PROLOGUE

488 5 0
  • Dedicated to Anne Katherine Matus
                                        

PROLOGUE

Naranasan mo na bang magmahal?

Paano ba malalaman kung mahal mo na ang isang tao?

Anong irereact mo kung malaman mong may inlove sayo?

Masaya ba magmahal?

Kung masaya, ba't may mga nasasaktan din?

Kailangan bang kapag nagmahal ka, masaktan ka din?

Kaya ayokong mainlove eh. Dahil ayokong sumugal at ayokong masaktan.

Oo, takot ako. Takot masaktan, maloko, mapaglaruan, maiwan.

Never pa kasi akong naiinlove kaya masyado akong madaming tanong.

Sabi nila, masyado daw akong perfectionist sa taong mamahalin ko at playing safe.

Gusto ko kasi na ako na ang huli at siya yung first and last ko.

Gusto ko kasing matulad sa fairytales o di kaya sa mga pinsan kong 11 years magboyfriend at sila talaga nagkatuluyan.

Pero siguro, hindi pa lang talaga ako handa. Masyado pa kasi akong bata para jan.

Ako si Athena Chandria Lopez, ang dakilang ignorante at walang alam sa pag-ibig.

Ang natatanging NBSB sa barkada dahil sa rule ng mga magylang na bawal magkaboyfriend pag di pa nakagraduate ng College.

Ang ilang kapag nalalamang may nagkakagusto sa kanya.

Kaya kung may nagtatanong kung nagkaboyfriend o may boyfriend ba ako, lagi kong sagot...

IT'S COMPLICATED.

_______________________________________________________________

All rights reserved 2014

by: littleExplorer ♀✒✏

Written: May 25, 2014

Di pa po final ang cover. Gawan nyo po ako ng cover please? Send nyo sakin through twitter @FernandezImee username ko. Thanksomuch!

STATUS: Its ComplicatedWhere stories live. Discover now