"pero bakit walang sinabi satin si Autumn?"

"hindi ko din alam oppa. Tsaka si Ikoo natatandaan mo pa yung batang kinuwento ko sayo."

"oo yung batang di marunong bumaba sa puno."

"oo opa siya at si Raikoo ay iisa."

"ANO??" yung bata na yun ang nag iisang lalaki na nakakuha ng atensyon ni Winter. Yun yung batang nakakapagpasaya sa kanya noon.

"di ko din mapaniwalaan oppa. Di ko na alam paniniwalaan ko."

"ngayon alam ko na kung bakit weird ka nitong nakaraang araw."

"anong ibig sabihin mo oppa?"

"kahit na hindi alam ng utak. Alam ng puso dongsaeng."

"samahan mo na lang akong uminom oppa hindi yung kung ano ano sinasabi mo."

Wala na din akong nagawa kundi samahan na lang siyang uminom. Mabigat ang dinadala niya ngayon. Sinong mag aakala na ang taong pinagtatangkaan naming patayin ay inosente pala. Siguro kailangan kong kausapin si Raikoo. Kailangan kong malaman lahat. Ngayong bumalik na ang alaala niya siya ang makakapagbigay linaw sa lahat.

Nung nakatulog na siya. Inuwi ko na siya sa mansion. Sa tingin ko kailangan niya ng pahinga. Kailangam niyang makapag isip isip sa ngayon.

Matapos ko siyang ihatid pinuntahan ko sa ospital si Raikoo. Sakto namang palabas na sila kaya niyaya ko siyang maglunch sa isang resto para na din makapag usap. Private ang pag uusapan namin kaya pinauna na niya si Ren at ako na lang ang maghahatid sa kanya.

Sinabi niya sakin ang lahat. Kung pano napasok sa gulo si Autumn. Kung pano nawala ang alaala niya at kung pano niya nakilala ang mga kapatid ko. Ngayon maliwanag na sakin ang lahat. Black Hawk Clan ang may kasalanan sa lahat. Nasa ilalim nito ang members ng phoenix. At pati ang buhay nilang apat nasa panganib din.

Ang hindi ko lang maintindihan ay ang sinabi niya na.

"bf na ni Winter si Sian. Wala na akong pag asa pa sa kanya."

Ano daw si Sian at si Winter. Pero ang alam ko naka arrange marraige na si Sean at Sian at mahal nila ang mga mapapangasawa nila. Pano nangyari yun.

Pero ngayon sigurado ako kakampi si Raikoo. Mapagkakatiwalaan namin siya sa ngayon. Di ko lang alam kung maipagkakatiwala namin sa kanya ang katauhan namin bilang shadow members.

Inuwi ko si Raikoo sa mansion ni Autumn. Dun muna siya habang nasa panganib ang buhay niya. Di ko alam kung ano ang irereact ni Autumn pero ito ang tama.

Alam kong mahal nila ang isa't isa. Di ko lang alam ano ang pumasok sa kokote ng kapatid ko at gumawa ng kung ano anong kwento. Naipaliwanag na ni Raikoo ang lahat. Wala siyang kasalanan pero bakit ayaw siyang paniwalaan ni Autumn.

Ayaw niyang maniwala o tumatakas lang siya sa katotohanan para mailigtas si Raikoo. Bakit ba ang tanga ng kapatid ko. Pati kasiyahan niya sinusuko niya.

Autumn minsan gusto na kitang sapakin para gumising ka sa katotohanan. Kaya lang alam kong pag sinapak kita papatayin mo ako kaya wag na lang.

Bahala kayo ni Raikoo buhay pag ibig niyo yan basta ako wala akong problema sa lovelife ko. Kasi wala na siya eh di ko alam kung nasan siya. Pag natapos ang lahat ng gulo na ito hahanapin ko siya. Pangako yan.

_____________________________________

ceikret

ai wo

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now