Chapter 28

234K 3.8K 96
                                    

Napaupo ako sa sofa at nag-isip-isip. Kailangan ko muna kausapin si Ken pagdating niya at ilinaw ang lahat ng 'yon sa akin. Kailangan 'di ko muna idaan sa galit ang lahat baka mamaya ay maling desisyon pa ang aking magawa.

I touched my tummy and caressed it gently.

Masakit sa akin ang malaman na nasa piling ng ibang babae ang mahal ko pero kailangan kong malinawan mamaya.

If he did a mistake like that, I'm willing to understand him but I'll leave this unit soon. Nasaktan na ako kay Dave noon, 'di na ako papayag na masaktan muli sa pangalawang pagkakataon.

Sa dami kong nailuha na, inantok ako bigla. Pabor sa akin 'yon dahil kailangan kong pagpahingain ang aking utak. Bawal akong ma-stress dahil baka mapa'no ang bata.

Humiga na ako sa higaan at natulog muna. Ilang oras lang ang naitulog ko nang makarinig ako ng kaluskos, tila gising ang diwa ko at nagising agad. Kinusot ko muna ang aking mata bago bumangon, nagulat ako nang makita si Ken na nakaupo sa edge ng kama..  gulong-gulo ang buhok pati ang suot na damit.

Nang maramdaman na gumalaw ako ay do'n lamang siya tumingin sa akin. He didn't speak, nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

Nilukob na naman ako ng galit at tumayo na. “Look at yourself,” panimula ko. “uuwi ka rito na ganyang magulo ang buhok pati ang damit na suot? Ano, masarap ba si Deborah, huh? Answer me!” tumayo siya at hinawakan ako sa braso pero nagpumiglas ako. “Don't touch me with your dirty hands!” kung saan-saan niya panigurado hinawak 'yon kay Deborah.

“I'm drunk.” basag ang kanyang boses at naka-himig ako ng pait do'n. “Since Deborah is one of my client too, pumayag akong makipag-inuman sa kanya dahil about sa business naman daw ang pag-uusapan namin pero 'di ko alam na hindi pala, na may binabalak silang masama sa akin. Dapat kanina pa akong alas siete nakauwi pero 'di ko namalayan ang oras. Hindi lang si Deborah ang kasama ko, I'm with Lucy too.”

“Oh, nag-enjoy ka sa mga babaeng 'yon?” napaluha muli ako. “Nagawa mo pang i-text ako ng gano'n! You even send me a pics and videos! Nakakadiri ka!”

“Hindi ko magagawa 'yon!”

“Anong hindi? You are the one who called me ‘love’, you liar!” mabilis ko siyang sinampal. Sobrang sakit na kasi nang nararamdaman ko. “Sabi mo, matino ka. Anong nangyari? Hanggang salita ka na lang ba, huh?!”

“Listen to me first! I can explain!”

“Lagi naman ganyan! Lagi kayong ganyan! Kayong mga lalaki kayo! You want to explain your side so that you make me believe again with your words!”

“You still didn't know my point of view, Ali! I can explain my side to you because you need that! You need my explanation!”

“I don't need that fuck! Tama na ang pics at videos na sinend mo sa akin!”

“Hindi ako 'yon, maniwala ka.” hinawakan niya muli ako sa braso. “It was Lucy. They put a drug on my wine to make my body in heat! She even get my phone so that she can easily send you a pics and videos!” he explained but I don't give a care. “Trust me, love. Matino ako. 'Di kita kayang saktan.”

“Enough...” lumayo ako sa kanya. “Ang hirap na maniwala sa'yo.”

Hinawakan niya ako sa mukha at nakipagtitigan sa akin. “Trust me... I'm not a liar, love. They framed up me... Believe me, please.” pagsusumamo niya. “Mahal na mahal kita, 'di kita kayang saktan.”

Umiling ako dahilan para mas lalong bumagsak ang kanyang balikat. “Lalayo muna ako sa'yo, palalamigin ang ulo. Saka na lang tayo mag-usap kapag kaya ko nang pakinggan ka muli.” dahil ngayon, 'di ko kayang maniwala na sa kanya.

pregnant by my boss (Completed) (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon