Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS

Start from the beginning
                                    

Nakita ni Laurea na iminulat na ni Anilaokan ang kanyang mga mata. Nag-unat-unat ito at ipinako ang mga tingin nito kay Laurea na ngayon ay isinalubong nito ang napakatamis na ngiti kay Anilaokan.

Simulan mo na Laurea na lunurin siya sa kanyang kahinaan, gamitin mo ang pag-ibig niya bilang iyong sandata laban sa kanya... ang sabi ng kanyang isip habang mapanukso itong lumapit sa lalakeng diwata.

Matamis na ngiti rin ang isinukli sa kanya ni Anilaokan lalo na sa ipinakikitang kilos sa kanya ng pinakamamahal niyang si Mariang Sinukuan.

Paglapit sa kanya ni Laurea ay kaagad siya nitong hinalikan sa kanyang mga labi at yumakap sa kanya ng buong higpit.

Nakaramdam naman ng paninibago si Anilaokan sa mga ikinikilos ngayon ni Mariang Sinukuan. Kanina lang ay napakalamig pa rin ang turing nito sa kanya pero ngayon sa pagmulat ng kanyang mga mata ay napakainit na ang ipinapakita nitong pagtanggap sa kanya.

Tumingin sa kanyang mga mata si Laurea at ngumiti ito ng buong tamis saka siya hinalikan nito sa kanyang mga labi. Niyakap ni Anilaokan si Laurea at niyapos niya ito sa kanyang likuran.

"Parang nananaginip pa rin yata ako o binabangungot na sa aking paggising, mahal kong Mariang Sinukuan." ang di makapaniwalang wika ni Anilaokan sa kakaibang ikinikilos ni Laurea.

Nahiga si Laurea sa tabi ni Anilaokan na kaagad namang yumakap sa kanya. Hinawakan ni Laurea ang mga kamay ng lalakeng diwata.

"Napagtanto ko lang na siguro panahon na para suklian ko na rin ang ipinapakita mong pag-ibig sa akin. Nakikita ko kung makailang ulit mo na ring itinaya ang buhay mo mailigtas mo lang ang buhay ko kay diyosang Bulan. Nakita ko rin na gagawin mo ang lahat para sa akin. Pinatunayan mo sa akin na totoo ang ipinapakita mong pag-ibig para sa akin, kaya walang dahilan para hindi ko rin ito suklian ng totoong pagmamahal." ang tugon ni Laurea kay Anilaokan.

Hindi masukat ang tuwang nadama ni Anilaokan pagkarinig ang mga salitang iyon mula sa bibig ng pinakamamahal niyang si Mariang Sinukuan. Halos manginig ang kanyang katawan sa sobrang kagalakan.

"Wala akong hindi gagawin para sa'yo mahal kong Sinukuan. Kahit buhay ko ay iaalay ko, kamatayan man ang kahihinatnan nito. Basta mahalin mo lang ako, lahat ibibigay para sa'yo." ang halos maiyak sa tuwa na si Anilaokan.

"Salamat kung gayon, salamat..." ang wika ni Laurea at muli ay naglapat ang kanilang mga labi.

Sa pagkakataong iyon ay naisip ni Laurea na umaayon ang lahat sa kanya ang kanyang mga plano.
--------------------

Nakarating na si diyosang Tala sa lugar na tinatawag na Eloria. Isang mayamang kaharian na kung saan itinuturing na pinakasentro ng karunungan pagdating sa mahika at kapangyarihan. Dito matatagpuan ang Philontria, ang pinakatanyag na paaralan para mahinang ang kapangyarihan ng mga anak ng diyos at diyosa ng ikatlong mundo. Dito rin nagsasanay ang mga makapangyarihang nilalang ng ikatlong mundo.

Tulad sa isang maunlad na lungsod ay makikita rito ang mga nagtataasang mga gusali na kung saan nakatira ang mga mag-aaral ng Philontria. Dito rin nananahan ang mga diyos at diyosa ng ikatlong mundo at bahay pahingaan ng mga hari at reyna ng mga iba't-ibang kaharian sa ikatlong mundo.

Napakaganda ng lugar na kung saan inililipad-lipad ng hangin ang mga talulot ng mga bulaklak ng mga puno ng Singnia at Aruella. Magkahalong puti at rosas ang mga talulot ng mga ito at ang napakabangong amoy na humahalimuyak sa kahabaan ng konkretong daan patungo sa mga kulay puting mga gusali ng mga Mahikano. Ang mga Mahikano ang pinakapantas pagdating sa paghubog ng mga kapangyarihan ng bawat mga elemental. Gamit nila ang karunungan sa mahigit libong taon na pananaliksik sa lahat ng mga matatandang libro ng karunungan na matatagpuan sa iba't-ibang dako ng daigdig.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now