Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang nakayuko at basang sisiw na Chupi. Damp yung damit niya kaya naman medyo litaw ang mga muscles niya sa katawan. Oo, may muscle si Pichu, wag kayo! At hindi ako naninilip ah, ano lang, napansin ko lang by chance.

“Hala! Anyare sa’yo Sander?” agad kong tanong.

“Wala.” Maiksi niyang sagot. Sa sobrang iksi, sana hindi na lang siya nagsalita ganun din naman.

“Bakit nga?”

“Wala nga.”

“Anong wala? Mukha kang wet market diyan tapos sasabihin mo walang nangyari sa’yo? Yung totoo, akala ko ba susi lang naiwanan mo, pati ba utak mo naiwan mo rin ha Chupi?”

Napahilamos siya ng mukha.

“Naulanan lang ako, okay?” may bahid ng inis na sagot niya. At syempre dahil inis si Sander, it’s my time to shine! Aba, minsan lang ‘to. MInsan ko lang mainis si Sander dahil madalas ako ang naiinis niya kaya naman, let’s seize the opportunity! I immediately spread my wings and fly away. Joke. I spread my arms widely sa side ko para harangan siya.

“Isa. Tell me what really happened or else, hindi kita padadaanin.”

“Sammy, look, I’m not in the mood for silly conversations with you right now. I badly want to rest so, please, just let me in. Plus the fact that this is MY house kaya naman umalis ka sa dadaanan ko.”

“Capital FYI, for your information, Mr. Montaverde! Ang bahay na ito ay regalo ni Momsie Colline sa ATIN. Uulitin ko ha. A-T-I-N. ATIN. That means, this is my house, too! Kaya naman, as a co-owner of this house and also as your contract wife, I demand you to answer my question.” Oh my gulay pampahaba ng buhay! Saan ko nahugot ‘yang english kong ‘yan? Hanep, iba pala talaga kapag medyo lumelevel-up na ang thinking ng isang tao eh ‘no, pati pag-eenglish kina-career. Penge tissue.

Napabuntong hininga si Sander sa sinabi ko. “Ok, I’ll tell you. But first, please let me in.”

“Promise?”

“Promise.”

“Promise promise walang broken broken?”

Napapikit siya at hinawakan ang bridge ng ilong niya. Hahaha for all I know, nagtitimpi lang ‘yan. Konting inis, bibigay na ‘yan hahaha.

“Promise promise walang broken broken. Pwede na ba pumasok? It’s cold in here.” Exasperatedly he said.

I won. Wow lang! Bihira lang ‘to ah, bihira lang ang sumuko si Sander sa isang argument. Feeling ko tuloy ang sarap kumanta ng Ako ang nagwagi!

But I can’t. Hindi ko magawang tumawa o magsaya just because nagback down si Sander. Ewan ko ba, hindi ko kayang magbunyi knowing na may problema siya kaya naman without a word ay umalis na ako sa dadaanan niya para makapasok na siya sa loob at  pagtapos ay sinara ko na ang pinto. Nagpunta siya sa kitchen para kumuha ng maiinom. Pumunta naman ako sa bathroom at kumuha ng towel pagtapos ay dumiretso sa kusina. Itinalukbong ko ito sa balikat niya.

“Umakyat ka na muna sa kwarto mo at magbihis. Hahatiran na lang kita ng maiinom dun. Basang basa ka oh, baka magkasakit ka pa.” malumanay na sabi ko at mabuti naman hindi na siya nakipagtalo pa at umakyat na rin pagtapos uminom ng tubig.

Haay Pichu, over na ‘to ah. Hindi mo lang ako pekeng asawa, chimay at alalay. Mukhang magiging instant nurse mo rin ako ngayon. Pero kahit na over na under na over pa, wala naman akong choice eh.

Just MarriedWhere stories live. Discover now