*ring* *ring*
Tunog nung bell. Agad naman kaming nagsitayuan at sabay na hinatid si Ysa sa classroom niyang nasa pinakaunahan. Ganto kasi ang sections at classrooms.
Charity-Honesty-Humility-Integrity-Piety-Purity-Simplicity-Solidarity
Nasa pinakadulo ang classrooms namin nina Tina, Lyn at Ela at ang masaya pa dun magkakatabi lang kaya medyo asar si Ysa kasi ma-oOP daw siya samin.
Ang cool nga na kahit mahigit 2 years akong nawala, andun pa rin ang closeness naming lima.
Nang maihatid na namin si Ysa dumiretso na kami sa kanya-kanyang classrooms at umupo sa assigned chairs. May nametags kasi bawat chairs kaya ndi ka makakapili ng mauupuan mo.
"Good afternoon class. My name is Ms. Catherine Congson, your adviser for this school year. We will be having a game to introduce yourselves to everyone. Stand up at sumunod naman kami face your seatmates sunod ulit, no choice eh We will sing the "Kamusta ka" song, you know it right?" tanong ni Ms. Tumango kami at nagsimula na.
Kamusta ka, konichiwa. Aba kabar, kumansava, hello everyone! Padyak sa kanan, padyak sa kaliwa. Umikot ka, umikot ka, humanap ng iba! "
"Hi. Ako nga pala si Eros John Daniel" pakilala nitong katabi ko.
Daniel? Pangalan din ba nya yun o apilido?
"Hi. Athena Chandria Lopez. Pwede magtanong?" tanong ko sa kanya.
"Sure. Ano yun?"
"Yung Daniel mo ba ay pangalan mo or family name mo?"
"Yun ba? Family name ko yun. Madami talagang nag-aakala na first name ko din yun." then nagchuckle siya. Cute... yung ano... name niya. Ano ba yan Cha!
"Ang cool nga eh. Hahaha" tawa ko. Nag-usap pa kami konti tas kumanta ulit yung teacher namin so meaning lilipat na ng partner.
Tas short pakilala ulit sa next classmate na matapatan ng ikot tas kanta ulit. Paulit ulit lang ng 5 times ata yun, ang boring. Hahaha. Medyo tamad talaga ako, eh kilala ko naman na sila halos lahat eh mga kaklase ko to dati.
Tapos nun nagdiscuss si Ms. ng Golden rules niya na dapat i-obey namin at nagkwentuhan muna kaming lahat ng konti kasama si Ms.
Pero kami ni John, nag-uusap na kami lang.
"Ano nga pala nickname mo?" tanong niya.
"Kahit ano." sagot ko naman.
"May ganun nang nickname? Kahit ano?" takang tanong niya, napatawa naman ako.
"Loko hindi! Ibig kong sabihin, kahit ano sa pangalan ko. Pwede Athena, Ina, Cha, Ria, Chandy, Andrea, Drea, Lopez. Iba-iba kasi tawag sakin ng mga friends, relatives at neighbors ko" kwento ko naman.
"Ang daldal mo. Gets ko naman eh, nagjojoke lang. Haha, seryoso ka masyado" sabi niya at nagchuckle ulit. Problema nito at laging nagchuchuckle?
"Ikaw ba, anong nickname mo?" tanong ko naman sakanya.
"Eros, o kaya Ross, o di kaya naman John pero mas madalas ang EJ itawag sakin. Ewan ko" sagot niya naman.
"Ahh..." sagot ko naman.
Nagkwentuhan pa kami saglit at kahit first day palang naging close na kami ni John. Nalaman ko rin na may girlfriend pala ang loko, nasa Piety at mga 1 year na daw sila. Akalain mo yun? Ang bata pa nila tas naka 1 year na agad?
Nalaman ko rin na mas matanda ng isang taon si John sakin, at sa iba samin. 14 na pala siya eh 13 palang ako.
Nung nagbell na nagsitayuan na kaming lahat at nagpaalam kay Ms. Uwian na kasi at diretso uwi ang peg ko dahil inaantay nako ng pinsan ko sa labas ng classroom.
Tahimik lang kaming tumutungo pauwi ni Mark dahil pagod ako at ayoko lang mangulit sa kanya ngayon bakit ba? Eh yun trip ko eh.
Sumakay na kaming jeep at lahat lahat wala pa ring kibuan. Si Mark kasi, pinsan ko sa father side kaso di kami parehas ng apilido kasi Lopez ako at Herrera siya pero magkapatid mama niya at papa ko so technically, magpinsan kami.
Basta yun na yun. Masyado kaming close niyan kaya lang trip ko talagang manahimik dahil gusto ko. Ano ba yan, paulit ulit nako. Haaaaay.
Nang makauwi na ko samin, dumiretso ako sa kwarto at nagselfie tas pinost ko sa instagram yung picture ko.
"Survived the first day. Aja on the next days!"
in-off ko na ang wifi at nagbihis tas bumaba na para kumain ng dinner. Ako lang mag-isa kumakain kasi tulog yung kapatid kong lalaki tas si ate wala pa dahil nasa Paradise pa ata yun, 3rd year na kasi at may orgs na sinalihan kaya ganun sila kabusy kahit first day palang ng pasok.
Yun din ang isa sa reasons kaya kasama ko si Mark. Tagabantay daw ba sabi ni mama. Atsaka ako rin yung tutulong kay Mark sa grades niya, medyo slow yun eh. Hahaha, no offense sa kanya pero totoo.
Dami kong new friends sa first day. I bet, This school year will be full of fun moments. Aja!
_______________________________________________________________
Read. Vote. Comment. Follow me.
Support po, thanks :))
Status 1
Start from the beginning
