Chapter 8

369K 6.2K 185
                                    

Mahigpit ang hawak ko sa'king seatbelt dahil sa patakbo ni Ken sa kanyang kotse. Ni 'di alintana sa kanya na sundan kami ng mga police dahil over the limit na ang patakbo.

“Paakibagalan ang takbo!”

Paniguradong namumutla na ako ngayon. Mahal ko pa ang aking buhay, paano kung biglang may makasalubong siyang truck tapos mabangga kami?

Ang lalaking 'to talaga!

Hindi ko na mawari kung anong tumatakbo sa isip! Binagalan niya ang takbo ng sasakyan kaya nakahinga ako nang maluwag.

“Ba't ka ba ganyan!? Kung gusto mong makulong, h'wag mo akong idamay! Kung gusto mong magpakamatay, h'wag mo rin ako idamay!”

“Hindi naman kita idadamay, isasama lang kita.”

Napatanga ako sa kanyang sinabi. Ano raw?

“Nakakabadtrip lang kasi.” ramdam ko sa kanyang boses ang inis. “Fuck. If I drove like this, I'm sorry. It's just... fuck, nevermind.”

Hindi ko talaga siya maintindihan ngayon.

“H'wag mo na lang ako pansinin ngayon.” dagdag pa niya.

Nakatingin lamang ako sa kanya, hindi alam ang sasabihin. Huminto na ang sasakyan sa parking lot ng condominium. Tatanggalin ko na ang seatbelt nang biglang nag-lean si Ken at hinawakan ako sa'king kamay.

“Ako na.”

Tumitig siya sa mga mata ko habang hawak-hawak ang aking kamay. Nahigit ko ang aking hininga habang nakipagtitigan sa kanya. Umarko pataas ang gilid ng kanyang labi at sa seatbelt na tumingin. Binitawan na niya ang aking kamay at siya na nga mismo ang nagtanggal ng seatbelt.

Nakakahiyang huminga ngayon dahil sa sobrang lapit niya sa'kin. Siya na rin mismo ang nagbukas ng pinto. Nang makalayo siya ay bumaba na agad ako. I suddenly gasp, baka pag lumapit ulit siya sa akin ng gano'n ay ikamatay ko na agad ng maaga.

“This way.” anito.

Nauna siyang maglakad ngayon papuntang elevator bitbit ang mga gamit ko, may isang Guard do'n at binati si Ken.

“Good evening, Sir.”

Hindi umimik si Sir Ken, tumango lamang ito kaya ako na ang umimik.

“Good evening po, Kuya.”

“Good evening din po, Ma'am.”

Napangiti ako nang makita ang pagngiti niya ng maganda, kahit matanda na siya ay maganda pa rin ang kanyang ngipin. I wonder kung nakapustiso siya o hindi.

“Nakapustiso po ba kayo?” pagtatanong ko, tumawa ang matanda.

“Hindi, Hija.”

“Nice!” napangiti ako nang malawak. “Iilan na lang ang mga matatanda ngayon na may magandang ngipin. Sana all po talaga.”

Maganda rin ang ngipin ko kaya sana, pag tumanda ako, gan'to pa rin kaganda ang ngipin ko.

“Kaya nga. Nakakatuwa kasi maganda pa ngipin ko.”

“Kaya nga po. Sana all po.”

“Puro ka sana all, woman.” pagsingit ng isa. “Halika nga rito! Masyado kang malayo sa'kin. May ngipin ka naman na iyo pero hindi ngipin mo ang iyong pansinin.”

“Problema mo?” pagtatanong ko rito habang nakakunot-noo. Walang araw, oras at minuto akong 'di nakakunot-noo, ah. “Inggit ka? Gusto mo rin pansinin ko ang ngipin mo?” sabay ngiti ko nang nakakaasar. “Sabihin mo lang Ken kung naiinggit ka. Papansinin ko rin ngipin mo.”

pregnant by my boss (Completed) (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon