Chapter 34

15.8K 278 1
                                    

Chapter 34: Know

"Daddy, I want that po." Sabay turo ni Jade sa isang sticker.

I groaned. "Jade..."

"Hayaan mo na, Jan." Sabi ni Drew at ngumiti kay Jade. "Saan d'yan?"

"That oh!"

Huminga ako ng malalim at hinayaan silang kumuha ng stickers. Binilhan din ni Drew si Jade ng bear. Ngumuso ako.

"Hindi mo na sana siya binilhan." Sabi ko kay Drew.

"Hayaan mo na. Pambawi ko yan." Aniya at inakbayan ako.

Hinayaan ko nalang silang bumili bili. May ibang paraan naman para makabawi siya. Pero bahala siya.

Pagkatapos namin, no, nila bumili ng kung ano ano ay kumain kami sa food court. Si Drew ang bumili ng pagkain. Habang si Jade ay pinaglalaruan ang mga stickers.

"Jade, mamaya na 'yan. Itago mo muna." Sabi ko.

Ngumuso siya tumango. Ilang sandali pang paghihintay ay dumating na si Drew. Tumayo ako para sana tulungan siya pero tumanggi siya.

Marami siyang binili. At halos lahat ay saakin o kaya naman kay Jade. Pero tumatanggi ako. Binbigay ko iyon sakaniya at sinasabing busog na ako.

Pagkatapos kumain ay nag-sine. Rated PG iyon. Kaya ayos lang para saamin tatlo. Pagkatapos ay nandoon ulit kami dahil gusto ni Jade. At dahil ini-spoil naman ni Drew ay sumang-ayon siya. Gabi na ng matapos kami. Kumain kami sa isang restaurant. Nag take out na rin kami at bumili ng dalawang box ng pizza.

Pagdating sa bahay ay bagod na pagod akong pumunta sa kwarto para makapag pahinga. Humiga ako sa kama pagkatapos mag half bath. Agad naman akong nakatulog.

Day passed by. Every morning, I always woke early. Drew too. Minsan, sumasama sila ni Jade saakin. At kapag may oras sa gabi ay nagkukulitan kami sa kwarto ni Jade.

At dahil sumapit nanaman ang araw ng sabado ay napagkasunduan naming pupuntahan nalang nila ako ng bandang tanghali para sabay sabay kaming kakain ng lunch. Si mama, pupunta daw kasi kay tita Pen. Kapatid ni papa.

Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Jade at Drew na magkahawak ang kamay. Agad naman silang lumapit saakin. Jade kissed my cheeks. Drew kissed my forehead. Ngumiti lang ako sakanila.

"Tired, mommy? Tanong ni Jade.

"Not anymore." Ngumiti ako sinuklay ang buhok niya.

Ngumuso siya at pilit na kumakandong saakin. Natawa ako bago ko siya kinarga at pinaupo sa kandungan ko.

"Dapat nagpapahinga ka rin po." Sabi niya.

"Mommy's fine. Tsaka nagpapahinga naman ako ah?" Ngumusi ako at hinalikan siya sa pisngi. "Hungry?"

"Kaunti?" Patanong niyang sagot.

Natawa kami ni Drew. Lumabas ako sa office at sinabihan ang isang waiter na dalahan kami ni pagkain.  Bumalik ako sa office. Kinikiliti ni Drew si Jade na naglilikha ng matinis niyang boses na tumatawa.

"Ahhh! Mommy ko!" Sigaw niya.

Natatawa akong lumapit sakanila. Tumigil si Drew sa kakakiliti at umayos ng upo. Tumayo naman si Jade at pumunta sa table ko. Umupo naman ako sa tabi ni Drew.

"Wala ka bang pupuntahang iba?" Tanong ko.

Kumunot ang noo niya bago sumagot, "Wala naman."

Tumango tango ako.

"Bakit?" Tanong naman niya.

"Natanong ko lang naman. Paano ang flower plantation niyo?" Sinulyapan ko siya at nag-iwas din agad ng tingin.

A Love that Bring Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon