Will's Secret

52.7K 820 11
                                    

SINUBUKAN ni Ice na manghimasok sa buhay ni Will. Hindi naman nito minasama iyon. Iyon nga lamang, wala siyang napala rito. Mas iginiit nito sa gabing pinuntahan siya nito sa kanyang apartment ang pagre-resign niya bilang sekretarya nito. Pero pinatunayan niya rito na matigas ang ulo niya. Hindi siya pumayag.

Natapos ang gabi na iyon na hindi sila nagkasundo. Ikinainis iyon ni Will at naramdaman niya na dahil sa pagpapakita niya ng katigasan ng ulo noon, bumabawi ito. Ngayong araw ay may biglang business trip kuno raw ito at hindi siya isinama. Hindi rin nito ipinaalam sa kanya kung saan iyon. Basta ang text lamang nito ay kapag may naghanap rito, nasa isang business trip ito.

Masasabi ni Ice na hindi niya gusto iyon. Ganoon pa man, inintindi rin niya si Will. May ginawa siyang hindi nito gusto at binabawian siya nito. Pero bakit niya ba gagawin kasi ang isang bagay na magagawan naman ng paraan? Enjoy rin siya sa trabaho. Hindi niya ito maintindihan, lalo na at hindi naman nito willing na sabihin sa kanya ang lahat.

Wala naman silang relasyon pero iyon at nag-iinarte siya. Hindi tama para sa isang kagaya niya na wala namang karapatan para dito. Dahil gusto niya ito, matindi ang nararamdaman niya para rito ay dapat ay isaalang-alang niya ang damdamin nito kaysa sa kanya. Pero siguro ay nahihirapan na rin siyang maging pagkamartir. Nagpapasalamat na lamang siya na sa kabila ng pagmamatigas ng ulo niya, ganoong kaartehan lang rin ang ipinakita sa kanya ni Will.

May mga ilang paperworks na iniwan sa kanya si Will. Para hindi maalala si Will, itinuon niya ang pansin roon. Pagdating tuloy ng hapon ay wala siyang maggawa. Sinubukan niyang kulitin si Will pero ang na-receive lamang niya na message rito ay busy ito. Pinalalamigan talaga siya nito. Pero ganoon pa man, wala pa rin naisip si Ice na dahilan para magbago ang kanyang pasya.

Alas dos ng hapon nang may hindi inaasahang dumating na bisita si Will sa opisina. Nagustuhan ni Ice na may dumating dahil may pagkakaabalahan siya dahil bilang sekretarya nito, ang isa sa mga kailangan niyang gawin ay ang mag-entertain ng mga kliyente o kung sino man na dumalaw rito. Pero muntik na siyang mapangiwi nang makita ang panganay na kapatid ni Will.

"Oh, Ma'am. Good afternoon po..." namumula si Ice. Natataranta rin siya. Alam niya na masama ang tingin nito sa kanya dahil sa nakita kahapon. Nahihiya siya.

Kaya naman bahagyang nagulat si Ice nang maganda pa ang ngiti nito sa kanya. "Magandang hapon rin. Ice, right?"

Tumango si Ice.

Inilahad ng babae ang kamay sa kanya. "Patricia. You can call me Ate Patty."

Alanganin na tinanggap at ngumiti si Ice. "Ma'am Patty na lang po."

Umiling ang babae. "No, call me Ate. Girlfriend ka ni Will. Tama lang na tawagin mo ako nang ganoon."

Napaawang ang labi ni Ice. Iyon ba ang sinabi ni Will sa kapatid nito? Nakaramdam siya ng saya sa dibdib sa isipin na iyon. Pero ayaw niyang umasa. "Oh, h-hindi po ako girlfriend ni Sir Will---"

"Whatever. Sekretarya ka niya 'di ba? And he slept with you. Hinding-hindi sisirain ng kapatid ko ang rules niya kung hindi ka espesyal sa kanya. Kaya para sa akin, girlfriend ka niya."

Namula si Ice sa sinabing iyon ni Ate Patty. Espesyal nga ba talaga siya kay Will? Gusto niyang umasa. Pero dahil wala naman talagang sinasabi sa kanya, hindi dapat niya nararamdaman iyon.

"B-bahala po kayo kung ano ang gusto niyong isipin. Pero sa tungkol kahapon, humihingi ako ng patawad---"

"'Wag mo ng alalahanin iyon. Naayos na namin ni Will ang lahat." Niyakap ni Ate Patty si Ice. "Salamat at dumating ka sa buhay ng kapatid ko."

"Ate..." nanuyo ang lalamunan ni Ice. Nagulat pero nagustuhan niya ang yakap ng kapatid ni Will. Masaya siya na nagustuhan siya nito. Magiging pamilya niya nga kaya ito? Magiging asawa siya ni Will? Nagdala ng masaya at nakakilabot na damdamin sa puso ni Ice ang mga isipin na iyon. Pero hindi. Mali ang isipin na iyon. Napakabata pa niya. Babago pa lamang sila na magkakilala ni Will. Higit sa lahat, walang ipinapangako sa kanya si Will at kailangan niyang ipaliwanag iyon kay Ate Patty.

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon