"Mamaya na, Pare. Dito ka muna, daming chicks dito. Sagot ko hotel niyo," ani Wilson kay Javan.

"Salamat na lang pero hindi na." Itinaas nito ang isang kamay bilang pagpapaalam at umalis na.

"Mauna na rin ako, dude. Kailangan kong bantayan ang isang 'yon. Alam niyo na ang gagawin kay Nyke." Dock got up from the seat.

"Isasako na ba namin ang kapatid mong tirador ng mga inahin?" Nagtawan ang mga kaibigan sa sinabi ni Alford.

"Do it if it is needed," he said and headed for the exit. He was on his way out when Princess suddenly blocked his way.

"Hey, babe!" Agad nitong ipinaikot ang mga bisig sa batok niya.

"Where are you going?"

"Uuwi na. Sige na Princess." Inalis niya ang naka-lock na braso nito sa kanyang leeg.

"It's too early to go home. C'mon, let's have some drink."

"I need to go home. Naghihintay sa 'kin si Geallan. And can I ask you something, Princess?"

"Oh, sure! Anything, babe!" Princess reached for his face and caressed it intimately.

"Tell your mother to stay away from my brother. She's married but she's still flirting with somebody else." Pagkasabi niyon ay iniwan na niya ang dalaga at sumunod kay Javan sa labas.

Nilapitan niya si Javan na nakatayo sa gilid ng kalsada.

"Sumabay ka na sa 'kin." Nilingon siya ni Javan.

"Tara." Nagpatiuna na siya sa sasakyan at sumunod naman sa kanya si Javan.  Kung hindi lang nakakahiya kay Geallan iniwan niya na ito at hinding-hindi na talaga niya 'to papapasukin sa bahay niya.

Nang makasakay ay nilingon niya si Javan na sa likod sumakay.

"Balak mo akong gawing driver mo?"

"Kung handa kang mabangga tayo ako magmamaneho."

"That's not what I mean. Dito ka sa harap."

Nagkibit si Javan at sa halip na bumaba ay ipinikit nito ang mata. Dock gritted his teeth to stifle his anger churning in his gut. Kung paandarin niya kaya ito nang paatras at ibangga. Nabubuwesit man ay walang nagawa si Dock kundi ang pausarin ang sasakyan at magmukhang tsuper ng lalaking 'to.

Nang marating ang condo ay para silang hindi magkakilala na naglakad sa pasilyo ni Javan hanggang sa marating ang pinto. Walang imikan. Hindi naman talaga sila magkakilala nito at wala siyang balak na makipag-close rito. Nang buksan ang pinto ay biglang napatayo mula sa kinauupuan si Geallan habang nanonood ng telebisyon.

"Geallan, my loves!" Napakunot-noo si Dock nang biglang mukhang lasing na lasing na si Javan. Kung kanina, kahit yata palakarin ito sa wire ay magagawa nang hindi nahuhulog pero ngayon daig pang langong-lango sa alak. Pasuray-suray itong naglakad.

"Javan!" Bigla itong yumakap kay Geallan. Agad namang napayakap dito si Geallan dahil sa pag-aakala lasing ito at halos ang bigat ng katawan nito ay sinalo ni Geallan.

"Sandali lang, Javan, ang bigat mo. Bakit ka naglasing?" Inagapayan ito ni Geallan patungong sofa at pinaupo roon.  Akala ng lalaking ito, ito lang ang marunong umarte. Kaya niya rin kaya 'yon.

"Geallan, babe." Pasuray-suray na naglakad si Dock. Dinoble niya ang acting na ginawa ni Javan. Aabante siya at aatras na tila isa talagang lasing. Nang kunwa'y tutumba siya ay tinakbo siya ni Geallan at niyakap. Hindi mapigilan ni Dock ang ngumiti. Kusang pumaikot ang kanyang mga bisig sa napakaliit at napakalambot na katawan ng kasintahan. Binalot ng init ng katawan ni Geallan ang kanyang katawan at kinalma niyon ang sistema niya. Napakasarap sa pakiramdam kapag yakap niya ang magandang mangingisdang ito.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon