“Uh… May inasikaso po kasi ako sa trabaho.” Sabi ko nalang sa kanya. Hindi niya siguro matanong kayla Dad kung nasaan ako at bakit hindi ako nakauwi kaya sa akin siya mismo nagtanong.

“E, ngayon? Saan ang punta mo?” pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.

“Kasama ko po si Zac. Naaalala niyo po siya? Pati si Nerissa at Cody po. Magba-bond lang kaming magkakaibigan. Pero uuwi po ako rito mamaya.” Ngiti ko sa kanya.

“Ah.” Tumango tango siya. “O sige. Dadalhin mo ba ang sasakyan mo?”

 

“Hindi na po. Nasa labas si Zac at hinihintay ako.” Lumabi ako nang pagmasdan ako ni Nanay Linda.

“Anak, mag-iingat ka ha?” iba ang dating ng pagkakasabi niya noon at nakuha ko naman siya.

Ngumisi ako at tinanguan si Nanay Linda. “Oo naman po, Nay. Sige po, aalis na ako.” Humalik ako sa pisngi niya at patakbong lumabas ng bahay.

Sinalubong ako ni Zac na nakatayo na sa labas ng kotse habang nakahalukipkip at mukhang nag-iintay sa akin. Nang mag-angat siya ng tingin ay ngumiti siya at pinagbuksan ako ng pinto.

“Thank you.” Ngumisi ako at pumasok sa loob. Nilingon ko si Nerissa. “Neri, asan na raw si Cody?” tanong ko sa kanya.

“Nandoon na po siya kanina pa sa bar na sinabi ni Sir Zac.” Sagot niya at tumahimik na. Yumuko pa siya na parang nahihiya.

Lumingon ako kay Zac na kakapasok lang ng kotse matapos ay kay Nerissa ulit. “Sir Zac? Zac, tinatawag ka pa rin ni Neri ng Zac?”

 

“I’ve told her so many times to stop calling me that, Ella. Pero boss ka raw niya at kaibigan mo ako kaya iyon daw ang dapat na tawag niya sa akin.” Sagot ni Zac habang inii-start ang sasakyan.

“Well, I’m not your boss anymore, Neri. Sa FF ka na nagtatrabaho ngayon. And we’re friends. I think you should stop calling him sir. Hindi naman ka-sir-sir 'yang si Zac.” Ngumisi ako nang samaan ako ng tingin ni Zac. Niliko niya ang manibela bago bumaling ulit at magsalita.

“Yeah right, Ella. Nerissa, listen to her. Hindi nga ako ka-sir-sir.” Siya naman ngayon ang ngumisi.

Tumagilid ako at tiningnan ang dalawang kong kaibigan. Sa lahat ng taong nakilala ko sa New York, sila ang pinakamalapit sa akin. Zac being my best friend and Nerissa as my personal assistant and everything. Hindi nakalagpas sa mga mapanuring mata ko ang pamumula ni Nerissa. Ngayon ko lang naaalala kung paano kaming tatlo noong nasa New York pa kami. Nerissa will always be quiet whenever Zac is around. Si Zac naman ay hindi pansin ang pananahimik ni Nerissa dahil parating nasa akin ang atensyon niya. But now, I can see things that he can’t. Mukhang may gusto sa kanya ang kaibigan kong si Nerissa. Hindi man niya sinasabi, nahahalata ko iyon sa mga kilos niya.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora