Chapter 31

17.2K 333 2
                                    

Chapter 31: I love you

Tahimik kami ni Drew sa kotse. Tinext na rin ako ni Jenna na nasa hospital na daw sila. Kinakausap na ni Fire ang doktor. Doon matutulog si Jade para ma-obserbahan daw siya.

"Mabuti at nandito na kayo." Salubong ni Jenna at naglakad na papunta sa kwarto kung saan si Jade.

Tahimik namin siyang sinundan habang talak siya ng talak. Mabuti nga iyon kaysa kaninang nasa kotse kami.

"Si tita hindi na nakasama pero nagbilin. Ang mga magulang at mga tito mo naman Drew, aayusin daw ang celebration." Sabi niya.

Marami pa siyang sinabi hanggang sa nakarating kami sa kwarto ni Jade. Nakahiga si Jade habang sapo ang tyan. Napatingin siya saakin at ngumuso.

"Mommy, my stomach's cramping." Mahina niyang sabi.

Lumapit ako sakaniya at hinaplos ang pisngi niya. Huminga ako ng malalim.

"'Di ba, sabi ko sayo, tignan mo mga kinakain mo." Sabi ko.

"I'm sorry. I'm careless." Kumislap ang mga mata niya.

"No. Si mommy ang careless dito kasi iniwan niya si baby." Tipid akong ngumiti.

Sa peripheral vision ko ay nakita ko si Drew na malapit. Huminga ako ng malalim. Ngumiti ako kay Jade. Napatingin siya sa likod ko kung nasaan si Drew. She smiled.

"Hi..." Nanghihina niyang bati. "Your the birthday boy po 'di ba? Happy birthday."

Napalunok ako at yumuko. Agad kong pinunasan ang isang butil ng luha na nakatakas sa mga mata ko.

Drew held Jade's hands. Ngumiti si Jade. Hinalikan ni Drew ang likod ng kamay ni Jade. Pagkatapos ay ang noo naman niya. Malungkot akong napangiti kay Jade.

"Masakit pa ba?" Tanong niya kay Jade.

"Ang alin po? Yung stomach ko? Unti po." Sagot niya.

"Anong gusto mong breakfast? Dadalhan ka namin bukas." Ngumiti di Drew.

"Gusto ko po pancake tapos may whip cream tapos apple tapos cherry tapos honey tapos milk." Sagot ni Jade.

Napatingin saakin si Drew. Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim. Umayos ako ng upo at tinignan si Jade.

"Ano po pangalan mo? Ako Jade name ko." Ngumiti siya.

"Drew. Drew Falcon." Sagot ni Drew.

"Ah! Yung itim na bird po? Like, tito Fire and tito gwapo?" Tanong niya. Tumingin siya saakin. "Mommy, I'm curious."

"Curious of what?" Tanong ko.

"Sabi ni tito gwapo, he's gwapo daw. I'm wonder why he likes me to call him that, he's not even gwapo." Sagot niya. "Mas gwapo ka pa po."

Ngumiti siya kay Drew. Natawa si Drew sa sinabi ni Jade. Tumingin siya saakin.

"Can I?" Tanong niya.

Tumango ako at tinignan si Jade na nagtatakha sa tanong ni Drew.

"I'm Drew Falcon, Jade." Ngumiti siya. 

"Opo. Kakasabi---"

"Your daddy." Dugtong niya.

Tumingin saakin si Jade. Tinanguan ko siya at ngumiti. Naiyak si Jade at inabot ang kamay ni Drew.

"Ikaw si daddy ko." Naluha siya. "I love you."

Hinalikan ni Drew so Jade sa noo. "Daddy loves you too. Always remember that, okay? Kahit na hindi ka nakilala ni Daddy noon. Babawi si daddy."

A Love that Bring Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon