"Dahil wala naman talaga akong kasalanan. It was all your mother's fault."

Nabuhay muli ang galit sa puso ni Will. "Don't you dare na isisi kay Mama ang lahat!"

Huminga nang malalim ang matanda. "Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko ng buksan pa ang lahat, lalo na sa 'yo, Will. You've always been a mother's boy. Natural, hindi mo makikita ang masama sa kanya. Paniniwalaan mo ang lahat ng sinasabi niya."

Naramdaman ni Will ang lungkot sa sinabi nito. Nagulo si Will. Sa ilang beses na pagtatangka ni Patricia na sabihin sa kanya ang tungkol sa nangyari noon ay nasabi nga nitong kasalanan ng kanyang ina ang lahat. Lalo lang siyang nagalit roon. Pero may curiousity rin siya na naramdaman. Hindi lamang niya gaanong pinansin noon dahil patay na ang kanyang ina. What's the use of digging the issue? Hindi na maibabalik noon ang kanyang ina. Maayos na rin ang kompanya. Ang tanging magagawa na lamang niya ay matuto sa mga pagkakamali ng kanyang ama.

Kung malaki nga talaga ang pagkakamali nito.

Hindi nagsalita si Will. Kinuha iyon na pagkakataon ng kanyang ama para sabihin ang lahat.

"Aaminin ko, nagkaroon kami ng affair ng sekretarya ko at ngayon ay asawa ko na si Graciella. Pagkakamali iyon? Oo, maaari. Sa tingin ng iba. Pero pagkakamali ba na maituturing iyon kung siya ang naging dahilan kung bakit buhay pa rin ako ngayon? Siya ang naging taga-pakinig ko. Siya ang naging karamay ko nang niloko ako ng Mama mo..."

"Hindi..." Mabait ang kanyang ina. Bagaman kahit may asawa na ay marami pa rin na lalaking lumalapit rito dahil sa angking ganda, wala siyang alam na pinatulan nito. Wala siyang kilala na lalaking malapit rito, maliban sa kanyang Tito Diether. Pero magkatrabaho ito kaya ganoon. Magkasyoso sa restaurant na pinamamahalaan nito. May sarili rin na pamilya si Tito Diether kaya hindi nila maiisip na may namamagitan sa dalawa. Bagaman nabalitaan niya na naghiwalay ito at ang asawa nito noong mga panahon bago nila malaman na may affair ang ama sa sekretarya nito, hindi nila pinahalagahan iyon.

Pero may posibilidad iyon. Napag-alaman niyang may ibang babae raw kasi si Tito Diether kaya ganoon. Hindi nga lamang niya kilala kung sino.

"May relasyon sila ni Diether. Ginamit lamang nila ang restaurant para pagtakpan iyon. Ilang taon na ganoon, Liam. Nang malaman ko iyon ay talagang gumuho ang mundo ko. Hindi ko napabayaan ang negosyo dahil na-distract ako kay Graciella. Iyon ay dahil sa ginawa sa akin ng Mama mo. Niloko niya ako. Pinagsisihan niya iyon. Humingi siya ng tawad sa akin. Pero hindi ko maggawa. Si Graciella ang naging karamay ko sa madidilim na panahon na iyon pero hindi siya ang pinakadahilan kung bakit muntik ng bumagsak ang Limitations. Dahil iyon sa ina mo. Kahit tinulungan pa ako ni Graciella, hindi naging sapat ang lahat para makabangon ako sa sakit at makapag-concentrate sa trabaho. Masyado akong nasaktan."

Hindi pa rin gustong maniwala ni Will. "Bakit ngayon niyo lang ipinaliwanag ang lahat ng iyon? Bakit hinayaan niyo na mas maniwala kami sa sinasabi ni Mama? Bakit hinayaan niyo na kayo ang magmukhang masama kaysa sa kanya?"

"Minahal ko ang inyong Mama. At gusto ko, bago siya mamatay ay may respeto pa rin kayo sa kanya."

Umiling si Will. "Bago mamatay? Paano mo nalaman na mamatay na siya? Walang suicide note. Walang naging pahiwatig si Mama---"

"May sakit ang Mama mo, Will."

Napaawang ang labi ni Will. Bahagya siyang natawa nang maka-recover. "Wait, is this kind of teleserye? Napakaraming pasabog."

"Parang ganoon. Pero maniwala ka sa lahat ay ganoon nga iyon, Will. Nalaman ng Mama mo na may cancer siya, stage four. Iyon ang dahilan ng pagkitil niya ng sarili niyang buhay, hindi ang nalaman niya na nakipag-affair ako sa iba. In fact, naintindihan niya ako tungkol roon. Pero ang sakit niya, hindi niya natanggap iyon. Naisip niya na iyon maaari ang kabayaran niya sa pangagago niya sa akin. Kaya sa halip na magpagamot, pinatay na lamang niya ang sarili niya. Doon rin naman daw kasi ang kapupuntahan niya."

"Hindi ko pa rin gustong maniwala."

"Hindi kita pipilitin. Pagkatapos ng lahat, ganoon rin si Patricia noong una. Pero nag-imbestiga siya. Nasa kanya na ngayon ang lahat ng ebidensya. Ang mga medical records ng Mama mo sa ospital at pati na rin ang naging suicide note niya na hindi ko na ginustong ipakita sa inyo noon. Prinotektahan ko ang image niyo sa kanya kaya ganoon. Kailangan niya ng mga dasal niyo at respeto. Nagdesisyon lamang ako na ayusin ang lahat ngayon dahil umaasa ako na naka-move on na rin kayo at siyempre, kailangan rin na magkaroon ng paliwanag ang lahat. Kausapin mo ang kapatid mo para tuluyan kang maniwala. Makinig ka sa kanya."

Hindi nagsalita si Will. Napakahirap iproseso sa utak niya ang nangyari. Kinuha naman ng ama ang patlang para tignan ang opisina. Napangiti ito sa nakita. "Napakagaling mo, Anak. Tama talaga ako na ibigay na lamang sa 'yo ang Limitations. Noong una, iniisip ko na dahil nakokonsensiya rin naman ako sa ginawa ko pero hindi. Iyon talaga ay alam ko na mas magaling ka sa akin. I'm so proud of you."

Iyon nga ba talaga? Ang paniniwala ni Will ay dahil sa sinukuan na iyon ng kanyang ama. Na dahil sa natatakot ito na mag-carry pa ng burden sa pabagsak ng Limitations. Isa rin iyon sa mga ikinagalit niya rito. Ni hindi man lang niya naramdaman ang suporta at tulong nito sa problema na ito ang nagsimula. Pero ang malaman na proud ito sa kanya? Nagbigay iyon ng kakaibang galak sa puso niya.

Matagal na niyang gustong patunayan iyon. Mas magaling siya sa kanyang ama, hindi niya gagawin ang pagkakamali nito. Wala siyang gaanong balita rito pero alam niyang sa ngayon ay namumuhay na lamang ng simple ito kasama ang ngayon ay asawa na nitong dating sekretarya. Dahil roon, alam niyang naungusan na niya ito. Napakalaki ng agwat ng buhay niya sa buhay nito. He was successful and he was, well, he thinks not. Pakiramdam nga niya minsan ay parang competitor na niya ang ama. Kaya ang isipin na malayo ang narating niya sa narating nito ay nakakapagpasaya sa kanya. Hindi rin niya gaanong maintindihan ang pinaglalaban niya pero dala na rin siguro iyon sa galit niya sa ama. Gusto niyang patunayan na mas magaling siya rito.

Nilapitan si Will ng ama, hinawakan sa balikat. "Salamat sa pakikinig. Sana ay huwag kang gumaya sa amin ng Mama mo. 'Wag kang manakit ng ibang tao...lalo na at hindi niya deserved iyon. And yes, ang tinutukoy ko rito ay ang babaeng iyon, ang sekretarya mo. Ramdam ko na pinapahalagahan ka niya nang husto. Naramdaman ko ang takot niya sa magiging reaksyon mo pero binalewala niya ang lahat para makuha mo lang ang paliwanag ko---ang magiging daan para kahit papaano, mawala ang lahat ng sakit sa puso mo."

Iyon lamang at tinalikuran na si Will ng kanyang ama. Naiwan siyang naguguluhan pa rin. Pero hindi na siya nag-antay pa nang matagal kagaya nang ginawa niya ngayon para malinawan. Tinawagan niya si Patricia. Nakumpirma niya ang lahat.

Nanlumo si Will. Sobrang guilt ang kanyang naramdaman. Kay Ice na siyang ginusto lamang na pahalagahan niya at sa totoong makakabuti pa rin iyon. Sa ama na nagkimkim siya nang malaking galit sa maraming taon pero biktima rin lang naman ito ng lahat. Oo, galit siya rito dahil pinabayaan nito ang kompanya. Pero hindi naman pala sa masamang dahilan kung bakit ito ganoon. Kung nalaman niya lamang ang lahat noon, naintindihan niya sana. Hindi siguro siya nagkaroon ng malaking galit sa ama.

Kailangang bumawi ni Will sa dalawa.

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Where stories live. Discover now