Chapter 5 : Mystery Student

31 3 0
                                    

 Habang ang labingtatlong estudyante ay nagluluksa sa pagkamatay ng dalawa nilang kasama ay biglang bumalik si Abby. "Nga pala muntikan ko ng makalimutan. Dahil first day ninyo pa lang dito, magkakaroon ng acquaintance party mamayang 7:00 PM sa dome para mas makilala pa ninyo ang mga isa't isa . Bumalik na kayo sa mga rooms ninyo dahil nagaabang sainyo ang mga gamit ninyo," ngumingisi na tawa ni Abby. "Pwede nga pala kayo maglibotlibot dito sa school ko pero be there at 7:00 PM," at bigla na muling nawala si Abby. 

 "Guys bumalik na tayo sa room natin. 5:30 pa lang kaya marami pa tayong pwedeng gawin," sambit ni Marlon sa kanyang mga kasama sa kwarto. 

 "Sige para makapaghanda na rin tayo para sa party," wika ni Hans sa kanyang mga kasamahan. Sumangayon naman ang kanyang mga kasamahan sa kanyang sinabi.

 "Tara balik na tayo," wika ni Jerome sa kay Josh.

 "Sige tapos swimming tayo. Katabi lang naman yun ng dome nakita ko kanina sa map sa room kaya di tayo male-late sa acquaintance party," sagot naman ni Josh kay Jerome.

 "Sige," sagot ni Jerome. "Kayo guys sama kayo samin? Magswiswimming kami," tanong ni Jerome kay nila Lester at Miguel.

 "Sige sasama ko sainyo," sagot ni Miguel at sila ay nagapir ni Jerome.

 "Kayo na lang. Maliligo na lang ako sa cr tsaka meron pa kasi akong gagawin," sagot ni Lester na walang emosyon. 

 Inakbayan ni Josh si Lester. "Pre alam naming nawalan ka ng kasama pero nandito naman kami. Sumama ka na," pagpupumilit ni Josh kay Lester upanhg sumama ito sa kanilang mag-swimming.

 "Sorry pero masama rin kasi pakiramdam ko," sagot ni Lester. Hindi ako magsasayang ng oras kasama kayo. Ang totoo ay mas gusto ni Lester na maging mapagisa muna dahil para sa kanya ay ito ang tamang panahon upang makapagpahinga at pagnilayan ang mga bagay-bagay.

 "O sige," sagot naman ni Josh.

 "Guys tara na," aya ni Zandrea kay nila Geelah, JC, at Marienette.

 Ang lahat ay dumiretso na sa kani-kanilang kwarto upang makapaghanda para sa magaganap na acquaintance party pagsapit ng 7:00 ng gabi. Panandaliang nakalimutan ng ibang estudyante na sila ay nasa isang laro na buhay ang kapalit. 


 Habang naghahanda ang mga estudyante ay lubos namang nagaalala ang mga mahal nila sa buhay dahil sa kanilang biglang pagkawala. Isang araw na rin ang nakalipas simula ng sila ay mawala at wala pa ring nakakaalam na kung paano sila nawala at sino ang nasa likod ng pagkawala ng mga estudyanteng ito. Halos sila ang laman ng lahat ng balita sa TV, radio, at kahit sa internet.

"Nasaan ka na ba bro?" status ng isang kaibigan ni Jerome sa facebook

 "Hello Officer. May balita na po ba kayo kay Andrei?" tanong ng ina ni Andrei sa kausap na police sa linya.

 "Pinakuwa ko lang po siya ng flour kasi mo nasa baking contest po kami tapos di na po siya bumalik," sagot ng kaibigan ni Marienette sa isang reporter na live na nagbabalita.


  Si Abby ay nasa kanyang kwarto na ginagawa na rin niyang pangalawang opisina dahil dito niya ginagawa ang iba pa niyang task. Siya ay naghahanda ng kanyang susuotin para sa gaganaping acquaintance party pagsapit ng 7:00 PM. Habang siya ay naghahanap ng kanyang susuotin ay nakita niya ang isang picture na kasama niya ang kanyang kapatid. Nanumbalik sa kanya ang hindi magagandang alaala nilang magkapatid.


Pinapagalitan ni Jhermaine si Abby dahil nasira nito ang kanyang pinaka paboritong manika, "Kasalanan mo to e. Kung di mo sana pinakeelaman yung manika ko hindi sana to masisira"

Death GameWhere stories live. Discover now