CHAPTER TWENTY-FOUR

4.7K 139 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

"ANO?" bulalas ni Donita nang sa wakas ay sabihin ni Grendle ang pakay nila sa lugar na iyon.

"You heard me right. Diyan nakatira ang mom ko." Hinila siya nito palapit sa mababang gate na iyon.

Ang mommy pala ni Grendle ang pinuntahan nila doon. Pero bakit isinama pa siya? Hindi siya nakapaghanda ng sarili!

"P-pero dapat man lang sinabi mo." Napatingin siya sa pangkaraniwang bahay na iyon. Kasinlaki lang halos iyon ng bahay nila. Ang pinagkaiba lang ay mas maganda ng kaunti ang bahay na ito.

"Bakit kailangan ko pang sabihin? It's a surprise!"

"Surprise ka diyan!"

'Inhale, exhale, Donita! Makakaya ng powers mo ang pagharap sa mommy niya!'

Sana lang kasingbait ni Tito Raf, dad ni Grendle, ang mom nito.

Hindi na ito sumagot dahil may batang lalaki na lumabas sa bahay. Napatigil ito sa paglapit sa gate nang makita sila.

Hula niya ay naglalaro sa sampu at siyam ang edad nito. At isa pa ang napansin niya sa bata. Tila ba... kahawig ito ni Grendle?

Tumingin siya sa lalaking katabi. Kunot noo itong nakikipagtitigan sa batang iyon.

"Raijan, huwag ka munang lumabas--"

Lumipad ang tingin niya sa babaeng lumabas ng bahay. Natigilan ito nang makita sila... lalo na nang mapagawi ang paningin kay Grendle. Napako ang paningin nito sa lalaki.

Tensyonadong lumingon siya kay Grendle. Hinihintay niya itong magsalita subalit tila nawalan ito ng boses ng mga oras na iyon.

"Ah... m-magandang araw h-ho, misis!" siya na ang bumasag sa katahimikan.

Lumipat sa kanya ang paningin nito. Alanganing ngumiti.

"M-magandang araw din naman." Saka lang ito nakahuma. Nagmamadaling lumapit ito sa gate at pinagbuksan sila. "P-pasok kayo. Pasok."

Walang kibong pumasok si Grendle kaya napasunod na lamang siya. Nginitian niya ang ginang nang mapatapat siya dito.

There's a resemblance between her and Grendle. Ito ba ang mom nito na sinasabi sa kanya? Pero bakit ganito ang reaksyon ni Grendle?

Inakay ng babae papasok sa bahay ang batang tinawag nitong Raijan.

Lumingon si Grendle sa gawi ng mga ito.

Ngumiti ang babae dito. "U-upo tayo... Ano'ng gusto niyong kainin? Gusto mo ba ng paborito mo, G-GJ?"

Nakita niyang may sumungaw na luha sa mga mata ng ginang ng banggitin ang pangalan ni Grendle.

Umabot ng ilang saglit bago sumagot si Grendle.

"Who's him?" tukoy nito sa bata.

"S-si Raijan. A-anak ko din." Lumipat ang paningin nito sa kanya. "Girlfriend mo ba siya, iho?"

Hindi nito pinansin ang huling sinabi ng babae. "Anak?"

Hindi nakasagot ang ginang.

"Kapatid ko?" dagdag pa nito.

Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa paligid.

"G-GJ--"

"Hon, nakita ko na ang slippers ni Raijan--"

Napatingin silang lahat sa lalaking lumabas mula sa kwarto. Natigilan din naman ito. Pagkuwa'y ngumiti sa kanila.

"O, may bisita pala tayo."

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon