Noong nasa states ako, bahay at ospital lang ako sa loob ng tatlong taon. Iyong natitirang dalawang taon ko doon ay ginugol ko sa pag-aaral at pagpi-paint. Hindi naman ako nabigo dahil sa suporta ng pamilya ko ay napag-tagumpayan ko lahat.

Walang naging mahirap sa'kin dahil sa kanila......

"Victoria..." Nagitla ako sa tawag ni lola. "Nandito na tayo...." Ngiti niya.

Napakurap ako. Natulala na naman pala ako. "Sorry, la." Bumuntong hininga ako at tahimik na tinanggal ang seatbelt niya.

"Anong iniisip mo kanina?" Tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumiti. "Wala naman po." Tinanguan ko ang driver ng hawakan nito sa braso si lola. "Tara na po? Nag-aantay na si doktora." Sabi ko nalang.

Naiwan ang driver sa labas para bantayan ang kotse. Ako naman ay tulak tulak ang wheelchair ni lola patungo sa doktora na tumitingin sa kaniya.

"Magpatingin ka na rin kaya victoria?" Tanong ni lola.

"Sige po lola." Pagsang-ayon ko.

Kilala ko naman ang doktora na tumitingin kay lola, actually kilala siya ng pamilya. Panganay na anak kasi siya ni doktora sanchez, iyong doctor na humawak sa case ko. Kilala ang mga sanchez sa propesyon ng medisina, kaya nga panatag sila daddy noon na magtatagumpay ang operasyon ko dahil isang bihasang sanchez ang hahawak sa case ko.

Nakilala ko rin ang panganay na anak niya dahil madalas ko itong nakakausap noong mga panahong nakakulong pa ako sa ospital. Tinutulungan niya ang mommy sa pagtingin sa'kin, sakto't internship niya noon. Naging malapit pa ako sa kaniya lalo nang gawin niyang thesis ang case ko.

Isang patient na 50/50 nalang ang chance na mabuhay.

Tumigil kami sa isang pintong may nakapaskil na pangalan sa taas.

Dr. Emilia sanchez

Tinabi ko muna sa gilid si lola at kumatok sa puting pinto. Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto at iniluwa noon ang nakangiting si Dr. Sanchez.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. "Victoria!" Masayang aniya atsaka ako sinugod ng yakap. "I'm glad to see you!" Sabi niya pa.

Bahagya akong natawa. "Sinamahan ko si lola rito. Tumawag si dad sa'yo kanina right?" Ngiti ko.

Tumango naman siya at bumaling kay lola. "Yes..yes.." Saglit niyang hinalikan sa magkabilang pisngi si lola bago niluwagan ang pagkakabukas ng pinto ng kaniyang opisina. "Pasok na kayo." Masayang wika niya.

Ngumisi nalang ako at hinila ang wheelchair ni lola. "Kinabahan ako ng tumawag si tito sa'kin! Akala ko may nangyaring masama kay lola!" Iling niyang wika.

Winelcome kami ng peaceful at malinis na puting opisina niya. Malinis ang table niya at may dalawang malalaking sofa sa gilid.

"Nanikip lang ang dibdib ko. Sadyang O.A lang talaga sila kung mag-react!" Tawa ni lola.

Napailing nalang ako at tinabi siya sa sofa'ng tinuro ni Dr. Sanchez. "Hay nako lola! Tama naman po ang reaksyon nila.." Ani ni doktora.

Natawa nalang ako atsaka binaba ang maliit na bag sa sofa. "Ang sabi ni dad may naka-appointment ka daw na patient ngayon?" Tanong ko.

"Ah yes!" Napatango siya. "Parating na rin iyon. Magpapa-check up lang naman siya..." aniya.

Napatango naman ako atsaka na umupo. Hindi na ako nag-salita nang mag-start na si doktora. Seryoso na rin siya sa ginagawa kaya tahimik ko nalang na pinasadahan ng tingin ang tahimik at malinis niyang opisina.

Mahigit isang taon na rin siya rito at masasabi kong malayo na nga ang nararating niya. Sumusunod na siya sa yapak ng kaniyang ina. Masaya akong makita ang tagumpay niya.

Napalingon kami sa pinto ng may tatlong beses na kumatok pagkatapos ay bigla na lamang itong bumukas. Mula sa labas ay  sopistikadang pumasok ang ka-huli hulihang taong gusto ko pang makita.

Maraming nagbago sa kaniya na hindi ko na nagawang punain noong nasa art restaurant pa kami. Akala ko ay 'yon na ang huling araw na makikita ko siya.

"Mrs. De guzman!" Nakangiting lumapit si Dr. Sanchez sa kaniya atsaka nakipagbeso na rin. "Kanina ko pa po kayo inaantay!" Sabi niya.

"Wala akong makasamang papunta rito kaya nag-antay ako na hindi na abala ang aking mga apo, pero sa huli ay sa driver pa rin ako bumagsak!" Naiiling niyang wika. Tila dissapointed na dissapointed. Napayuko ako ng lumipad ang tingin nito sa'min. "May mga bisita ka pala..." Rinig kong sabi niya.

Napatingin ako kay lola at pilit na ngumiti. I don't want her to worry about me. As much as posible ay gusto kong maging okay at malakas sa harap niya. Lalo na't hindi pa niya nakakalimutan ang pagkawala ni lolo.

"Their family is a friend of ours mrs. De guzman." Rinig kong wika ni doktora.

Bumuntong hininga ako at matapang siyang hinarap. "Goodmorning." Nakangiting bati ko rito.

"Goodmorning din iha..." Ngumiti rin ito sa'kin. "Sinasamahan mo ba ang lola mo?" Tanong niya na para bang naging malapit kami sa isa't isa noon.

"O-Opo..." Pilit kong pinatatag ang boses ko.

Aaminin ko na hanggang ngayon ay kinakabahan at natatakot pa rin ako sa presensiya niya. Hindi na nga ata iyon maaalis sa'kin lalo na't hindi naging maganda ang nakaraan namin noon.

"Victoria..." Napatingin ako kay lola nang tawagin niya ako. "Nasaan na ba daw ang mga pinsan mo?" Tanong niya.

Sinilip ko ang cellphone ko. "Malapit na po daw sila lola.." sabi ko.

Tumango naman siya atsaka nilingon ang matandang de guzman. "Nice to see you here, Amanda." Ngiti ni lola'ng bati rito.

"Me too, vicky." Sagot naman ng matandang de guzman.

Tumikhim si doktora. "Mrs. De guzman, maupo na po muna kayo rito sa kabilang sofa." Iginaya nito ang pasyente sa kabilang sofa, sa haral lang rin namin. "Re-resetahan ko lang ng vitamins si lola amanda, mrs. De guzman." Magalang na wika ng doktora.

"I'll just wait, then." Tango naman ng kaniyang pasyente sa kaniya.

Nag-iwas na lamang ako ng tingin at tinuon ang atensyon kay lola. Siya nalang dapat ang inaalala ko ngayon, lalo na't siya lang ang naging lola ko.

Umayos ako ng upo nang iabot sa'kin ni Doktora ang bagong reseta ng vitamins ni lola. Ngumiti ako at nagpa-salamat sa kaniya.

"Gusto mo bang tingnan ko rin ang kalagayan ng puso mo, victoria?" Tanong niya.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking dibdib. Nawala ang ngiti sa aking labi. "Babalik nalang ako sa ibang araw..." Sabi ko sa kaniya.

Nginitian niya naman ako. "You take care victoria. Wala pa tayong kasiguraduhan kung safe ka na nga ba talaga." Paalala niya.

Mahina akong napabuntong hininga at tumango. Tumayo na ako at muling nagpa-salamat sa kaniya. Tiningnan ko si lola na abala sa pagtingin sa resetang binigay ni doc.

Napangiti ako. "We have to go. Inaantay na kasi kami ng mga pinsan ko." Sabi ko sa kaniya.

"Sige. Mag-ingat kayo." Aniya. "Bye lola!" Muli niyang hinalikan sa pisngi si lola.

Tumango lang ako sa kaniya bago hinila palabas ng kaniyang opisina ang wheelchair ni lola.

"Nasan ang mga pinsan mo victoria?" Tanong ni lola, halata ang excitement sa tono ng boses.

"Nasa restaurant po. Puntahan nalang natin sila lola." Wika ko.

Tumango lang siya.

Masaya akong kasama ko na ang mga  totoong nagmamahal sa'kin.




Always unwanted 💯Where stories live. Discover now