"Hi wifey! May I sit here?" W-wifey? Ano? Mali lang ako ng rinig siguro. Oo mali.

"W-what? Y-yes y-you m-may." Tapos nginitian niya ako. Hindi niya na naalala siguro dun sa...

"Ya! Hindi mo na siguro ako naalala. I'm the guy dun sa airport. Nabangga mo ako nun. Tas sabi mo na sana uhm hehe." Kinamot niya yung ulo niya at ngumiti

Putcha tigil tigilan niya nga ngumiti ng ngumiti. Nakakafall yung eye smile niya piste.

"Oo na. Tama na. I remember you. Simula pa nung pagpasok mo kanina." Sunod sunod na sabi ko sa kanya. Nakakaloka kanina pa nga ako kating kati dito na hindi mo maintindihan tas papaalala niya pa. Nananadya rin 'tong Koreanong 'to noh?

"Ya! Calm down wifey. Hehehe" sabay tawa.

'Tigil tigilan nya nga ako tawaging wifey!'

Feeling ko talaga lahat ng init at dugo ko sa katawan, napunta lahat lahat sa pisnge ko.

"I'm sorry but please, don't call me wifey. Thanks" nginitian ko na lang siya at kungyari may kinukuha ako sa bag ko.

(A/n: Oo na alam ko andaming 'kungyari'. Lahat naman kungyari eh. Pati pag mamahal niya sakin. Charot.)

"Maka english naman si ate. Nagtatagalog ako wag mong paduguin ilong mo hahahaha" napaka ano naman nito. Trip ko mag english bakit ba? Atsaka anong akala niya sakin? Hindi marunong mag ingles?

He Got Me With That Snap (ON HOLD)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz