Chapter 40

15.4K 209 0
                                    

Chapter 40: Guilty

Napatingin ako sa salamin at hinaplos ang aking leeg kung saan nag-iwan si Drew ng love bite. Nawawala na rin siya. Mabuti iyon para hindi na ako mahirapan sa kakasuot ng turtle neck na mga damit.

Lumabas ako ng kwarto. Naabutan kong may kausap si Serenity sa cellphone habang nakakunot ang noo.

"Se, may problema ba?" Tanong ko.

"Wala po." Sagot niya.

Tumango ako at bumaba na. Nandito pa rin ang mga pinsan ni Drew kahit na may pasok na bukas. Mamayang madaling araw na lang daw kasi sila aalis. .

"Ate Jan, may naghahanap sainyo." Sabi ni Kiefer.

"Sino?" Tanong ko.

"Magandang babae, ate. Tsaka kulay pula ang buhok." Sagot ni Heather.

Napasulyap ako kay Fire na nakabusangot. Ngumiti ako kay Heather.

"Parang pamilyar siya..." Sabi ni Jewel.

"Tss..." Si Fire kaya napatingin kaming lahat sakaniya.

Nakunot ang noo at halatang naiinis. Tumingin siya saakin at binigyan ako ng naka mamatay na tingin.

"It's about wedding." Ngumuso ako at nagtanong, "Nasaan sila?"

"Nasa garden po." Sagot ni Sabrina.

Tumango ako at pumunta roon. Naabutan ko silang nag-uusap. Nang makita ako ay ngumiti sila. Hinila ni Drew plabas ang upuan para maka-upo ako ng maayos.

"How are you?" Tanong ni Iza.

"I'm fine. Ikaw?" Tanong ko pabalik.

"Okay lang din." Ngumiti siya. "About your wedding, papunta na rito iyong kaibigan ko na mag-aasikaso sa lahat ng kailangan niyo para sa kasal."

"That's good. Buti at may kilala ka. Nahihirapan din kasi kami humanap ng wedding planner." Sabi ko.

"Yeah. Tapos sobrang mahal pa ng bayad nila." Sabi niya.

"Hindi ba mahal ang bayad ng kaibigan mo?" Tanong ko.

"Sakto lang." Sagot niya.

Tumango tango ako. Tumunog ang cellphone niya kaya nabaling ang atensyon niya roon.

"Nasa labas na siya." Sabi niya.

"Salubungin natin." Yaya ko at tumayo na.

Tumayo na rin sila. Nadaanan namin ang mga pinsan ni Drew na nakakagulo sa isang cellphone habang nakabusangot pa rin si Fire.

"Ma'am, may naghahanap po sainyo." Sabi ni Manang.

"Papasukin niyo, Manang." Utos ko.

Nasa front door kami naghihintay habang inaayos niya ang pag park ng sasakyan niya sa garage.

"Hi, ate Iza." Nakibeso ang babae na sa tingin ko ay ka-edad lang ni Duke.

"Hi, Thalia." Ngumiti si Iza. "Ito ang kaibigan ko, si Janna."

"Thalia Co." Naglahad siya ng kamay na agad ko namang tinanggap.

"Janna Alcantara." Ngumiti ako. "My fiance, Drew Falcon."

Naglahad din siya ng kamay kay Drew na tinanggap din naman agad niya.

"Pasok tayo sa loob." Yaya ni Drew.

Sabay sabay kaming pumasok sa loob. Natigilan naman sa pagda-daldal ang mga pinsan ni Drew.

"Lia!"

A Love that Bring Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon