Chapter 4

24.8K 446 0
                                    

Chapter 4: Back

"Yey! I'm going to see Lala!" She continued chanting lala.

Nasa kotse pa lang kami ay excited na siya. Ito ang unang beses na makakapunta siya sa Pilipinas. Babalik na kami, finally.

Ngumiti ako sakaniya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko. She smiled back.

Siguradong tulog ito mamaya.

"Are you nervous, baby?" I asked. First niya rin kasing sumakay sa eroplano.

Umiling siya at kiniss ang pisngi ko. She also kissed Lucas' cheeks.

"Papa, you said you'll teach me to ride bike."

"Yeah. I'll teach you that." Si Lucas at ngumiti kay Jade.

"Huh? 'Di ba we're going to beach?" Tanong ko.

"Yup. Bago tayo mag beach tuturuan ko muna siyang mag bike." Sagot niya.

"I told ya, mom! Papa will teach me to ride bike, e." She said.

Ngumiwi ako. "Oh-kay." Yun na lang nasabi ko.

Hawak ko ang kamay ni Jade ng makarating ng airport. Binababa naman ni Lucas at Joseff (pinsan ni Lucas) ang mga bagahe namin. Si Penny naman naluluhang nakatingin saamin.

"Gosh! I'll definitely miss you both!" Aniya sabay yakap saamin.

Half filipina itong si Penny. Nurse siya. Nakilala ko sa hospital at malapit rin naman ang bahay na tinitirahan ko sakanila.

"I'll miss you too, tita Pen." Naka pout na sabi ni Jade.

"Don't worry, Pen. We'll visit you here." Sabi ko sabay yakap sakaniya.

Lumapit ang dalawang lalaki saamin. Kinuha ko ang isang maleta. Ang dalawa naman ay hinihila ni Lucas. Tumabi siya saakin.

"Bye bye, tita Pen, tito Joseff!" Paalam ni Jade. Lumapit siya sa dalawa at hinalikan ang pisngi nila at niyakap.

Aww.. That's sweet.

Tumakbo pabalik saamin si Jade. Kumaway kami kina Penny. She smiled weakly and waved her hand to us. Naiintindihan ko naman na napalapit na kami sakaniya kaya ganyan siya.

~
Hawak ko ang dalawang maleta at isa naman ay hawak ni Lucas habang karga karga si Jade. Tulog si Jade. Gigisingin ko na nga sana kaso ayaw naman ni Lucas.

Nakita ko agad si mama. Kumaway ako at ngumiti. Sinalubong niya kami kasama ang dalawa niyang bodyguard.

"Akin na ang apo ko, Lucas. Nahihirapan kana e." Sabay kuha ni mama kay Jade.

Kinuha naman ni Lucas ang isang maleta saakin. Hinayaan ko nalang. Ayokong makipagtalo dahil lang dito. Mukhang pagod pa naman ito'ng si Lucas.

Isang puting van Ang dala ni mama. Ang isang bodyguard ang nagdrive, ang isa naman ay nasa front seat. Si mama ang nasa unahan namin habang kandong kandong si Jade. Kami naman ni Lucas ay nasa likod.

"You both should rest pagkarating ng mansyon." Sabi ni mama.

"Okay lang ako, ma. Ikaw Lucas ang dapat magpahinga." Bumaling ako sakaniya.

Mapupungay ang mga mata niya habang nakatingin saakin. Hinaplos niya ang pisngi ko. Ngumiti siya at humilig sa balikat ko.

Hinayaan ko nalang siya. Sinuklay ko ang buhok niya habang nakatingin sa mga nadadaanan namin.

Lumiko ang van papunta sa village namin. That familiar masions is well renovated. Mas lalong gumanda ang mga mansyon na narito.

Nakarating kami sa mansyon. Sinalubong kami ng mga kasambahay para dalhin ang mga gamit.

"Ihatid mo si Lucas sa guest room. Dito muna siya para makapagpahinga." Ngumiti si mama bago bumaba para  dalhin si Jade sa kwarto niya.

Bumaba kami ni Lucas. Nilanghap ang sariwang hangin. Ang amoy ng mga pamilyar na bulaklak ang nalanghap ko.

Lumapit si Lucas saakin at inakbayan ako. I smiled. Finally, I'm back. And I always be back.

A Love that Bring Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon