CHAPTER EIGHT

5.3K 152 1
                                    

CHAPTER EIGHT

"MORE! More!!!"

Ngayon ay sa ganoong sigawan naman nabibingi si Donita. Katatapos lang tumugtog ng The Rebel Slam. Ayon kay Aser kanina ay isang kanta lang ang tutugtugin ng mga ito dahil may mga ibang banda pang magpeperform.

Nagsisimula nang magligpit ang mga ito ng gamit nang umakyat ang isa sa mga coordinator ng fund raising na iyon sa stage. Kinausap nito ang banda. Mukhang nakikiusap ito na pagbigyan ang mga manonood.

"Sana naman hindi na sila tumugtog ng isa pa. Apat na banda pa ang susunod sa kanila."

Napalingon si Donita sa babaeng tumabi sa kanya sa upuang iyon.

Mukhang rakista din ang babae base sa makapal na eyeliner at itim na damit nito. May pulseras pa itong itim din at hikaw na itim. Ngunit masasabi niyang maganda ito kahit gano'n ang ayos.

Nakasimangot ang babaeng tila kaedad lang niya habang nakatingin sa stage.

Ibinaling nito ang paningin sa kanya.

"Bakit ba tinitilian ng mga iyan ang bandang iyan?" anito.

"Ha? Ah, e-ewan ko din. Siguro magagaling silang tumugtog," sagot na lang ni Donita. Nagtataka siya sa ekspresyon nito. Bakit hindi yata ito nachacharm ng The Rebel Slam? Normal ba ito?

"Magagaling? Yeah, you're right. Pero may ibang banda pang mas magaling sa kanila. Panoodin mo kaming tumugtog mamaya. You'll see what I mean," confident na sabi nito.

So ibig sabihin pala ay nagbabanda din ang babae.

"Tutugtog din kayo? Nasaan ang mga kabanda mo?"

"Nando'n. Iniwan ko, ang iingay kasi. Tili ng tili. By the way, I'm Krizhia. Dito ako lumapit dahil napifeel kong ikaw lang ang nag-iisang normal dito."

Napakunot-noo naman siya.

"Nag-iisang normal?"

"Yes. Puro mga baliw ang mga babaeng narito. Look at them, daig pang kinukuryente sa kilig. Ikaw lang ang nakita kong hindi gumagaya sa mga iyan."

Lihim siyang napangiwi. Kung alam lang nito na muntikan na siyang mapagaya sa mga sinasabi nitong baliw kanina.

"Ako nga pala si Donita. Nice to meet you, Krizhia."

"Nice to meet you too." Ibinaling nitong muli ang paningin sa stage.

Napatingin din siya doon.

Nakita niyang bumaba sa stage ang coordinator samantalang isinuot namang muli nina Grendle ang mga instruments nito. Saglit na nag-usap-usap ang mga ito. Pasulyap-sulyap sa gawi niya si Grendle.

"Oh no! Mukhang tutugtog pa sila. Ano ba yan?" inis na bulalas ni Krizhia.

Hindi na lang siya umimik. Pero sa isip ay gano'n din ang reaksyon niya.

Gumagabi na kasi. May curfew pa naman sa bahay nila. Siguradong patay siya kapag nakauwi siya ng late.

Sinulyapan niya ang orasan. Six thirty palang. Kailangan bago mag alas otso ay nasa bahay na siya. Napakalayo pa naman ng lugar na ito sa kanila.

Napabuntong hininga na lang siya.

Sana lang ay hindi siya malate.

May iniakyat na keyboard sa stage. Si Aser ang humawak niyon. Si Grendle naman sa bass, si Kyle sa gitara at si Clyde sa drums.

Maya-maya pa'y isang nakakakilig na musika ang pumailanlang.

Hindi na naman pamilyar kay Donita ang tugtog pero maganda iyon sa pandinig niya. Tila nakakarelax ng pag-iisip pero nakakabulabog naman ng damdamin lalo na at diretsong tumingin si Grendle sa kinauupuan niya.

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon