CHAPTER SEVEN

6.1K 168 3
                                    

CHAPTER SEVEN

"BAKIT tumayo ka na?" kunot-noong tanong ni Donita kay Grendle.

Naabutan niya ito ng hapon na iyon sa music room na wala na sa wheelchair nito. Mukha pa ngang may lakad dahil bihis na bihis pa.

Bakit hindi nito sinabing aalis ito ng hapong iyon? Ang balak ba nito ay takasan siya? At limang araw pa lang itong nakatali sa wheelchair nito. Bakit tumayo agad? Baka hindi pa ito magaling.

"May gig kami mamaya," walang anumang sabi nito habang inaayos ang gitara sa bag nito.

Nagsalubong naman ang kilay niya.

"Gig? Hindi ka pa magaling ah! Saka may bagong topic akong ituturo sa'yo."

Tinatamad na tumingin ito sa kanya.

"Marunon ka pa sa may katawan. Saka Saturday bukas. Bukas mo na lang ako basahan ng sintensya ko." At muling ibinalik ang paningin sa gitara.

Ilang minuto niya palang itong nakakaharap pero sumasakit na ang ulo niya at naiirita na siya dito.

"Hindi ka ba talaga nag-iisip, Grendle? Hindi ka pa pwedeng tumayo sa wheelchair mo. Paano kung lumala pa 'yang injury mo? Masyado mong pinupwersa ang sarili mo..."

Napatigil siya ng tumingin ito sa kanya. There's a glint of amusement on his eyes. Saka niya napagtanto ang sinabi. Mukha na naman siya worried masyado dito.

Napatikhim siya.

"C-concerned lang ako sa sarili ko dahil ako na naman ang sisisihin mo kapag kumirot na naman 'yang tagiliran mo," bawi niya agad. "Besides, one week na lang ang nalalabi at mag-eexam ka na--"

Napatigil ulit siya sa paglilitanya nang bigla nitong isukbit sa leeg niya ang gitara nito.

Dahil electric guitar iyon at napakabigat, muntik na siyang masubsob sa sahig. Mabuti na lang at naalalayan niya agad iyon.

"Sira-ulo ka talaga, ano?" singhal niya agad dito nang makabawi.

"Tara na. Magpapractice pa kami."

Umalis na ito sa harapan niya at tinungo ang pinto.

"T-teka nga..."

Bago ito lumabas ay lumingon muna sa kanya.

"Iwan mo muna 'yang gamit mo dito. Balikan mo na lang kapag uuwi ka na." Tuluyan na itong lumabas.

Naiwan siyang nagpupuyos ang kalooban.

'Hambog talaga ang lalaking ito! Aaahh! Kung pwede lang manakal ng tao, nasakal ko na ang antipatikong ito!'

Napatingin siya sa mga librong nasa paperbag. Napakabigat pa naman niyon pero pinagtyagaan niyang bitbitin para may reference siya sa ituturo dito. Tapos, mababalewala lang?

Napakabigat din ng bag niya sa dami ng papel at notebooks na naroon. Tapos sinabitan pa siya nito ng pagkabigat-bigat na gitara.

'Magkano kaya ang kilo ng metal ngayon?' Siguradong kikita pa siya kapag ipinakilo niya sa junkshop ang electric guitar nito.

Sinaway niya ang sarili sa pag-iisip ng masama.

Napabuntong hininga siya. Mukhang wala siyang magagawa ngayon kundi sumunod na naman dito.

'Patience, Donita...'

Inilapag niya ang mga gamit niya sa couch at inayos ang pagkakasukbit ng gitara sa balikat.

'Humanda ka sa akin bukas, Grendle! Mag-aaral tayo sa ayaw o sa gusto mo!'

-------------------------

NANGINGITI na lang si Grendle sa ipinakitang galit ni Donita kanina.

Nakakatuwa talaga ito kapag nagagalit.

At nagugustuhan niya din ang ipinapakitang concern nito sa kanya paminsan-minsan. Ewan niya kung concerned nga ba ito sa sarili nito o sa kanya mismo.

Ilang araw niya pa lang itong nakakasama pero inaaliw nito ang nabuburyong niyang isipan. Minsan ay hinahanap-hanap na niya ang presensya nito.

Napangiti siya ng maalala kung paano siya nito sigawan, saktan kapag hindi na talaga ito makapagtimpi, ang pamumula nito sa galit at panlalaki ng mga mata nito.

She looks prettier when she was angry.

Tama. Inaamin na niyang maganda ito. Kapag kasi hindi ito nakatingin ay may pagkakataon siyang pagmasdan ang mukha nito. And he hated to admit pero nagagandahan siya sa mga mata nito. It was charcoal black at mabibilog ang mga iyon.

"GJ..."

Napahinto siya sa paglakad. Lumipad ang tingin sa lalaking tumawag sa kanya.

"Dad?" kunot-noong sabi niya. Dagling napalis ang ngiti sa labi niya.

Himala yata at umuwi ito doon? Usually ay sa condo unit nito ito umuuwi. Mas malapit kasi iyon sa opisina nito.

"How are you, son? Hindi na ba masakit ang tagiliran mo?"

It was much more like an insult to him. Sa pandinig niya ay tila pinagtatawanan pa siya nito. Besides, kailan ba ito nag-alala sa kalagayan niya? Simula ng maghiwalay ito at ang mommy niya, tila binalewala na rin siya nito.

"I'm fine."

"Grendle!"

Napalingon siya sa kalalabas na si Donita sa music room. Natigilan ito ng makita ang daddy niya.

-------------------------

"H-hello po, sir," bati niya sa lalaking kaharap ni Grendle. Kung hindi siya nagkakamali ay daddy nito iyon.

Hindi niya sure dahil sandali lang naman niya itong nakaharap noong maospital si Grendle. Saka ngayon niya lang ito nakita sa bahay na iyon.

Ngumiti naman ito sa kanya.

"Hello there. You are?"

"Donita po..."

"Nice to know you, Donita. I'm Rafael, Grendle's dad. Call me tito Raf. Ikaw iyong nagdala kay Grendle sa hospital noong monday, right? Nandito ka pala."

Ngumiti siya dito. Mukhang namang napakabait na ama nito. At napansin niyang malaki ang pagkakahawig dito ni Grendle.

"Opo, sir... I mean, t-tito Raf. Itututor ko po kasi--"

"I'm impressed you recognize her," nakaismid na sabi ni Grendle sa daddy nito. Bumaling ito sa kanya. "Tayo na. Napakabagal mong kikilos."

Nabigla siya sa inasal nito. Pati pala sa harap ng parent nito ay ganoon din ito umasta.

"Wait, GJ. Where are you going? Magaling ka na ba, anak?"

Kita niya ang pagsimangot ni Grendle.

"It's none of your business. I can go wherever I want to go." Bumaling itong muli sa kanya. "Let's go."

Hinawakan nito ang braso niya at hinila palayo doon."

"Sandali lang, Grendle..." Pero tuloy pa rin ito sa paghatak sa kanya.

Napalingon siya sa daddy nito.

He smiled bitterly at her. Ni hindi nito nagawang pigilan ang anak.

Nahihiyang nginitian niya na lang ito.

Mukhang may animosity sa pagitan ng mag-ama. Nakucurious siya pero ayaw niyang iinvolve ang sarili sa gulong pampamilya ng mga ito. Hindi siya gano'n kapakialamera.

Pero hindi niya talaga matake ang ginawa nitong pambabastos sa ama.

Nang makalabas sila ay inis na binawi niya ang braso dito.

Pareho silang napahinto sa paglalakad.

"Bakit mo ginawa iyon sa daddy mo?" sita niya dito.

Tinapunan siya nito ng masamang tingin. "It's none of your business."

Sabi na nga ba niya at iyon ang sasabihin nito.

Tiningnan niya rin ito ng masama.

"Hindi ka ba naturuan ng nanay mo ng igalang ang dad mo?"

"Nakikita mo ba ang mommy ko dito?"

Natigilan siya nakitang reaksyon nito. May kakaibang emosyon sa mga mata nito na tila tumatagos sa puso niya. Ngayon niya lang ito nakitang ganoon.

Ang totoo an nabigla lang siya kaya niya nasabi iyon. Mukhang tinamaan pa niya ang pinakasensitibong usapin para dito.

"H-hindi..."

"So, wag mong banggitin ang taong wala dito!"

Nagbawi ito ng paningin at padabog na tinungo ang motorbike nito na nasa malawak na parking lot.

Hindi niya alam kung bakit tila may kumurot sa puso niya. May kung ano sa tono at sa mga mata nito at parang nararamdaman niya iyon.

Napabuntong hininga na lang siya.

Sa susunod ay hindi na talaga siya makikialam sa problemang pampamilya nito. Mukha kasing napakakomplikado ng lahat... Kasing komplikado ng nararamdaman niya.

-----------------------

"How many times are you gonna try to shut me out

I told you once told you twice I ain't turning back around

You can say whatever try to mess with me

I don't care, I'm not scared."



Ngayon ay naririnig na ni Donita ang tugtog ng The Rebel Slam sa isang party na iyon na pinuntahan nila.

Sa pagkakarinig niya ay isa iyong fund raising para sa isang grupo ng mga kababaihan.

Bagaman nag-aalala pa rin siya sa kalagayan nito, natuwa pa rin siya sa kaalamang marunong din palang tumulong sa mga ganitong programa ang bandang ito.



"You don't have to say you're sorry save your sympathy

With a friend like you I don't need an enemy

I would give you time if you were worth it

But guess what, youre not worth it."



Pagkadating nila sa function hall na iyon ay naroon na ang mga kabanda nito.

Nakapagtatakang hindi nagreact ang mga ito ng makitang kasama siya ni Grendle. Mukhang inaasahan na ng mga ito na kasama siya ng lalaki.



"Woah woah

I'm always gonna be the last one standing

Woah woah just you know I'm never give up trying

And now I'm ready to go D Am I'm here I'm waiting for you

And I'm gonna be the last one standing

The last one standing..."



Ang totoo ay hindi niya alam ang tinutugtog ng mga ito. But she can feel the lyrics and the music. Para bang nararamdaman niya doon ang emosyon ni Grendle.

Kaninang paglabas nila sa bahay ng mga ito ay masama pa rin ang mood nito. Hanggang sa makarating sila doon ay wala itong pagbabago.

Nagsisisi na tuloy siya sa pakikialam sa problema nito sa mga magulang.



"Did you think that I would surrender easily

But That just like that you could get rid of me

Is that the way you saw it all go down!

I don't think' I don't think s...



There's not a word you say that I haven't heard before

So give it up give it up

Unless you want a little more

You think you're pretty tough so lets throw down

It's alright I'm alright...."



"I love you, Grendle!!!!!!"

Ito na naman ang mga babaeng haling na haling kay Grendle. Bakit ba nandito ang mga ito? Akalain mong alam yata ng mga ito ang schedule ng The Rebel Slam ah!

Mukhang kikita ng husto ang fund raising na ito dahil narito ang The Rebel Slam.





"I won't give up I keep trying

Always gonna be the last one standing

It's not over I keep fighting

I'm Always gonna be the last one standing

I won't give up I keep trying

Always gonna be the last one standing

It's not over I keep fighting

I keep fighting!!!"



"Whoohhhhhh!!!!"

"We love you, Rebel Slam!!!"

Pambihirang mga babae ito! Katabi pa naman niya. Muntik nang mabasag ang eardrum niya ah!

Imbes na pagdiskitahan ang mga ito, ibinalik na lamang niya ang paningin sa bandang tumutugtog sa stage.

At nabigla pa siya ng makitang nakatingin sa gawi niya si Grendle.



"Woah woah

I'm always gonna be the last one standing

Woah woah just you know I'm never give up trying

And now I'm ready to go

I'm here I'm waiting for you

And I'm gonna be the last one standing

The last one standing..."





Nahigit niya ang paghinga. Ito na naman ang puso niya sa pagiging abnormal.

"Nakatingin siya sa akin!"

"Gaga! Sa akin siya nakatingin!"

"Mga ambisyosa! Sa akin kaya!"

Hindi niya na gaanong mapagtuunan ng pansin ang mga mahaharot na katabi. Wala na rin siyang pakialam kung mgasabunutan man ang mga ito.

Masyado siyang nahihipnotismo sa magkalapat na mata nila ni Grendle.

'Donita! Wake up! Baka magaya ka na sa mga katabi mo!'

-----------------------

Featured song:

LAST ONE STANDING by Simple Plan

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon