"Eh ang tagal mo kaya! 31 minutes akong naghihintay dito!"


"Nadadagan lang ng 1 minute eh! Ano na kwento na! Dalii! Kinikilig ako sa inyong dalawa kahit di mo pa kinkwento hihihi!"


Kwinento ko sa kanya lahat lahat ng nangyari at sa mga nalaman ko kagabi.


"Hay nako girl.. Ikaw na talaga! Pero sa pagkakaalam ko close daw si Daniel sa mga babae tapos eto pa lahat daw ng babae kinukuha yung number niya grabe! Nag palit tuloy ng sim ang dami na daw nakaalam eh. Pero minsan lang siya mag GM sa mga yon.. Pero pag sa mga close friends niya daw madalas siya mag-group message."


"Kaya pala non si Yen paminsan minsan sa kanya mag GM kasi hindi sila close ganon ba?" Tanong ko sa kanya.


"Oo ganun... Nabigay mo na ba number mo sa kanya?" Julia.


"Hindi pa. Di ba nga! Nag-text ako sa kanya noon tapos tumawag siya. Malay mo natatandaan niya number ko."


"Kung sa bagay. Eh kasi naman girl ba't kasi ganun yung tinext mo. 143! Alam mo ba yung meaning nun?" Julia.



"Hindi? Hehehe.. Naririnig ko lang yun sa inyo eh."


"Ang meaning ng 143 ay I LOVE YOU, oh yan alam mo na? Nagsisisi ka na ba sa tinext mo?" OMO no way! Di nga! Waaahhh O/////O


"Nako talagang di ko na ibibigay yung number ko! Oh kaya mag papalit ako! Nakakahiya nga Julia! Waaahhh!"


"Kasi eh, sa susunod magtanong ha?" Julia.


"Mag-papalit na ako mamaya ng number!"


"Okay. Pero close na kayo ni ano? You know what I mean."


"Konti.. Mga kalahati pa lang ng ruler yung closeness namin."


"Alam mo ba may new crush na ako!" Julia.


"Sino? Anong year? Anong section?".


"Anong anong year at section ka diyan.. College na siya nakikita ko kasi siya minsan main gate! At alam ko na rin name niya." Ang bilis talaga mag-imbestiga nito.


"College? Di kayo talo niyan! Matanda na yun.. Ano ba name?"


"Coco Martin hihi.. Anong 'di talo diyan! Age doesn't matter!" Julia.


"Kilala ka ba niya?"


"Hindi..." Julia


"Eh yun naman pala eh.. Hahaha!! Aww... eh si Diego paano na?"


"Wala na akong pakialam dun. May girlfriend na yun. Kaya lang mas matanda sa kanya.. Kadiri."

Crazy Little Thing Called LoveWhere stories live. Discover now