Inayos ko ang sarili bago ako naglakad papunta sa faculty room.

Dumating ang alas singko at napagpasyahan kong bumalik sa Kissing Booth. Naglalakad ako sa hallway nang may sumabay sa akin.

Nilingon ko ito. Ngumiti ako nang nakita ang bagong teacher.

"Sir Gael, bakit hindi ka pa umuuwi?" Itinago ko ang cell phone na kalalabas ko pa lang din. Ite-text ko sana si Faerie, pero naisip ko na baka mag-aya agad umuwi, lalo na at may utang pa ako sa kanyang kwento.

"Lumilibot muna ako." Hinaplos niya ang kanyang batok. "Gusto kong maging familiar sa mga buildings, facilities, at katrabaho."

Inayos ko ang tumabing na mga buhok sa aking mukha. Tumango na lang ako.

Tumigil kami sa tapat ng Kissing Booth. Kumunot ang noo ko nang nakitang hindi ito binaklas nila Aris. "Ang mga batang 'yon talaga."

"Kailangan na bang tanggalin?" tanong ni Sir Gael sa aking tabi.

Tumango ako. "Pwede mo ba akong tulungan, Sir?"

"Oo ba." Pumasok siya sa booth at nagsimula nang nagtanggal ng mga gamit doon.

Sumunod ako at tinanggal ang designs sa ibang bahagi ng booth. Ang daming pinagdidikit ng club nila kaya tiyak na matatagalan kami.

"Naabutan mo pa ang late president, Ma'am?" bigla niyang tanong.

Tumigil ako sa ginagawa. Nilingon ko si Sir Gael na patuloy pa rin sa pagtatanggal ng mga design sa kisame ng booth. Marami ang makukulay na mga puso doon. Halatang pinagpaguran at pinaghandaan ng mga estudyante.

"I've heard that he's a great boss," he commented.

Tumikhim ako at umupo sa isa sa mga upuan. Naramdaman kong nilingon niya ako.

Tumabi siya sa akin. "Did I say something wrong?" he asked, concerned.

Umiling ako at tumingala sa papadilim na kalangitan. "That's not enough to describe him." Itinuon ko ang mga kamay sa magkabila kong hita. "He worked with passion and determination in everything. Lahat ng ginagawa niya ay hindi lang para sa school, kundi para rin sa kapakanan ng bawat isa. Hindi siya nagdedesisyon na alam niyang may maaapakan siyang tao."

Nilingon ko siya at nakatingin lang siya sa akin, tahimik na nakikinig.

"He acted like a father to me." Malungkot akong ngumiti.

"You loved him," he stated.

"I loved him and I still do." Mariin kong ipinikit ang mga mata. "Wala na akong mga magulang. And when I met him, he treated me as his own. Pangarap niyang magkaanak na babae, pero puro lalaki ang ibinigay sa kanila. Pareho naming nakita sa isa't-isa ang mga wala kami. Ako, magulang at siya, anak na babae."

"I'm sorry to hear that," he said in a low voice. "Hindi ko na dapat binanggit pa ang dating president, nalungkot ka tuloy."

"It's okay. Normal na sa akin ang malungkot kapag naaalala siya. Mixed emotions kumbaga. Masaya na malungkot. Masaya kasi nakilala ko ang isang taong tulad niya. Malungkot kasi saglit lang din ang panahon na nakasama ko siya."

Tumayo ako at hinarap siya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong higitin at yakapin.

"You're holding back your tears," he whispered.

Tinapik ko ang kanyang likod at humiwalay ako. Ewan, pero hindi ako nakaramdam ng ilang sa ginawa niya.

"Thank you for listening, Sir Gael." Ngumiti ako.

"No, thank you for sharing, Amity." He flashed a sweet handsome smile. "Gael na lang ang itawag mo sa akin 'pag tayong dalawa lang."

Tumango ako. "Gael."

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon