S.H.A. and Enchimist [The World of Magic]

11.1K 415 13
                                    

Sacred Hollow Academy

===> Isang school na di masyadong kilala, sapagkat ito'y tago. Walang nakaka-alam kung nasan ito sa Pilipinas. Mga usap-usapan nalang ang naririnig dito na may mga nag-aaral pa daw doon at napakalaki pa daw nito. Lubos naman itong nakapagtataka sa ibang mga tao. Ayun pala, mga piling estudyante lang ang nakakapasok dito. Mga estudyanteng di pangkaraniwan, mga estudyanteng nag-aaral ng MAHIKA.

Ang SHA ay matatagpuan sa lupain ng Enchimist (En-ki-mist), ang mundo ng mga wizard o mage, mga kakaibang nilalang at halaman. Ang mundo kung saan ang mga kakaibang uri ng nilalang ay nakakagalaw ng malaya. May mga pakalat-kalat na mga portal sa mundo pero walang nakakaalam dito kundi ang mga taga Enchimist lamang. Hinahati naman ang lupaing Enchimist sa pito na lupain.

---Incaentis (In-kan-tis) Chain of IslandsSOUTH, ito ay napapalibutan ng tubig at ang mga pulo ay may maraming bulkan, dito naninirahan ang mga Wizards o mage na master ang apoy. Pinalilibutan sila ng tubig dahil delikado para sa ibang mga elemento. Ang sentro nito o ang kaharian dito ay napakalaki, parang isang palasyong makaluma pero matibay pa rin at masagana dito ang ginto. Mga mababait ang mga naninirahan dito pero aasahan mong masama sila paggalit, dito din halos lahat galing ang mga magagaling na mandirigma. Nandito din naninirahan ang ibang mga hayop na apoy ang elemento.

---Lymphus (Lem-fus) RealmWEST, malaki ang sakop nito na mga anyong tubig at maraming naninirahan dito tulad ng mga nymph, mermaid, atb. At meron ding parte sa Lymphus na umuulan ng yebe, meron din ditong ibang naninirahan na hayop kasama ang mga wizards at mages na master ang tubig. Ang sentro nito ay malaki din, isang palasyong gawa sa yelo, may malaki din itong boarder na nagisilbing proteksyon, at masagana dito ang mga crystal at ito'y nagsilbing mga palamuti sa buong lupaing Lymphus. Aasahan mong napakamabait ng mga naninirahan doon at ang mga mages dito ay mga healers. Nandito din ang mahiwagang lawa.

---Auramus (Aw-ra-mus) WingEAST, lumulutang ang lupain na ito malapit sa mga ulap, kukunti lang ang nakapupunta dito, kadalasan ang mga wizards at mages na nagtataglay lang ng hangin ang nandito. Nandito ang mga matatalino at malikhain na mga wizards/mages na magagaling sa strategy, maliliksi ang mga katawan, at mga teleporters at travellers. Maraming iba't ibang uri ditong mga ibon at paru-paro, atb. na may elementong hangin. Ang mga bahay bahay dito ay lumulutang sa ulap nito at ang sentro ay ang palasyong malaki at napapalibutan ito ng ulap na pinalalamutian ng mga dyamante. At ang pangunahing depensa ay mga malalakas na buhawi at bagyo, wala pa ang nakakaligtas dito.

---Telldus (Tell-dus) EmpireNORTH, lupaing masagana sa anyong lupa, matataba ang lupa, dito ang pangunahing suplay ng pagkain sa buong Enchimist. Marami ding mga hayop dito, kadalasan ay mga wild, na may elementong lupa. Masisipag at matatapang ang mga wizards/mages dito. Napapalibutan naman ng mga malalaki at mahihiwagang puno ang village nila, ito'y nagsisilbing proteksyon sakanila at ito din ang nagbabantay sakanila paggabi. Ang sentro nila malaki rin, isang palasyo na gawa sa mga matitibay na bato at kahoy, at sa ilalim ng lupaing Telldus ay masagana ang yamang lupa.

---Fulmineus (Ful-mi-news) KingdomNOT KNOWN, ang lupain na to ay alamat na lamang ngayon, walang nakakaalam kung nasaan na ito ngayon. Sinasabing palipat-lipat daw ito, ang iba naman ay nasa ilalim daw ng lupa, at iba pa ay lumulutang daw ito o nasa langit. Iba-iba ang mga kwento nila, hindi na nga naniniwala ang karamihan sa mga Ferax (Fe-raks), ang mga wizards/mages na naninirahan doon. Sila ang mga maharlika at namumuno sa buong Enchimist, pero wala na sila. Sinasabi sa mga alamat na naubos man sila sa digmaan noon, na ayaw na nilang balikan, naniniwala parin sila na magbabalik o may nakaligtas pa din, ang kanilang tagapagligtas, ang kalahi ng mga Ferax.

---Furvus (Fur-vus) Den, SOUTHWEST, maliit lang ang bahagi nito sa Enchimist, dito kasi tinatapon ang mga masasama, mga taksil, criminal na mga wizards/mages o ang mga Fraus (Fraws). Mukha itong Bottomless pit kung masasabi. Pero sa loob nito ay may mga wizards/mages na pinaparusahan.

---Erwain Downtown, CENTER, ito ang sentro ng lahat ng mga wizards o mages at ibang nilalang. Masasabi itong neutral area sa buong Enchimist. Parang lungsod ito kung ihahambing sa mundo ng mga tao pero maraming pinagkakaiba. Nandito ang mga stalls, merchants, hospital, bank, etc. Dito din tinitinda ang mga kailangan sa mga potion making.

B A C K   T O   S. H. A.

Nahahati ang eskwelahan sa sampu. May isang building para sa dorm ng babae at ang isa ay para sa lalaki. Sa iisang building naman ang Principal's office at teacher's faculty room, isang malaking building naman para sa dining hall dito din ginaganap ang ibang pagtitipon.

At isang malaking building naman para sa mga classrooms simula sa mga Class E-A Wizards o mage at nasa pinakamataas na palapag naman ang mga Class S Wizards. Ang Training Facility at Witchcraft's Lab, sa Training Facility nagaganap ang mga pagsasanay ng mga wizard at sa Witchcraft's Lab naman ay parang Chemistry lab sa mundo ng mga tao, dito ginagawa ang mga potion at iba pa.

Ang Old Library, ito ang pinakamatandang library sa buong lupain ng Enchimist at dito din natatagpuan ang mga lumang libro. Isa pang parte ng school ay ang Wide field para sa mga festival, mga tournament, etc. purposes. Ang Sacred Courtyard, kung saan malaya ang mga estudyante, sito din nagaganap ang ibang activities at exercises.

At last, ang Mystical Forest, natatagpuan ito sa malayo layong parte ng school. Walang masyadog pumupunta dito dahil sa madilim dito, masasabing ito ang hollow part ng akademya, hindi naman ito pinagbabawalan. Merong maraming lagusan sa parteng ito na hindi alam ng mga estudyante at guro. Ilan lang sa mga guro ang nakakaalam isa na diyan ang Headmaster/Principal. Isa sa mga puno doon ay buhay at laging gumagalaw, hindi pa alam kung ano ang kakayahan nito. At may nakatagong waterfalls sa kaloob-looban ng kagubatan at katabi nito ang hardin ng mga rare na halaman.

---

A/N: Hello po sa lahat ng bumasa nito!! Salamat sa pagbasa ah!! Sana tuloy tuloy na, hehehe. Comment and Vote po!

 Comment and Vote po!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-Kate

Sacred Hollow Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon