Rewind 1: First Meeting

Magsimula sa umpisa
                                    

Agad namang napatango 'tong si Dom, "Swertehan lang, bro. Balita kasi ng mga barkada ko sa kabilang block halos wala daw sa kanila."

"Yun o!"

Napailing na lang ako sa mga 'to. Kahit kelan mga mukhang chix. Kung hindi ko siguro naging mga katabi 'to non, ang ibig sabihin ko pala ay ngayon, sila kaya ang barkada ko?

Siguro oo. Ayos naman sila, mga sira ulo pero totoong kaibigan.

"Ashley Marquez?"

Naalala ko tuloy uli si Bless at napatingin sa kinakaupuan niya. Kahit sino pang chix ang iharap sakin, siya at siya pa din ang pipiliin ko. Siguro nga hindi siya ang pinakamaganda dito pero siya ang pinakamabuting taong nakilala (makikilala) ko. Pero napakaimposible, hindi ko nga lang matandaan kung paano ko siya nakilala.

Binura Mo ba ang ibang alaala ko? tanong ko sa Kanya. Naghintay ako ng sasagot kaso walang boses ang sumagot sa isip ko.

Pero bigla kong naisip, siguro hindi nabura ang mga alaalang yun. Talagang hindi ko lang pinahalagahan ang mga maliliit na detalyeng yun.

"Shit pre, yan. Yan ang chix!"

Naramadaman ko yung bigat ng pag-akbay ni Pao sa akin kaya nawala ako sa pag-iisip ko.

"Saan?" agad namang tanong nitong isa.

"Ayan o."

Napatingin kami ni Dom sa kung saan tumapat yung nguso ni Pao. Hindi ko inaasahang si Ash ang makita ko.

Mas ikinabigla ko nang kumaway siya sa akin at ngumiti ng malapad. Bago pa man ako makapag-isip kung bakit, naramdaman ko na yung kamay nitong dalawang 'to na umaalog sakin.

"Takte pre, kilala mo siya?!" sabay pang tanong niya.

"Ahh, oo si Ash," sagot ko na lang.

"Bro, pakilala mo kami ah," at mas lalong lumapad ang mga ngiti nila.

Tumango na lang ako, "Oo---"

"Sophia Bless Mendoza?"

Tumigil ako sa pakikipaglokohan nang marinig ko ang pangalan niya. Agad kong sinundan ng tingin yung paglakad niya papuntang harapan.

Doon ko napansin, she looks younger, hindi pa siya mukhang stressed, pero mukhang malungkot siya. Huhulaan ko kung bakit. Dahil unang beses niyang mahiwalay sa pamilya niyang nasa Bicol pa.

But nevertheless, she looks like the Bless I first knew, the girl I loved and still love. A girl with a beautiful smile, yung mukhang inosenste pero hindi yun yung word eh. Ahh, angel. She has this angelic smile; a smile that can make your heart melt, a smile that can take out your inner goodness.

"Woah pre, chix din."

Agad akong napalingon sa mga kaibigan ko at napakunot ang noo, "Dude, akin siya."

Sabay silang napatingin sa akin at halatang nabigla, "Girlfriend mo tol?"

"O---"

Sasagot na sana ako ng oo nang maalala kong hindi ko pa nga pala siya girlfriend ng mga panahong ito. Nihindi pa nga niya ako kilala.

Bakit kasi hindi Mo na lang ako binalik kung saan kami na? Tsk. Para na naman akong baliw na kinakausap Siya sa isip ko kahit hindi na naman Siya sumasagot.

"Ano?" atat na tanong ni Pao.

"Hindi ah," sabi ko na lang kahit labag sa kalooban ko.

"Haha, akala ko girlfriend mo Tol," natatawang sabi ni Dom.

RewindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon