CHAPTER NINETEEN

4.5K 137 1
                                    

CHAPTER NINETEEN

"GOODMORNING, girlfriend! Kanina pa kita hinahanap. Narito ka lang pala."

Sino pa nga bang tumatawag ng ganoon kay Donita kundi si Grendle?

Masyado siyang nabigla sa paghalik nito kaya speechless pa siya. Napatitig lamang siya dito.

"So, it's true," narinig niyang sabi ni Gerald. May halong sarcasm ang boses nito. "Pare, ano'ng nagustuhan mo sa kanya?"

Napatingin si Grendle dito. Humigpit ang pagkakaakbay sa kanya at lalo pa siyang inilapit sa katawan nito.

"Why would I answer you? Sino ka ba?"

Nagsalubong ang kilay ni Gerald. "Hindi ba ako naikukwento si Donita sa'yo?"

"Babe, 'wag mo namang awayin si Grendle," saway dito ni Cecil na hindi maiikaila na may gusto din kay Grendle.

"Shut up, Cecil! Hindi ikaw ang kinakausap ko!"

Binalewala naman ni Grendle ang mga ito. Muli itong tumingin sa kanya.

"Tara na. Ihahatid na kita sa room mo."

"Wait. Hindi pa tayo tapos mag-usap ah!"

Subalit hindi ito pinakinggan ng lalaki. Nagpatuloy ito sa paglakad habang nakaakbay sa kanya.

"Gerald, you're breaking this school's rules and regulation. Gusto mong sa guardian magklase?" Si Sean na ang kumausap dito.

"What? Ano namang nilabag kong rule?"

"Shouting at hallways."

Hindi na nila pinakinggan pa ang diskusyon ng mga ito. Ni hindi niya magawang lumingon sa mga ito. Napakahigpit kasi ng pagkakaakbay ni Grendle sa kanya.

Umalis na lamang sila doon.

**********************

'HINALIKAN ako ni Grendle...'

Muling nagreplay sa utak ni Donita ang nangyari. At muli, may kiliti siyang naramdaman sa puso. Hindi niya mapigilang ngumiti.

She doesn't care about their teacher na abalang nagdidiscuss sa harapan. Nakatunganga lang siya sa upuan niya at iniisip si Grendle.

'Hinalikan ako ni Grendle...'

Kahit sa gilid lang iyon ng labi, it doesn't change the fact na hinalikan siya nito... sa harap nina Gerald, sa harap ng ibang estudyanteng nag-uusyoso doon, sa harap ng classroom na maraming estudyante na ang laman... Inakbayan pa siya nito ng mahigpit habang papunta sila sa room niya. Lahat halos ng estudyanteng nakatambay sa hallway ay sa kanila nakatingin. Tila naman balewala dito iyon. Para bang ipinapaalam nito sa lahat na pagmamay-ari siya nito.

Ngayon, napatunayan na ng buong campus na totoo ang umiikot na tsismis tungkol sa kanila.

Pero himalang hindi siya nagagalit o nag-aalala. Siguro ay alam niyang nariyan lang si Grendle sa tabi. May sumugod man sa kanyang tagahanga nito, alam niyang ipagtatanggol siya nito.

Naalala niya ang sinabi ni Grendle sa kanya bago siya nito iwan sa classroom niya.

"Don't mind those crazy people. I'm just here. Sigaw ka lang," ngumiti pa ito. "Kidding aside, hindi ka nila makakanti habang narito ako... Susunduin kita mamayang lunch. See you later, girlfriend!" Pinisil pa nito ang pisngi niya bago umalis.

Napabuntong hininga siya. Excited na siyang maglunch break.

"Donita!!!"

Napatayo siyang bigla nang marinig ang sigaw ng teacher nila.

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon