CHAPTER THIRTY-ONE

5.5K 145 0
                                    

CHAPTER THIRTY-ONE

MAGKAHAWAK-KAMAY na bumalik sa school sina Grendle at Donita. Basang-basa na sila pero hindi nila iyon iniinda. Masaya sila. Lalo na si Donita.

Naghihintay sa bungad ang mga kabarkada ni Grendle. Pati si Krizhia ay naroon din.

"Krizhia? Bakit lagi kang high blood sa akin?"

"Shut up, Aser. Don't ask a question when you already know the answer."

"Ano? Hindi ko kaya alam..."

"Manahimik ka nga diyan. Baka gusto mong patikimin kita ng flying--"

"Kiss? Sure!"

Hinampas ni Krizhia si Aser sa sikmura.

"Agh! Nakakadami ka na, ah! Halikan kaya kita diyan?"

"Subukan mo kung gusto mong pulutin sa ilalim ng tulay!"

"Children, stop fighting! Nandito na sila," sabad ni Clyde.

Agad napansin ng mga ito ang magkahawak na kamay nila.

"Sila na. Panalo ako sa pustahan," ani Kyle. "Pay up now."

"Teka, panalo din ako, Kyle. Sabi ko magkakabati sila."

"But, Aser, tha bottomline is magsteady na sila. Kaya ako pa rin ang lumalabas na panalo."

Agad na naglabas ng beinte pesos si Clyde. "Talo ako."

Napatabingi ang ngiti niya. At talagang pinagpustahan pa talaga sila ng mga ito?

Naiiling na lang si Grendle.

"Don't mind them. May sira talaga sa utak ang mga iyan."

"Matagal ko na'ng alam iyon."

Tumingin ito sa kanya at ngumiti.

"Siyanga pala, bagay sa'yo ang damit na iyan. Lalo kang gumanda."

Lumabi siya. "Kanina mo pa dapat sinabi sa akin 'yan. Basa na ang damit ko at lusaw na ang make up ko."

"I'm sorry."

"Tama na ang pagsosorry mo. Nagbibiro lang naman ako. Saka napatawad na kita."

Hinawi nito ang basang buhok na nasa nakakalat sa mukha niya at iniipit sa likod ng tenga niya.

Hindi niya napigilang mapangiti.

"Wow, ang sweet! Krizhia, naiinggit ako."

"Pakialam ko sa'yo, Aser?"

"Ang sama mo talaga sa akin."

"Before we forgot, tumawag sa phone mo ang family lawyer niyo, Grendle." Inihagis ni Kyle ang cellphone ni Grendle dito. "Nasa ospital daw si Tito Raf."

Nabigla siya sa narinig. Bakit nasa ospital ang daddy ni Grendle? Napatingin siya sa katabi. Halata rin ang pagkagulat nito.

"What? W-why? W-what happened?"

"We don't know. He just ask about you at pinagbilin na sabihin na lang daw namin sa'yo na nasa hospital ang daddy mo."

"Grendle, puntahan natin ang dad mo..."

Tumingin sa kanya si Grendle. Saglit itong nag-isip bago tumango.

"Let's go."

Magkahawak-kamay na sinugod nilang muli ang ulanan. Pinuntahan nila ang motorbike nito.

"Wait..."

Napatigil siya sa gagawing pagsakay.

Hinubad ni Grendle ang jacket nito at isinuot sa kanya.

"Para hindi ka masyadong lamigin. Sakay na."

Napangiti naman siya. Ito ang namiss niya kay Grendle, ang pagiging maalaga nito sa kanya.

Maya-maya pa'y binabagtas na nila ang daan papuntang hospital.

"Hindi ka ba nilalamig?" tanong niya dito. Nakatshirt na lang kasi ito.

"I'm fine. Ikaw, nilalamig ka ba?"

"Nasa akin ang jacket mo. Paano ako lalamigin?"

Tumango lang ito. Kinuha nito ang kamay niya at iniyakap iyon sa bewang nito.

"Your hug is enough."

"Grendle, everything will be fine..."

"I hope so."

Basang basa na sila nang makarating sa ospital.

Sinalubong sila ni Attorney sa bungad.

"Grendle!"

"Where's dad?"

"Nasa hospital room..."

"Ano'ng room number?"

"301. But Grendle--"

Hindi na pinansin ni Grendle ang iba pang sasabihin nito. Nagmamadali silang pumunta sa room 301.

"Grendle, wait..." Humarang ang abogado sa daanan nila. "It's not the proper time para pagalitan mo ang daddy mo. He had a heart attack..."

"Kailan pa siya inatake, attorney? Bakit walang nagsasabi sa akin na may sakit siya sa puso? Please, 'wag niyo nang itago ang lahat sa akin. Tell me the truth," kastigo nito sa abogado.

Napabuntong hininga ang abogado. "Kagabi lang. After he... talked to your mom. Ayaw niyang mag-alala ka sa kanya kaya itinago na lamang niya ang lahat. Masyado nang nakakatakot ang atake niya. It's the second time in this month na inatake siya..."

"Wait, he talked to mom?"

"Yes. I think they talked about you. Gusto ng daddy mo na ipaubaya ka na sa mommy mo. He thought, kailangan mo ng mag-aalaga at gagabay sa iyo. And he can't give that to you kaya humingi siya ng tulong sa mommy mo. Ang kaso... hindi pumayag si Mayeth kaya nagalit si Rafael. And it happened."

"Damn..." Kita niya ang pagdilim ng itsura ni Grendle. Nagtagis ang bagang nito. "Ano'ng alam ni dad para ipaubaya na lang ako basta kay mommy? He..." pinigil nito ang iba pang sasabihin at marahas na bumuntong hininga.

"Ahh... k-kumusta po si Tito Raf?"

"He's fine, iha. I think you're the girlfriend of Grendle? Ilang beses nabanggit ni Rafael na gusto ka niya para sa kanyang anak."

"S-salamat po."

"I want to see him."

Hindi na pinigil ng abogado si Grendle nang pumasok ito sa silid ng ama. Mahigpit na nakahawak pa rin ito sa kamay niya.

Nadatnan nila si Tito Raf na nakahiga sa hospital bed at nakapikit. May dextrose na nakakabit sa katawan nito.

Napatigil sila sa tapat ng pinto.

Tiningala niya si Grendle. Tila hindi ito makapaniwala sa nakikita.

"Grendle..." Pinisil niya ang malambot na palad nito.

Napakurap ang lalaki. Nagbaba ng paningin at bumuntong hininga.

"Lapitan natin ang daddy mo."

Tumango lang ito. Lumapit sila sa hospital bed.

"Dad..." mahinang bigkas nito.

Tila narinig iyon ni Rafael kaya naman nagmulat ito ng paningin. Nabigla ito ng makita doon ang anak.

"GJ? W-why are you here?" paos na sabi nito.

"Why didn't you tell me? Napakadami mong hindi sinabi...." Napabuntong hininga si Grendle at napailing. "How... how are you?"

Nagpasalamat siya at hindi nito itinuloy ang panunumbat sa ama. Baka lumala lang lalo ang kalagayan ni Tito Raf.

"I'm sorry, iho."

Nag-iwas ng paningin si Grendle. "Let's not talk about it."

Kita niya ang bahagyang pag-aliwalas ng mukha ng matanda.

"I'm fine. How about you, son? How are you? Mukhang nagkayos na kayo ng girlfriend mo?" Dumako ang paningin nito sa magkahugpong mga kamay nila.

"Hello po, tito Raf."

Tumango ito sa kanya. "How are you beatiful youg lady?"

Napangiti siya sa sinabi nito.

"I'm fine. And we're fine, dad. Sarili mo dapat ang iniintindi mo."

"Oo nga naman po, Tito Raf." Lumapit siya sa kama nito. "Matagal na po kayong tinatanong ni tatay kung kailan ulit kayo dadalaw sa amin. May bago po kasi siyang recipe at gusto niyang isa kayo sa unang makatikim."

Natawa ito. "Hindi ko tatanggihan iyan. Sabihin mo sa tatay mo na pupunta ako pagkalabas na pagkalabas ko ng hospital."

"Sige po..."

Nakamasid lang si Grendle habang nakikipagkwentuhan siya sa ama nito. Maya-maya'y inabutan siya nito ng tuyong towel.

Medyo nilalamig na nga siya. Basa pa rin kasi ang damit niya.

Ilang saglit pa at pinatulog na ng nurse si Rafael. Kailangan na nitong makapagpahinga.

"I'm glad you two visited me here. Umuwi muna kayo sa condo ko, GJ. Mas malapit iyon dito kesa sa bahay. You don't need to worry about clothes, marami kang damit doon na hindi ko naibigay sa iyo. Pahiramin mo na lamang si Donita. Patuyuin niyo muna ang mga damt niyo. Kuhanin mo na lang ang susi ng condo sa guard."

"Yes, dad."

Ngumiti ang matanda bago pumikit.

Kita niya ang kasiyahan sa mukha nito.

"Let's go?"

Napatingin siya kay Grendle. Nakangiting tumango siya.

Magkahawak kamay na lumabas sila ospital.

----------------------------------

"ITO na lang ang isuot mo."

Napatingin siya sa itim na t-shirt at asul na shorts na iniabot ni Grendle sa kanya.

Kadadating nila sa condo ng daddy nito. Nasa kwarto sila at kanina pa naghahalungkat si Grendle ng damit. Siya naman ay nakaupo lang sa kama at sinusundan ang bawat galaw nito.

Parehas silang hindi pa rin nakakapagpalit ng damit. Medyo natuyo na nga ang damit sa katawan nila.

Kinuha niya ang mga damit mula dito.

"Ang ganda ng design ng t-shirt."

"Yeah... Sige na, magpalit ka na. Wag mong kalimutang magshower muna bago ka magbihis para hindi ka magkasakit."

Napangiti siya. "Opo. Hindi ko po kakalimutan 'yan, doc."

Ngumiti rin ito. Lumapit sa kanya. "As far as I know, ikaw ang doctor ko." Pinisil nito ang baba niya. "Sige na, magtake ka na ng shower."

Tumango lang siya at tinungo ang shower room.

Pagkasarado ng pinto ay napasandal siya sa likod niyon. She's happy. Balik na ang sweetness nito sa kanya, at mas naging sweet pa nga yata ito. Naalala niya ng halikan siya nito kanina. It felt like heaven.

Nahaplos niya ang labi. Ramdam niya pa doon ang mainit na labi ni Grendle. Napapikit siya at inalala kung paano siya nito hinalikan.

Napabuntong-hininga siya. Halik lang nito, nalimot na niya ang lahat. Tila naimbalido ang utak niya sa halik na iyon. Tanging ang puso niya ang nagdidikta sa kung ano man ang dapat niyang gawin.

Pinapakilig na naman siya ni Grendle... pero mas matutuwa at mas kikiligin siya kapag sinabi nitong mahal din siya nito.

Nagmulat siya ng mata.

Sa ngayon, hindi na muna niya kailangang iisipin iyon. Masaya siya at hindi niya hahayaang masira iyon dahil lang sa hindi nito pagsasabi ng 'I love you' sa kanya. Ramdam niyang mahal siya nito... at iyon ang paniniwalaan niya.

Nagsimula na siyang maghubad at itinapat ang katawan sa ilalim ng dutsa.

Damit nga pala ni Krizhia ang suot niya ngayon. Lalaban niya na lang ng maayos iyon para naman hindi nakakahiyang isoli dito.

Pagkatapos maligo ay tiningnan niya ang mga damit na ibinigay sa kanya ni Grendle.

Napakalaki ng t-shirt na iyon para sa kanya. Sinubukan niya iyong isuot. Hanggang itaas na iyon ng tuhod niya. Hindi na niya kakailanganing isuot ang shorts nito.

Tumingin siya sa salamin. At napangiti siya sa nakita sa mukha niya. May kakaibang kislap na naman ang mga mata niya at bakas ang kasiyahan doon.

Lumabas na siya ng banyo.

Nakita niyang nakahiga sa kama si Grendle. Nakapikit ito. Hindi pa rin ito nagpapalit ng damit, pati sapatos nito ay hindi pa tinatanggal.

Nilapitan niya ito.

"Grendle..."

"Bakit kailangang ilihim niya sa akin ag lahat?" Dumilat ito. "As far as I know, I'm his son. Hindi lang basta tau-tauhan niya."

Naupo siya sa kama. May mga karayom na tumusok sa puso niya sa nakikitang paghihirap nito. If only she could ease that pain.

"May reason si Tito Raf. Iniisip lang niya ang kabutihan mo..."

"But it's unfair. He's so unfair. Ang totoong dahilan kung bakit naghiwalay sila ni mommy, ang tungkol sa sakit niya... kailangan ba talagang ilihim niya iyon lahat sa akin? Hinayaan niyang kamuhian ko siya para lang hindi ako magalit sa mommy ko. He took all the blame."

Ramdam niya ang sakit na dinaranas nito. Niyuko niya ito at hinaplos ang pisngi.

Hinuli nito ang palad niya.

"Donita, the reason why I avoid you is because of my family problems. Ayokong idamay ka sa gulo ng pamilya ko. You had a dream at gusto kong matupad mo iyon. Masisira lang ang concentration mo sa pag-aaral nang dahil sa akin..."

"Grendle, di ba sinabi ko naman sa'yo na mas alam ko ang makakabuti sa akin? Isa pa, alam ko namang hindi mo hahayaang mangyari iyon. Basta wag ka lang umalis sa tabi ko, kakayanin ko ang lahat." Pinisil niya ang palad nito. "Nandito lang ako palagi sa tabi mo. Hindi kita iiwan. Pangako 'yan. Sasamahan kita sa problema mo. Alam kong maaayos din ang lahat."

Ngumiti ito at hinila siya palapit. Nahulog tuloy siya sa ibabaw nito.

Muling bumilis ang pintig ng puso niya nang magtama ang paningin nila. Matiim ang pagkakatitig nito sa kanya.

"Thank you. Hindi ko na hahayaang mawala ka sa akin." Hinaplos nito ang pisngi niya. "You're making me feel good everytime... Please say it again for me."

"A-alin?"

"'Yong sinabi mo kanina sa akin."

"Alin doon?"

"Sabihin mong mahal mo ako."

'Ikaw, mahal mo ba ako?' Subalit hindi na niya iyon naisatinig.

Tinitigan niya ito sa mata. Hoping that he will answer her.

"Mahal kita, Grendle."

Pero nadismaya lang ulit siya nang ngumiti lang ito. At tinitigan niya ng mga nangungusap na mga mata nito.

Akmang ilalapit nito ang mukha sa mukha niya pero pinigilan niya ito.

"Magbihis ka muna. Baka mapulmonya ka na niyan."

"As you said, girlfriend."

Napasinghap siya nang marinig muli ang pagtawag nito ng ganoon sa kanya. Ang anumang pagtatampo niya ay naglaho na lang bigla.

Bumangon ito sa kama. Pero bago tuluyang tunguhin ang banyo ay hinalikan muna siya nito sa pisngi.

"I'm glad you're here with me again. Bagay sa'yo ang t-shirt ko."

Nasundan na lamang niya ng tingin ang pagpasok nito sa banyo.

Napabuntong-hininga siya.

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon