"I guess I should," nakangisi kong sagot.

"Atta girl!" Masigla nitong sabi habang naka-two thumbs up pa, "Well then, I'll call you again as soon as the final schedule for the bar exams will be posted, okay?"

"Alright, Amelia. I appreciate your help."

Matapos noon ay kaagad ko ng pinatay ang aking laptop. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Gene stating that they're about to take the flight back here. Gagabihin na raw ang dating nila lalo na't mga ilang oras pa ang babyahiin nila from the city.

I stretched my arms for a little bit habang sinusulyap ang labas. It wouldn't hurt if I take Emilia's suggestion and go for a stroll, right? Maayos naman na ang pakiramdam ko. Babalik na lang ako kaagad bago magtakip-silim.

Minutes after, I was already locking the front doors before proceeding to walk towards the gates. Pagkalabas ko pa lang ay mayroon na agad na dumaang tricycle. Kaagad naman akong pumara.

"Kuya, pwede po bang sa may dalampasigan? Doon lamang po sa may boundary ng lungsod?" Tanong ko sa drive.r na napakamot sa kanyang ulo.

"Naku, dong, bawal ang kulay ko roon. Hanggang sa merkado lang ako, eh," sagot nito na ang tinutukoy ay ang color code ng kanyang tricycle.

I didn't bother correcting him. Hindi ko naman ikamamatay kung mapagkamalan nila akong lalaki.

"Ganoon po ba? Wala po bang dumaraan dito na pwedeng tumungo roon?"


"Wala, dong. Kulay berde lang ang dumaraan dito. Kung gusto mo, sumakay ka na lang hanggang palengke. Tapos pagkarating doon, ituturo ko sa iyo kung aling kulay ang sasakyan mo patungo sa wharf."

"Sige po, Kuya."

Mabilis akong pumasok sa loob ng tricycle at kaagad din namang tumulak si manong driver. Hindi nagtagal ay narating namin iyong sinasabi nitong palengke. Kahit magdadapit-hapon na'y puna ko pa rin ang dami ng mga taong namamalengke.

"Doon sa bandang iyon, dong, may dumadaang tricycle papunta sa wharf. Iyong kulay asul ang parahin mo."

"Salamat po," sabi ko sabay abot ng bayad dito.

"Naku! Wala ka bang barya, dodong? Masyadong malaki ang pera mo," kamot-batok nitong tugon habang nakatanaw sa hawak kong isang libo.

Muli kong sinilip ang pitaka ko in the hopes na may maliit na bill akong makikita. Napailing na lang ako matapos makita ang tig-iisang libong nakahilira roon.

"Wala po, Kuya, eh—"

"Ito pong bayad niya," biglang may nag-abot ng bayad mula sa aking likuran.

"Kulas!" Bulalas ko nang makilala iyon.

"Anong ginagawa mo rito at nagdala ka pa ng ganoon kalaking halaga? Hindi mo ba alam na maraming mandurukot dito?" Nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.

"A-ah... gusto ko lang sanang makapunta doon sa dalampasigan," nahihiya kong tugon dito.

"Tss... ano namang gagawin mo roon?"

"Wala naman. Gusto ko lang sanang maglakad-lakad. Apat na araw din akong nasa loob lang ng bahay. Para maiba naman iyong nakikita kong tanawin," kamot-ulo kong sagot.

"Ganoon ba? O siya sige... sumakay ka na lang sa akin at doon din naman ang punta ko. Mabuti na lang pala at naisipan ko munang mamalengke kung hindi kanina ka pa pinipyestahan ng mga kawatan dito," anito bago lumapit sa nakaparada nitong motorsiklo.

Nagdadalawang isip pa akong sumama rito. Ayokong makaabala ng tao lalo na't dahil lang sa aking pangpersonal na kadahilanan.

"O-okay lang ba talaga? Baka kasi hinahanap ka na sa inyo. Ang dami pa naman ng mga pinamili mo," puna ko roon sa isang malaking supot na inilalagay na nito sa pagitan ng kanyang mga hita.

Paper Stars (Self-Published)Where stories live. Discover now