Chapter 22

17.8K 287 4
                                    

Chapter 22: Hayaan mo na siya

Ngumuso ako ng maalala nanaman ang huling sinabi ni Drew. I end the call kasi... ano... feeling ko aalis ang puso ko sa dibdib ko. Nakakatuwa sa feeling ang mga sinasabi ni Drew sa totoo lang. Hindi ako pinatulog ng mga katagang 'yon kagabi.

Nakakainis siya! Basta nakakainis!

"Mommy... Kanino ka galit?" Tanong ni Jade na nakalapit na pala saakin.

Si Tina ay inaayos ang mga krayola at colorning book ni Jade.

"Huh? Wala naman." Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin.

"Are you blushing, mom?" Tanong ulit ni Jade.

"Hindi naman, baby." Ngumuso ako.

"Ih! You're blushing kaya. Look at yourself, mom." Nakataas ang kilay nilang sabi.

"Naku! Bata ka. Blush on lang yan." Sabi ko.

"Yeah. And pigs are color blue too, mom." Ngumiwi ako habang siya ay nakangisi.

Saan ba nagmana ang batang ito? Uh... Yeah. Sa daddy niya nga pala. Wala ba siyang namana kahit na kaunti sa ugali ko? Ang daya naman ni Drew. Ang daya ng genes ng mga Falcon!

"Gusto mong mag-libot, baby?" Tanong ko.

"Pero busy ka." Ngumuso siya.

"I can call Jenna or tito Fire? Kapag hindi siya busy sasamahan ka no'n."

Umiling siya. "No! Dito lang ako."

Lumapit ulit siya kay Tina at nakipag-usap. Nanood sila ng tv hanggang sa mag tanghalian na. Sa loob na kami ng opisina kumain. Sinusubuan ko si Jade. Nag dala ng ulam si Tina. Luto daw nila mama kanina. Okay naman iyon para hindi na namin maabala ang mga chef.

At ang tungkol doon sa chef na hinahanap ko ay may nag-aapply. Maybe, next week papupuntahin ko siya dito for some interview. Kinunsulta ko ito kay mama, okay lang naman daw. Ako nalang daw bahala kasi ako naman ang mamahala no'n sa susunod. Kakausapin ko rin ang mga chef kung pwede ba iyon. Kahit naman manager ako, e, gagawin ko na lahat ng gusto ko. Gusto ko ng opinyon ng iba.

Pagkatapos ng tanghalian ay nag pahinga lang kami bago ako bumalik sa trabaho at natulog naman sila Tina. Naisip ko rin kung dadagdagan ko ba ang mga waiters. Pwede, kasi minsan kapag maraming tao ay hindi kaya ang kinse katao.

I yawned. At tuluyan na akong inantok. Iminulat ko ang aking mga mata. Nasa condo ako ni Drew. Pero ang huling naaalala ko ay nasa opisina ako.

Naglakad ako papunta sa kusina kung may tao ba. Pero wala. Tahimik ang buong unit ni Drew. Teka? Ano bang nagyayari? Umakyat ako at diniretso ang hallway na papunta sa kwarto niya. Pinihit ko ang door knob, tumambad saakin si Drew na naka-upo sa gilid ng kama at hinahaplos ang pisngi ni Jade.

"Drew..." Tawag ko.

Agad dumapo saakin ang mga mata nitong kasing laming ng yelo at galit na galit. I gulped at tinignan ko ang anak kong puno ng dugo.

"Mommy! Mommy!" Sabay yugyog saakin.

Nagising ako dahil sa sigaw ni Jade. Hinihingal kong tinignan si Jade. Walang dugo. That was... Weird. Creepy. Niyakap ko si Jade at hinalikan sa noo.

"Nanaginip ka, mommy?" Tanong niya.

Tumango ako at tipid na ngumiti. Hinaplos niya nga buhok ko at ngumiti.

"Stress ka na kasi." Sabi niya.

"Oo. Mukha nga." Sabi ko at natawa ng kaunti.

"Tito Fire is here." Sabi niya.

Napatingin ako kay Fire na kalalabas lang ng cr. Basa ang kamay. Ngumiti ito saakin kaya ngumiti ako pabalik.

"Kanina ka pa?" Tanong ko.

"Hindi naman." Sagot niya.

Tumango ako. Ako at tinignan ang mga pagkain na dala niya. Isang lalagyan na may lamang peanut ang nakapukaw ng atensiyon ko. Shiz! Hindi nga pala alam ni Fire na may allergy si Jade sa peanut!

"F-Fire!" Napatayo ako at agad na tumakbo lalapit sakaniya.

"Sorry pero bawal 'to kay Jade." Sabay kuha ko ng lalagyanan at iniabot kay Tina. Sinenyasan ko ito na ilayo iyon.

"Huh? Bakit?" Tanong niya.

"May allergy si Jade sa peanut." Sabi ko at nababuntong hininga.

Napatingin agad siya saakin tsaka kay Jade. Bumuntong hininga siya. Kinarga niya si Jade at umupo sa sofa habang kandong kandong si Jade.

"I'm sorry. I didn't know." Nakatingin siya kay Jade habang humihingi ng tawad.

"It's okay, Fire. Wala kang kasalanan." Sabi ko.

Tipiad akong ngumiti at tinignan si Jade.

"4 years ago... Well, mag 5 years na this december. Pumunta ako sa Nevada para doon tumira. July 14, 2013, ipinanganak ko si Jade sa isang private hospital sa Nevada." Ngumiti ako at hinaplos ang buhok ni Jade.


"She really love to eat pancakes with maple syrup for breakfast. She loves to play barbie dolls and watch barbie movie sa iPad. She love vanilla cake, ice cream at kung ano ano pang vanilla." Tumango tango si Jade.

"Just like her daddy." Komento naman ni Fire. Tumango ako.

Nag twinkle naman ang mga mata ni Jade ng marinig na pareho sila ng daddy niya.

"Mag kamukha na nga kayo pati ba naman ang mga favorites? And a little bit of attitude." Fire chuckled.

Ngumisi ako at umiling iling. God! He's so right! Bakit kasi?

"Talaga, tito Fire?" Nakangiting paninigurado ni Jade.

"Oo." Sagot ni Fire na natatawa.

"Sabi ni mommy, kami daw ang parehas ng attitude e." Ngumuso si Jade.

"Hayaan mo yan si mommy mo." Nakangiting Sabi ni Fire.

Jade smiled at kung ano ano pang kwento ang nai-kwento niya kay Fire. Halos lahat ata. Mga bonding namin. Hilig naming gawin sa Nevada noon. Well, okay lang naman, si Fire lang naman yan e. Napa-iling iling ako ng tawanan ni Fire ang ginawa ni Jade sa biniling gold fish. Natawa daw kasi siya, kayo pinakawalan niya sa swimming pool.

Binalingan ko ang cellphone ko sa tabi ng laptop ko. Tumatawag si Jenna kaya dinampot ko agad iyon at sinagot.

"Hello, Jen?"

"Jan! Gosh! Hindi ako makapaniwala. As in. Kaderder."

"Huh? Anong bang sinasabi mo?" Tanong ko.

"Yung half Chinese na babae na chef niyo, 'di ba may trabaho ngayon? Day off niya ba?" Tanong niya pabalik.

"Nagpaalam na lalabas sandali. Important daw e." Sagot ko.

"Importante!? Pinagloloko mo ba ako? Eh, nandito siya sa isang cafe kasama ang ama ng inaanak ko! Aba! Ang lalaking 'to, akala ko ba naman nagbago na, e wala pa rin naman pala! Naku! Janna! Naiirita ako dito sa half Chinese na 'to ha. Sabihin mo lang at susugudin ko sila. Baka sinabi na niya kay Drew ang tungkol kay Jade! Chimosa." Suminghap siya dahil sa haba ng sinabi.

Napalunok ako at bumuntong hininga. Akala ko nga rin Jen, hindi pa rin pala. Balak ko pa naman sanang ipakilala si Jade sakaniya kapag birthday niya.

"Hey, Jan? Still there? Ang haba ng sinabi ko tapos ikaw walang sasabihin? Aba---"

"Hayaan mo na sila, Jenna. Hayaan mo na siya." Suminghap ako at pumikit ng mariin.

________________________________
Sorry ngayon lang update. May pasok na po kasi kami, soo... Asahan niyo na po ang bagal ng update ko. Sorry po ah?

-Alenn-

A Love that Bring Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon